<Pangalawang Kabanata>
.sa isang taon ni Rey na paninirahan sa Batangas ay doon na lamang niya napagdesisyunang maghanap ng trabaho at hindi siya nabigo dahil may nahanap siyang isang resort na naghahanap ng isang maintenance crew.
"boss naghahanap po ba kayo ng maintenance crew dito?"pagtatanong niya sa isang matabang lalaki na katatapos lamang sa isang tawag mula sa kanyang telepono.
"nag-aaply ka ba?sige tanggap ka na!"walang paliguy-ligoy na tinanggap ng lalaki si Rey.
"talaga boss? naku! maraming salamat po!"walang humpay na galak ang naramdaman ni Rey sa sinabi ng lalaki at kinamayan niya ito.
"maaari ka nang magsimula bukas." mabait na tugon ng lalaking nagbigay ng trabaho kay Rey.
"maraming salamat po talaga"
"sige.aasahan kita bukas.eight in the morning dapat ay nandito ka na"
"sige po!"abot-tengang ngiti ni Rey at tsaka umalis.
.sumakay sa dyip si Rey pauwi at may tila kung anong hiwaga at kilabot ang naramdaman niya nang umalis siya sa resort ngunit hindi na lang niya pinansin at prenteng-prenteng umupo sa luwag na upuan ng dyip.
"tyang!may trabaho na ako!"halos mapatalon si Rey sa kanyang ibinalita sa kanyang tiyahing si Martha.
"talaga?! naku! mabuti naman!"maging ang matandang dalaga ay hindi napigilan ang sarili at napabitaw sa hawak nitong walis na kanina lamang ay pinapalo niya hulihang bahagi sa pader upang magpantay.
"opo.at bukas ay magsisimula na ako"
"naku,magandang balita yan kaya ipaghahanda kita ng paborito mong putsero"agad tumalima sa loob ng bahay nila si si tyang Martha at nagluto ng putsero para kay Rey.
.kinaumagahan ay nagmamadaling umalis si Rey at tila nasasabik sa paglabas ng kanilang bahay.
"tyang.aalis na po ako!"pagpapaalam niya kay tyang Martha at tsaka nagmamadaling pumara ng dyip.
.nang makarating siya sa resort ay napansin niya wala pang mga bisita kaya lumapit siya sa bago
niyang boss na kasalukuyang may inaayos na papel.
"oh,nandito ka na pala?ano nga'ng pangalan mo?"pagsalubong ng boss ni Rey sa kanya.
"Rey po sir!"nakakatuwang pagpapakilala ni Rey.
"oh Rey.mamayang gabi ay may mga bisita dito at ikaw na muna ang bahala kung sakaling may masira?"
"sige po sir"
"siya nga pala.siya si Andoy,siya ang makakasama mo para magtrabaho dito"pagpapakilala ng boss ni Rey sa isang lalaki na lumapit sa kanila.
"kamusta?ako nga pala si Rey"kumamay sa kanya si Andoy at walang ekspresyon ang mukha na tumango lamang.
"sige aalis muna ako,Andoy ikaw na lang muna ang bahala kay Rey"pagpapaalam ng may-ari ng resort at tsaka bumalik sa nililinis na swimming pool si Andoy,si Rey naman ay kumuha ng walis at tsaka nilinis ang paligid ng resort.
.dumaan na ang tanghali at natapos na sa gawain si Rey at si Andoy naman ay patuloy pa rin sa paglilinis ng pool.nabagot si Rey at lumapit siya kay Andoy para magpaalam.
"pare.lalabas lang muna ako,bibili lang ako ng yosi"umangat ang ulo ni Andoy mula sa pagkakayuko sa paglilinis at tsaka tumango kay Rey na senyales na pinapayagan niya ito.nagtataka si Rey dahil kanina pang tahimik si Andoy at tila walang dilang sumasang-ayon na lamang sa mga sinasabi sa kanya.pumunta na lamang si Rey sa isang tindahan malapit sa resort.
"ale,yosi nga po"magalang na pagkakasabi ni Rey sa isang matandang babae na nagbabantay ng tindahan at tsaka binigyan siya ng sigarilyo at lighter at sinindihan ni Rey at nagpatuloy lamang sa paghithit ng sigarilyo niya.
"pare,nabalitaan mo na ba yung mga nangyayari dun sa resort?"rinig na rinig ni Rey ang bulong ng isang lalaki na umiinom ng softdrinks at nakaupo lamang sa tindahan.
"hindi pa?ano ba yun?"usisa naman ng kasama nitong lalaki na kumakain lamang ng sitsirya.
"may babae raw na nagpaparamdam sa mga lalaking bisita at namamatay dahil sa sakit sa puso o kung di man ay binabangungot" nangilabot man ay hindi na lang pinansin ni Rey ang sumunod na sasabihin at bumalik na siya sa resort.
.pumasok siya sa rest room ng resort at paglabas niya ay napansin niya ang isang balon na ani mo'y luma na at mukhang hindi nalilinis.may kung anong hiwaga ang naramdaman niya at tumayo ang balahibo niya pagkakita sa balon.
"pare,matagal na ba yung balon na yun?"pagtatanong ni Rey kay Andoy at itinuro niya ang balon na nakita niya.
"mga sampung taon na ang nakalipas ng ilagay yan diyan"sabi ni Andoy na sa wakas ay nagsalita rin.
"talaga?eh mga gaano kalalim naman iyan?"muling pagtatanong ni Rey.
"ang alam ko ay limang poste na pinagpatung-patong ng Meralco ang lalim niyan at kahit magsisigaw ka pa ay walang makakarinig sa'yo"
Hindi naalis ang tingin ni Rey at tila may kung anong boses ang bumubulong sa kanya lapitan ang balon.
Unti-unti siyang lumapit sa balon at nang sinilip niya ang ilalim noon ay kadiliman lamang ang tangi niyang nakikita kaya nang naghulog siya ng bato mula sa balon ay wala siyang narinig na tunong na pagpatak ng bato.marahil ay sadyang malalim lang talaga ang balon kaya kung wala kang maririnig kahit na ano.
------------------------------------------------------------
Pangatlong kabanata...
BINABASA MO ANG
Huling Hiling(COMPLETED)
Misterio / SuspensoAnong mararamdaman mo kung sakaling humingi ng tulong sa'yo ang isang kaluluwang hindi matahimik? tutulungan mo ba siya o magsasawalang bahala ka na lamang?