Kath's POV
"Guys tumahimik nga kayo. Nakita nyong natutulog ako eh" rinig kong sabe ni Shane samin.
"Sorry na bess wag ka na galit" tingnan mo tong Andrea na toh nagawa pang magjoke. Nagsitawanan kaming lahat.
"Hahahaha, baliw ka talaga Andrea" wika naman ni Ace.
Ganto talaga kameng magtotropa merong masungit which is si Shane. Makulit, si Andrea. Maloko, si Ace. Sosyal,fashionista at kikay na si Dona. Cold, si Ken. Alien, si Kurt. Syempre di mawawala yung dyosa, si Dein. Nerd, si Jacob. Si John na nasa kanya na ang lahat as in, pagluluto, may abs, pogi, gentleman kaya crush ko sya <3
At ako... Ako ata normal samin dejk. Ako si Kath, medyo tahimik ako. Anti- social ata ako.Sa mga kaibigan ko lang ako nag iingay. Buti na nga lang at tinanggap nila ako sa tropa nila kahit ganto ako.
"Guys, nasa gate na tayo" wika ni Kurt.
Btw, di ko pala na kwento. Nandito kame sa mansion ng tita. We're here kase may problem daw si tita. Sabe niya magsama daw ako so... Ito mga friends ko ang sumama.
"Guys! Welcome sa bahay nila tita ko hehe" as what I've said, mahiyain ako.
Bumaba na kami mula sa sasakyan. Nakakapagod din pala ang byahe.
"Myghash ang creepy naman dito. Pero nice ah! may pagka vintage at 90's ang design....hmmm" totoo ang sinabe ni Dona. Medyo nakakatakot nga rito. Luma na kase ang bahay na to. Malaki sya, hanggang 5th floor. White lang sya, medyo inaanay yung bubong na part. May mga lumot nadin yung pader.
"Ano pang hinihintay natin? Tara na pasok na tayo" sabe ni Kurt.
Binitbit ko ang dalawang maleta na dala ko. 1 month kase ang gagawin namin dito. Buti nga pinayagan sila eh, sabe kase nila vacation naman walang magagalit sakanila.
"Ahh, Kath ako na magbibitbit nyan" wika ni John. Walang ano-ano'y bintbit nya ang gamit ko. Lumakas ang tibok ng puso ko sa ginawa nya.
"Oh bes ano natulala ka dyan? Iba na talaga nagagaw ng pag-ibig. Tara na" sabe ni Shane na may nakakalokang ngiti. Sya lang kase ang nakakaalam na crush ko si John.
Nagsimula na kaming maglakad. Bumungad sa amin ang malaking pinto. Kumatok ako ng unang beses ngunit walang lumabas. Kumatok muli ako hanggang sa lumabas na si tita Marie. Nakablack sya na dress na may belo na black. Ang ikinagulat ko ay ang hawak nyang babaeng manika sa kaliwang kamay nya.
"Ahh tita..good morning po" sabe ko kay tita. Nagsibatian naman silang lahat.
"Di mo naman sakin sinabi na horror party pala toh, edi sana nag costume din ako" bulong ni Shane sakin. Tiningnan ko lang sya, yung natatawang tingin.
"Ahh come in iha, pumasok na kayo sa pamamahay ko" walang ano- ano ay pumasok kami sa bahay ni tita. Tuloy tuloy ako sa paglalakad. Nilibot ko ang paningin ko ng bigla akong kinabahan ng nakita kong nakatingin sakin yung manika na dala ni tita.
"Ahhhhh!" sigaw ko na ikinagulat nila.
"Oh Kath! Bakit?" tanong ni Ace ng may pag aalala.
"Ahh wala sorry, napansin ko lang kase yung manika" nagtawanan naman silang lahat saakin.
"Hahahah! Takot ka pala manika eh!" asar sakin ni Kurt.
"Is that the sign of respect to those who have pediophobia?" wika ni Ken.
"Tss...sungit naman neto" wika ni Dein. Nahiya naman ako bigla dahil sa pagsigaw ko kanina.
"*cough* *cough*" singhal ni tita na nagpatahimik sa amin.
"Sorry po sa ingay namin" sabe ni John with peace sign. Ang cute cute nya talaga.
"It's ok. Magiging tahimik din ang mundo nyo kapag di kayo nag ingat" wika ni tita. Huh? Ano daw?
Halos lahat kame ay hindi alam ang sinabe ni Tita. Nakita ko sa mga ekspresyon ng iba ang pag dududa.
"By the way, I want you to tour in my house. But first, I want you to separate your room girls and boys. Merong tatlong kwarto and wag na wag nyong papakielaman ang 4th room. Nagkakaintindihan ba?" wika ni tita. Tumango nalamang kame senyas na umoo kame. Naglakad si tita palayo at nakita kong inilagay nya sa upuan ng sala ang manika na hawak hawak nya. Binalewala ko na lamang yun at tumingin sa mga kaibigan ko.
"Guys ano kayang nasa 4th room?" sabe ni Kurt.
"Curiosity kills"
"Curiosity kills"
Sabay naming sabi ni Ken."Yieeee" bulalas naman ng mga kaibigan ko.
*ehem ehem*
Narinig ko namang umubo si John. Yung ubo na pilit lang, parang gusto kaming patigilin."Wushu! Selos ka lang John eh" sabe ni Kurt. Jusq talaga tong mga kaibigan ko. Pero syempre kinilig naman ako nung sinabe ni Kurt yun.
"Hindi ah!" wika ni John. Nakita ko ang pamumula ng tainga ni John. Obvious na guilty sya, pero syempre ayokong mag assume.
"Oh tama na yan! Tara punta na tayo sa kwarto" wika ni Dein.
Nagsimula na kaming naglakad patungo sa hagdanan. Pataas kame ng pataas ay mas lalo akong namamangha. Nakita ko ang isang pigura ng isang babae at lalake kasama ang batang babae. Nakangiti ang babae at lalake ngunit ang bata ay mukang malungkot at walang kasiyahan sa buhay.
"Huyy!" nagulat naman ako nang sigawan ako ni Shane.
"Tss..Shane kagulat ka naman!" tnawanan nya lang ako tsss.
Nagpatuloy kame sa pag akyat and I saw something. Pumunta ako sa isang pintuan.
May aninong dumaan sakin.
It gives me goosebumps. Tumakbo ako papunta sa mga kaibigan ko.
"Oh Kath, bat hingal na hingal ka?" wika ni Jacob.
"Guys... Ahhh eh.. Mamaya ko na ikekwento". Tumango na lamang sakin si Jacob.
"Oi Kath! Jacob! Tara na, ano papahintay pa kayo diyan?"wika ni
Shane. Pumasok na sya sa pintuan ng kwarto kaya sumunod kame.*****
Nakita ko nalang ang sarili ko sa repleksyon ng salamin na nag aayos ng aking kagamitan. 1 month din pala.
Bumukas ang pinto at niluwa nito si Ken. Lumapit sya sa akin. "Kath kumain na daw tayo, pagkatapos daw kasi nun ay ito-tour tayo ni Tita Marie" tumango na lamanag ako sa kanya. Naglakad na sya paalis ng kwarto kaya sumunod na ako sa kanya.
Pagkababang pagkababa ay nakita ko ang mga kaibigan ko na kumakain sa hapag. Pumunta na lamang ako sa natitirang upuan. Umupo si Ken sa tabi ko. Nginitian ko na lamang siya.
"Guys! Hahahah feeling ko masaya tong gagawin natin" wika ni Kurt na bakas ang pagkamangha sa kanya.
"I know" nagulat na lamang kame nang makita namin si Tita Marie na may hawak ulet na manika. Bago makaupo, inilagay nya ang manika sa natitirang upuan. Natahimik kaming lahat.
"Tita, can I ask question?" tanong ni Dona na nagpabasag ng katahimikan.
"Spill it" wika ni Tita.
"Why are you always handling that..that doll?" tanong ni Dona.
"Because, she asked me to do that"
YOU ARE READING
Possessed Doll
Mystery / ThrillerI saw the doll looking at me. Story she can't forget. Story that made her depressed. "I know you will revenge" "Ahhhhhhh!" May narinig akong sumisigaw mula sa balcony. Sigaw na puno ng takot.....