Chapter Four

5.2K 245 5
                                    

Nagmamadaling pumunta si Ash sa conference room ng kanilang tanggapan. Pagkarating niya roon, several of the other operatives were there, and they all looked worried.

"What the hell's going on?" agad niyang tanong.

Sumagot si Xevier. "Nakakuha na ng video si Jazz mula sa traffic camera at na trace na rin namin ang plate number ng sasakyang muntik ng bumunggo kay Cielo kagabi."

"And?"

"And it belongs to the corporation that doesn't exist.

Napakunot-noo si Ash. "Ano ulit?"

Si Jazz naman ang sumagot. "Nakarehistro ito sa isang dummy na kumpanya. The address doesn't exist, pati phone number ay peke, at hindi rin naka rehistro dito sa ating bansa ang pangalan ng kumpanya. I think, it's cover for someone."

"Like who?" tanong niya kay Jazz.

Napakibit-balikat lang si Jazz. "Wala akong ideya, bro. Pero naniniwala akong hindi aksidente ang nangyari kay Cielo kagabi. May gustong magpahamak sa kanya."

"Mali ka. Ang sabihin mo may gustong pumatay sa kanya." sagot pa ni Ash.

Naisip rin kasi niya na baka nadamay lang si Cielo dahil kapatid ito ng napangasawa ng kanilang kasamahan at kaibigan na si Vin. Pero bakit si Cielo naman ang pag interesan ng mga kalaban ni Vin?

May naisip namang suhestyon si Ash. "Ang sinabi niya sakin, auditor daw siya. Kaya sa palagay ko may nasagasaan siyang malaking kumpanya sa kanyang pag a-audit."

"Posible." saad pa ni Hecthor. "If that's the case, kailangan natin ang kumpletong listahan ng kumpanya na kanyang ini-audit."

Hinugot naman ni Xevier ang cellphone mula sa kanyang bulsa at may tinatawagan ito. "Nakapatay ang phone ni Cielo." anito pagkababa sa kanyang cellphone.

Napapailing si Ash. "Baka ayaw magpa istorbo sa mga asungot na katulad natin." Baka tulog pa ito dahil napagod ito sa ginawa nilang milagro kagabi. Pero hinding-hindi niya sasabihin sa mga chismosong kaibigan ang nangyari sa kanila ni Cielo kagabi. Mapupuno lang siya ng kantyaw ng mga ito, at isa pa mukhang hindi rin siya paniniwalaan ng mga kaibigan kung sasabihin man niya sa mga ito. Kaya mas mabuting ilihim na lamang niya iyon.

"Mas mabuti siguro kung may pumunta sa inyo ngayon sa hotel room ni Cielo para masuri natin ang kaligtasan niya." ani Xevier.

Nagulat naman si Ash sa mungkahi ng kaibigan.

"Nah. Tulog pa yon. Makakadisturbo lang kayo sa mahimbing niyang pagtulog." biglang sambit niya.

"Pano ka naman nakakasiguro, Ash?" ani Lander, isa pa itong chismoso.

"Di ba ako nga ang nagligtas sa kanya kagabi, at siniguro ko talaga na ligtas ang kanyang suite bago ako umalis. Kaya sigurado akong safe and sound siya sa pag-alis ko."

At syempre, nakatulog ito ng mahimbing dahil sa nakakapagod ang ehersisyo na ginawa nila kagabi. Tulog-mantika nga ito pagkaalis niya eh. Kaya sa palagay niya baka matulog lang ito buong araw. Sino ba kasing babae na hindi mapapagod sa laki ng alaga niyang sawa? at isa pa, isa sa mga abilidad niya ay ang walang kapaguran at bilis. Kaya sa mga nakatalik niyang babae ay halos knock down ang mga ito buong araw.

"Sang-ayon ako kay Ash." hay! buti nalang at pumanig sa kanya si Andress. "Rather than bother her, pwede naman nating tawagan ang kanyang employer kung ano ang mga kumpanya na kanyang ini-audit."

"Ang problema, sinabi kasi niya sakin na freelance auditor daw siya. So ibig sabihin wala siyang stable na employer. What if e-voice mail nalang natin siya kung nakapatay ang kanyang phone? siguro naman pagkagising niya ay tatawagan niya tayo." mungkahi niya, at para na rin hindi magduda ang mga kasamahan niya sa pagpunta niya sa hotel ni Cielo kagabi. Pag malaman kasi ito ng mga kaibigan at kasamahan niya, sigurado siyang walang kamatayang kantyaw ang ibabato sa kanya pag nagkataon.

Sumang-ayon na rin si Xevier. "Okay, in the meantime, dapat may isa sa atin ang magmanman sa kanya."

"As in mamanmanan talaga natin siya?" gulat na bulalas niya. Letsugas, hindi pwedeng iba ang magmamanman kay Cielo. Unless kung siya ang magboboluntaryo na magmanman at magbabantay sa dalaga.

"I'll keep an eye on her." boluntaryo pa niya.

"Hindi kailangang ikaw Ash. 24/7 ang gagawing pagbabantay kay Cielo. Kailangan mo ng pahinga, bro. Ilang linggo ka na yatang hindi nakakatulog eh. Iba nalang ang e-assign ko sa tungkuling ito."

Speaking of tulog, totoo ngang kailangan na niyang matulog. Tatlong linggo na kasing hindi pa siya nakakatulog at kinailangan na talaga niyang uminom ng sleeping pills para lang siya makatulog. Pero kung makakatulog man siya para na rin siyang patay dahil bente-kwatro oras talaga ang itatagal ng pagtulog niya. He completely shut down. "Sige, matutulog ako ngayong araw. Pero pagkagising ko, ako pa rin ang magbabantay kay Cielo Homer."

Natahimik bigla ang mga kasamahan niya. Smell something fishy. Pero kung saan masaya ang mga kaibigan nila, susuportahan naman nila. Ganon kasi silang magkakaibigan, matindi man minsan ang mga kantiyawan nila, pero nagdadamayam naman sila sa lahat ng oras.

Nakita niyang napatango sa kanya si Xevier. "I'll make a call to the concierge at her hotel. Para alam rin natin kung kailan siya mag che-check out."

Sa wakas natapos rin ang kanilang meeting de abanse at makakauwi na rin siya para matulog.

Pagkarating niya sa sariling suite, naligo ulit siya at pagkatapos ay uminom siya ng tatlong sleeping pills. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakaramdam na rin siya ng antok habang pasalampak siyang humiga sa kama. Sa pagpikit niya sa kanyang mga mata, na imagine muna niya ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila ni Cielo kagabi bago pa siya nahulog sa malalim na pagkatulog. At dahil don kaya nakatulog siya na may ngiti sa mga labi.

*****


Tough Hunks Series (4) Ash : The FlashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon