Wag Mo Akong Itulak! (One-Shot)

235 9 4
                                    

Another One-shot po. May nabasa lang akong GM tas naisipan kong gawan ng One-shot. Haha. Hope you like it. Enjoy! ♥

If there are some stories related to this one. That is purely coincedential. Thank you.

---

Wag mo akong Itulak! (One-Shot)

---

"Pffffft... HAHAHA!", lakas ng tawa ng lalakeng to porebs. Masayahin yan eh. Yung tipong wala namang nakakatawa tas bigla nalang tatawa tas hahawak sa tiyan tapo-----

"ARAY!", sigaw ko, eh tinulak nya ako ng pagkalakas lakas eh. Muntik pa akong madapa. Tsk.

Gaya nga ng sinabi ko, hahawak sya sa tiyan tas ayun manunulak yan. Tss. Ewan ko kung anung trip meron yan. Sarap bangasan eh.

"Hahahaha, nakakatawa naman kasi Red", sabi nya sakin habang nakahawak pa rin sa tyan pati sa poste. Tsk.

"Walang nakakatawa kung mahahabol ka rin pala ng aso. Tss. Umagang-umaga. Takte", sabi ko sabay irap sa kanya. Shemai. Tumatawa pa rin sarap itulak eh. Psh.

Tumatawa pa rin sya hanggang sa dumating pa mga barkada namin. Sina

Blue, Violet tska si Gray. Astig kami noh? Colors kami eh. Haha.

"Oh anung nangyari dyan kay Green. Mukha syang asong ulol. Haha", sita ni Gray sakin.

"Malay ko ba sa berde na yan", sabay irap.

"Eh kasi naman hinabol si Red ng aso papunta dito sa tambayan, pfffft.. HAHAHAHA", ayan na naman sya. Kaya di ko napigilan ang sarili ko at naitulak sya.

"Bwisit ka berde", tska ako umupo sa bench sa harap namin. Umupo rin sila mahaba naman ung bench eh.

"Eto namang si pula, joke lang naman eh..", tas nagpout pa. Tumabi pa naman sakin. Sarap sapakin eh, may papout pout pang nalalaman. Kala mo naman bagay eh. Sagwa naman sa paningin. Tss.

"Ang cute nyo guys", natatawang sabi ni Violet saming dalawa ni berde.

"Shattap Violet", I glared at her.

"Oh Chill lang Red. Haha. Nakakatawa ka pag bad trip", sabi naman ni Blue sakin sabay ngiti. Kaya pala nainlab si Violet dito eh. Yeah, magboyfriend girlfriend yang dalawa. Haha.

"Hay, inaantok pa ako", sabay unat ni Violet.

"Oy, Blue pinuyat mo yan kagabi noh?", umepal si berde.

"Ou bakit? Aangal ka?", sabi ni Blue sa kanya sabay harap ng fist nya.

Pero di natinag si berde sa kakulitan, "Ano Blue??! Ginawa nyo na?! Ang bata-bata nyo pa?! Ano na lang mangyayari sa future nyo ni Vio---". Hindi na sya natapos kasi binatukan na sya ni Gray at Blue. Take note: Sabay silang nambatok. Kawawang berde tsk.

"Bagay sayo pangalan mo eh!", sigaw sa kanya ni Gray.

"Dahil gwapo ako?", he smiled na sobrang lapad.

"Anong connect?", Gray with a facepalm.

"Slow ka dude.", Blue, sabay tapik sa noo ni berde.

"Pero madaya pa rin kayo ni Violet. Di nyo man lang ini----"

"Wag berde utak mo Green!!", sigaw ni Violet sa kanya. "Magkatext kami buong magdamag. Kuha mo?!", pagtutuloy ni Violet.

"Ahh. Hehe. Peace.", Green with peace sign on both hands.

Tahimik kaming nagkukwentuhan. Naupo kami sa grass sa park. Bakasyon na kasi kaya hangout muna kami bago pumunta sa mga lugar kung san kami nagbabakasyon. So ayun nga, totoo ung nangyari sakin kaninang umaga na nahabol ako ng aso. Tss. Nagmamagandang loob kana nga ipapahabol kapa sa aso. Okay, let's erase the bad vibes. Tinignan ko isa-isa mga katropa ko. Si Violet at Blue. Happily inlove. Si Gray ayun inis na inis kay Green na tawa naman ng tawa tska pinagtutulak pa si Gray. Ewan ko kung anung pinalamon nila kay berde. Ang hyper masyado. Lakas tumawa. Lakas pang manulak. Tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wag Mo Akong Itulak! (One-Shot) Part ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon