Mahangin

67 0 0
                                    

Lalaking mayabang ang pinaka ayaw ko

Yung kung magsalita'y preskong-presko

kagaya ng sarili mo,

walang ginawa kundi magbuhat ng bangko.

Kaya kapag ika'y nakikita ko

agad akong nag-aalburoto

Sa hanging taglay mo

lahat tumba sa'yo.

Oo nga't ika'y gwapo

walang makakapantay sa'yo

ngunit di mo ko madadaan sa ganda ng mukha mo

hindi ko basehan yan  para sumagot sa'yo ng 'oo'.

Kaya pa'no ko mahuhulog sa'yo?

Kung puro yabang ang na sa'yong ulo

kahit anong gawin mo, magtumbling ka pa sa harapan ko

Kung ugali mo'y di magbabago

'Hindi' pa rin isasagot ko sa iyo.

--------

Helloooo! 

Kung sino mang mapadpad dito,Thanks sa pagbibigay ng konting oras upang basahin itong aking gawa. hehehe 

I know I am not very good writer but I hope you like it. :) :) 

SW <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MahanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon