Lalaking mayabang ang pinaka ayaw ko
Yung kung magsalita'y preskong-presko
kagaya ng sarili mo,
walang ginawa kundi magbuhat ng bangko.
Kaya kapag ika'y nakikita ko
agad akong nag-aalburoto
Sa hanging taglay mo
lahat tumba sa'yo.
Oo nga't ika'y gwapo
walang makakapantay sa'yo
ngunit di mo ko madadaan sa ganda ng mukha mo
hindi ko basehan yan para sumagot sa'yo ng 'oo'.
Kaya pa'no ko mahuhulog sa'yo?
Kung puro yabang ang na sa'yong ulo
kahit anong gawin mo, magtumbling ka pa sa harapan ko
Kung ugali mo'y di magbabago
'Hindi' pa rin isasagot ko sa iyo.
--------
Helloooo!
Kung sino mang mapadpad dito,Thanks sa pagbibigay ng konting oras upang basahin itong aking gawa. hehehe
I know I am not very good writer but I hope you like it. :) :)
SW <3
