Baekhyun FF: Eyeliner of my Eye (One Shot)

1.1K 28 11
                                    

Eyeliner of my Eye ( EXO Baekhyun FF | One Shot )

Written By: -sehunomia

_______________________

Baekhyun's POV

"Baekiiie~" tawag ni Jazz sakin parang lalaki yung name nya no? pero hinde, babae po sya. Napaka-kulit nya, walang araw na hindi nya ko kinukulit o di kaya iniinis, tapos yung pagtawag pa nya sakin ng Baekiiee parang pang bakla lang no? Feeling Close pa kasi to eh, tsk.

"Oy ikaw babae, Baekhyun pangalan ko, wag na wag mo----" pinutol nya yung sasabihin ko ng sumabat sya habang nagsasalita pa ko.

"Yea, Whatever" tapos yan lang pala yung sasabihin nya, aba bastos to ah? I'm too fab to have a conversation with her, umalis nako sa harapan nya at dumiretso na sa classroom namin, sa kasamaang palad mag classmates kami kaya tiis tiis lang muna.

Nag si-upuan na lahat at dumating na rin yung teacher namin. Inikot ang mata ko pero wala sya dito, wala si Jazz. Teka bat ko nga ba sya hinahanap?

"Byun Baekhyun, Paki hanap nga si Jazer Anne at baka nag cutting nanaman yon" utos ng guro namin sakin, oh great now what? ako pa ang hahanap dun, no choice. Tumayo na ko at lumabas ng classroom, halos pinasyal ko na yung buong school, sa library, sa guidance office, sa garden, sa mga classrooms pero wala talaga sya, Ugh! pahamak talaga to sa buhay ko eh.

"Asan ka na ba Jazer Ann!" sigaw ko sa paligid, malay nyo diba baka nagtatago lang.

"Nasa puso mo" sagot naman nito at ayun nakita ko na rin sya sa wakas nasa puno lang naman sya, unggoy ba to? bat nasa puso, ano trip nya? Lumapit ako sakanya at pinababa na sya, hahatakin ko pa lang yung kamay nya papunta sa classroom pero pinipigilan nya ko.

"Ano ba, ayoko pa pumasok" habang tinatanggal nya yung pagkahawak ko sa kamay nya, aba makulit din to no? Kung hindi lang dahil sa inutos ni Ma'am eh iiwan ko sya dito.

"Wag ka na ngang makulit, halika na!"

"Ayoko sabi eh, sige hahalikan kita pag hindi ka tumigil dyan" ew, tinanggal ko na yung pagkakahawak ko sakanya at ayoko naman na halikan nya ko kaya ginawa ko yon. Maglalakad na sana ako palayo sakanya pero sya naman ngayon yung humawak sakin. "Ano bang problema mo?"

"Wala, dito ka lang dahil ikaw ang problema ko" naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko ng sabihin nya ang mga salitang yan. Nakakainis lang, dahil baka mahulog nanaman ako sakanya, once nako nahulog sakanya pero wala ang torpe ko, tagos to the bones nung nakita ko syang kinakausap yung isa sa mga manliligaw nya kaya nawalan nako ng pag asa.

"Problema, Ako? Nababaliw ka na Jazz" nakita kong napa-upo sya dun sa puno at yumuko. "Sh*t" bulong ko sa sarili ko, umiiyak sya.

Jazz's POV

Ang hirap, sobrang hirap. Ayoko--Ayoko na itago sakanya tong nararamdaman ko dahil araw-araw nasasaktan lang ako dahil tinatago ko to sa sarili ko, kahit na lagi lagi ko syang kinukulit at inaasar minsan tapos pagtatabuyan nya ko, masakit yon, sobra.

"A-Ako b-baliw? Oo! Baliw nako s-sayo Byun Baekhyun!" ayan nasabi ko na rin sa wakas, okay lang kahit wala syang sabihin basta nasabi ko okay na yun sakin. Nakita ko syang nanigas sa kinakatayuan nya at nakatingin lang sakin.

"U-Uhm, J-Ja---" hindi ko na sya pinatuloy pa at umalis nako dun sa lugar na yon at pumunta na sa classroom, break naman na kaya walang makakakita sa mga luha ko.

Baekhyun FF: Eyeliner of my Eye (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon