Chapter 1

31 0 0
                                    

Ako si Eleanor Zapanta. Walong taong gulang at kasalukuyang nag aaral sa isang pribado at katolikong paaralan. Hindi naman kami mayaman, simple lamang ang buhay namin.

Ang bahay na tinitirhan namin ngayon ay pag aari ng kapatid ng aking Papa. Isa siya sa pinakamayamang tao dito sa probinsya namin. At dahil nga noong dalaga at binata pa ang mga magulang ko ay katu-katulong sila ng tiyo kong iyon sa pagpapalago ng kanyang negosyo kaya naman bilang regalo ay pinagpagawa nya ng bahay ang mga magulang ko, upang doon magsimula ng kabuhayan. Hindi iyon bigay, ipinahiram lamang iyon upang lahat ng ititinda ng mga magulang ko sa sisimulan nilang tindahan ay doon magmumula sa grocery store niya.

Naging matiwasay naman ang aming pamumuhay, tuwing sasapit ang sabado pumupunta kami sa dati naming bahay. Kung saan unang nanirahan ang aking mga magulang noong bagong kasal pa lamang sila. Madalas, bago kami pumunta bumibili muna kami ng 40 pesos na pandesal sa naglalako nito. Tapos tuwing madadaan kami sa tindahan ni Aling Gaya, bumibili kami ng 2 pack ng nestea.

Ang bahay naming ito ay hindi naman ganoon kaganda, ngunit ito ay sementado. Ipinagawa ito dahil noong nagkaroon ng bagyo ay natumba at nasira ang bahay kubong dati'y nakatayo dito.

Pagkarating ay inihahanda na ng aking Mama at Papa ang mga pagkain na dadalhin sa mga alaga naming bulaw at inahin. Mayroon din kaming iilang manok na inaalagaan dito.

Ang kulungan naman ng mga alaga naming baboy ay hindi naman ganoon kalayo. Kailangan mo munang maglakad palusong, tapos ay madadaanan ang isang maliit na kubo na pinagiimbakan namin ng tubig upang malapit ang pagkukunan ng ipapainom sa mga baboy, tapos ay maglalakad ka pa paahon at doon makikita ang kulungan nila.

Sumasama kami dahil sa hindi kalayuan ay mayroong puno ng pili na madalas naming tingalain dahil hindi namin kayang akyatin dahil bihira at masyadong mataas ang sanga ng mga ito. Kaya naman namunulot na lamang kami ng nalalaglag. Ang isa o dalawang piraso ay ikinangingiti na namin. Minsan ay nakikipag agawan din sa amin ang aming Mama at Papa.

Bale tatlo kaming magkakapatid, sumunod sa akin si Lina pagkatapos ay ang bunso naming lalake na si Simon. Ang pangalan naman ng mga magulang ko ay Elena at Theodoro.

At sila ang mga inspirasyon ko sa aking paglalakbay...

Sa aking Paglalakbay...Where stories live. Discover now