Chapter 2

14 1 1
                                    

Ngayon ay Grade 5 na ako. Kaalis lamang ng teacher ko at inanunsyo na sa makalawa ay magkakaroon kami ng pangkalahatang eksaminasyon. Ito ay gaganapin sa buong probinsya namin.

Pag uwi ko ay nakita kong tuwang tuwa ang mga kapatid ko.

"Oh? Bakit sobrang saya nyo? Anong mayroon?" Tanong ko habang nagtatanggal ng aking uniporme.

"Kasi Ate tumawag si Tita Nene kay Mama, birthday daw ni Cedric bukas! At pupunta daw tayo sa dagat! Hanggang gabi daw tayo doon" sagot ni Lina na talagang kababakasan ng kaligayahan ang mukha.

Samantala ng marinig ko naman iyon ay naging eksayted nadin ako. Naisip ko na kinabukasan pa naman noon ang pagsusulit kaya ay pipilitin kong sumama.

-

Kinabukasan, bago magtanghali ay nakagayak na ang mga dadalhin naming damit. Kaming tatlo ay mga nakangiti dahil makikita namin lahat ng aming pinsan doon. Maiiwan si Papa upang magbantay ng tindahan, ngunit susunod siya maya maya bago mag alas tres.

Nang makasakay na kami ng tricycle, bigla kong naramdaman na mabilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay kinakabahan ako. Ipinagsa walang bahala ko iyon dahil naisip ko na maaring eksayted lamang ako masyado.

Nang makarating kami roon ay nandoon na silang lahat. Kami na lamang ang iniintay. Kumanta muna kami ng Happy Birthday bago kami pinayagang maligo sa dagat. Nandoon naman daw ang Tita Josie namin na magbabantay sa mga maliliit naming mga pinsan. Samantalang ako naman ay inakit ni Ate Allyssa upang kumuha ng salbabida kasama ang kapatid nyang si Kuya Anthony. Kaming tatlo ay malalapit sa isa't isa hindi lang dahil kami ay magpipinsang buo, kung hindi dahil saaming mag pipinsan ay kami ang magkakalapit ang edad.

Pumunta kami sa parte ng dagat na hanggang dibdib namin ang lalim. Doon kaming tatlo nagkukwentuhan habang nakasakay sa salbabida. Maya maya pa ay nakita ko ang bunso kung kapatid na lumapit sa amin at nakasakay din ng salbabida.

"Simon! Bumalik ka na doon. Baka mamaya ay malunod ka pa dito. Doon ka nalang kina Tita Josie." Pagalit kong sabi dahil medyo malakas din ang alon dahil mahangin.

"Hindi Ate. Dito lang ako." Sabi niya na nakahiga sa salbabidang gamit nya.

Maya maya pa ay...

"Eliang. Si Simon oh. Medyo lumalayo. Higitin mo palapit dito." Sabi ng Ate Allysa.

"Simon kasi eh! Sinabi ng doon ka nalang sa tabi" sabi ko habang hinihigit siya dahil singhaba na ng braso ko ang layo nya.

Ngunit napansing kong medyo lumalalim na ang tubig at lumalakas ang hangin. Agad kong itinulak si Kuya Anthony.

"Kuya! Pumunta ka doon! Humingi ka ng tulong!" Sabi ko habang pinipilit tumalon talon dahil hindi ko na mahawakan ang salbabida.

Agad naman syang lumangoy papuntang pangpang habang ako ay lumingon.

Ngunit pag lingon ko ay nakita kong isang dipa na ang layo ni Simon. Pinipilit ko siyang abutin ngunit nagsisimula ng humagpos ang tubig sa akin dahil lampas na ito sa itaas ng aking ilong.

Madali kong sinigawan si Ate Allysa na bilisan dahil malayo na si Simon.

Ako nman ay lumalangoy tapos ay tumatayo at tumatalon talon dahil nanakit ang mata ko dahil sa tubig dagat. Nagsisimula na din akobg makainom nito at minsan pa ay pumapasok sa ilong ko dahil umiiyak ako.

Nang makalakad ako patungo sa pampang ay nakita kong nagkakagulo sila sa paghanap ng bangka.

Nakita ko ang Mama ko na lumalakad at malalaki ang hakbang na pumupunta malapit sa kinaroroonan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa aking Paglalakbay...Where stories live. Discover now