S & N 1 ( HYT )

1.6K 79 27
                                    



***

Naandito na ako sa labas.

Text iyon mula kay Nate. Nagmadali akong kuhain ang gamit ko sa staff room.

"Oh, paalis ka na?" tanong ni Mam Sally. Ang may ari ng bookstore na pinapasukan ko. Isa siyang local na bookstore ngunit may maliit na cafe sa itaas, yun ay sa mga gustong tumambay at magbasa ng tahimik.

"Opo Mam," magalang na sagot ko.

"Naandyan na ba yung sundo mo?" aniyang tinanguhan ko. Napangiti siya.

"Siya, mag iingat kayo"

Makulimlim ang kalangitan, dala ng malakas na ulan kanina. Maigi na lamang at ambon na lamang ngayon.

"Nate"

Ngumiti siyang nag abot ng cardigans ko. Nagbukas din siya ng payong.

"Ang lakas ng ulan kanina" untag niya.

"Oo nga, maaga ba kayong nagsara?" tanong ko.

"Sakto lang, maaga kong tinapos ang delivery ko" aniyang kuha sa gamit ko. Kapag ganitong maaga siyang natatapos sa flowershop at walang pasok bilang waiter sa bar ay sinusundo niya ako.

Halos anim na buwan na ang nakalipas magmula ng umalis kami sa dati naming tinitirhan. Napagdesisyunan namin pareho na mag enroll at kumuha muna ng short course. Kumukuha ako ng Culinary course at siya nama'y computer programming ngunit dahil tinatanya pa namin ang gastos kaya ilang units lamang ang inenroll namin.

"Sina Neya nakapaghapunan na?" tanong kong angkla sa kanya, medyo maputik ang daan. Naglakad kami tungo sa sakayan ng dyip.

"Oo, naturuan ko na rin sila ng leksyon" tugon niya.

Madalas namang ganoon, hati kami ni Nate ng trabaho sa bahay. Kahit sa pagaasikaso sa mga kapatid namin ay ganoon din, hindi ko nga lang masyadong pinagagawa si Neya dahil bawal sa kanya ang mapagod ng husto. Madalas kapag walang pasok si Nate ay siya ang umaasikaso sa kanila at ako namay hinahanda ang mga kailangan nila bago ako tumulak sa eskwela at sa part time ko.

Medyo lumakas ang ulan at ihip ng hangin.

"Buti na lang sinundo mo ako" sambit ko ng pagsakay namin ng dyip. Wala akong dalang payong.  Basa na rin ang laylayan ng pantalon kong suot. Pati ang manipis kong cardigans ay nabasa na rin sa patak ng ulan.

"Alam kong wala kang dalang payong" aniyang pumahinga ang kamay sa tuhod ko. Umangkla ako, malamig din ang ihip ng hangin.

Naglabas siya ng bimpo na inabot sa akin.

"Magpunas ka" aniya. Kinuha ko iyong nagpunas sa kamay ko at sa buhok kong medyo nabasa.

"Ikaw din" ani kong pumunas sa braso niya.

Napatingin ako sa labasan na mukhang matatagalan pa kami ng kaunti. Mabagal ang usad ng trapiko.

Ganito naman sa Maynila, usad pagong ang trapiko lalo na kapag naulan.

"Nate, lakarin na lang natin" suhestiyon ko.

Halos dalawang kanto na lang naman iyon. Walang kasama ang mga kapatid namin sa bahay.

"Kaya mo ba? mababasa ka ng ulan Sara, baka magkasakit ka niyan" tanong niya.

Sara and Nate 2 ( Holding You Tight )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon