Keiziah's POV
Naka handusay ako sa Kama habang nakatulala at naka hawak sa tiyan at nag hihintay na tawagin ni mama mula sa kusina.
Halos mamalupot na ako sa gutom simula kanina.Paano kasi itong si Minzy lakad nang lakad sa kung saan saan.
Di ko naiwasang ipa ikot ang aking mga mata dahilan upang may mahagip na litrato ang isa kong mata.Pagkain.
Lalo tuloy akong nagutom.
"Anak! Baba kana diyan sa kwarto mo para makakain na tayo ng kuya mo" Rinig kong sambit ni mama mula sa kusina.Yes!
"Opo! pababa na po" Dali dali akong bumaba.
At dahil sa sabik halos manga dapa dapa na ako sa sahig.
"Oh! Keizy dahan dahan tong jusko tong batang to!" Sambit ni mama. Napa kamot na lang ako sa ulo habang kita naman sa sulok ng mata ko ang kuya kong tumatawa.
Maya maya'y Naka rating narin ako sa kusina, sa wakas! Makakakain narin akoooo.
Nag si upo na kami nila mama at handang handa na akong kumain. Nang akmang hahablutin ko na yung ulam ay pinalo ni mama ang kamay ko. Awts.
"Pray muna nak" Oo nga pala.
Si kuya na ang nanguna nang dasal at katapos non ay agad agad akong humawak sa kutsara at tinidor sabay lamon.
"Patay gutom" Rinig kong bulong ni kuya.
Nakita kong napa iling iling nalang si mama at nag simula na ring kumain. Maya maya'y nag salita ulit si kuya.
"Nay , nakita ko kanina si keiziah kasama yung boyfriend nya" Nabulunan ako habang si mama naman ay na hinto sa pag kain.
ANO RAW?! WALA NAMAN AKONG BOYFRIEND EH?!
Papagalitan ako ni mama niyan hayst.
"Talaga?" si mama. Tumango si kuya.
"MABUTING BALITA YAN ANAK!"
Halos di ko na malunok ng tuluyan tong kinakain ko dahil sa naging reaksyon ni Nanay sa sinabi ni kuya.
Buset ano raw?! MABUTING BALITA?! imbis na magalit proud pa? Aba! akala ko ba study first?! Mama talaga!
"MA!!!" Pag kontra ko.
"Oh bakit nak? Wag kang mahiya first boyfriend mo yan bakit di ako magiging masaya sayo? teka ano bang pangalan niyan?" Halata sa mukha ni mama na masaya siya para sakin pero so sad wala talaga akong boyfriend.
"Ma! Wala akong Boyfriend!"
"Oh talaga? Eh sino yung lalaking kasama niyo kanina ng BESTFRIEND mo sa Second floor ha?" nag taas ng isang kilay si kuya. Aba guma ganern.
"P-pinsan yun ng Bestfriend ko bagong lipat lang kanina" Sabi ko habang naka tingin sa pagkain.
"Ahh" nawala yung ngiti ni mama sa labi niya.
Hayst alam ko na dissapoint si mama.
"Wag kang mag alala ma dadating din yung lalaking para sakin baka na traffict lang" Natawa kami ni mama.
"Sus! Di na dadating yan! Kumaliwa ng daan" Sabat ni kuya. Epal...
Nagsi tawanan nalang kami at tinapos na ang pagkain.
Wag kang mag alala ma... Hahanapin ko na si Forever bukas.
Kaizer's POV
"Ang Tagal mo Naman!" Reklamo ko sa pinsan kong Pagong.
BINABASA MO ANG
Mr.Sungit
Fanfiction" Ang bagal mo naman! " Ang sungit ... Napaka sungit... Pero akalain mo nga naman .... sa dinami rami ng lalaki sa mundo ... " Bilisan mo! " Siya pa nagustuhan ko.. "Heto na!"