Galing si Mike sa Bacolod dahil sa kanyang trabaho. Isa siyang architect at tubong Marinduque. Galing sila sa mahirap na pamilya. Nakapagtapos siya ng pag-aaral dahil sa kanyang sipag. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya.
"Mike, gising na nandito na tayo sa Marinduque" sabi ni Acelle. "Ahh ganun ba" sabi ni Mike na kagigising lang. Pumunta muna kami ng carinderia para kumain ng tanghalian. "Mike kailan tayo babalik sa Bacolod" tanong ni Acelle. "After 1 week. Bakit mo naitanong??" sabi ni Mike. "AHH wala nagtatanong lang" reply ni Acelle. Nanonood kami ng telebisyon sa carinderia ng may lumabas na Breaking News. "Grabe 13 ang namatay sa sunog na iyon ahh!" sabi ni Mike. "Nakakaawa naman sila" dagdag pa niya. "Noong isang linggo pa daw iyan nangyari ahh!!" sabi ni Acelle. "Oo nga malapit yan sa pinag-tatrabahuhan ko" wika ni Mike.
Naghahanap pa kami ng masasakyan na jeep para makauwi sa bahay ni Mike. Habang kami ay naghihintay ng masasakyan napapansin kong ang samang tumingin ng mga tao dito. Lagi may bulung-bulongan siyang naririnig, hindi niya alam ang pinag-uusapan pero alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga iyon. Mga ilang oras ang nakalipas nakasakay na rin kami ng jeep.
After 1 hour nakababa na kami."Grabe ang laki naman ng bahay ninyo" sabi ni Acelle. "Hindi naman" wika ni Mike. "Tara pumasok na tayo sa loob, umalis ang mga magulang ko dahil sa kanilang trabaho" dagdag pa niya. "Umupo ka muna sa sala Acelle" wika ni Mike. Kumuha ako ng mga tinapay tsaka juice para sa aming merienda.
"Mike anong trabaho ng magulang mo??" tanong ni Acelle habang kumakain. "Nagtatrabaho sila sa Hacienda sa Abra" reply ni Mike.
Malapit ng magtakip-silim kaya napg-desisyunan ni Mike na magluto na sa hapunan at si Acelle naman ay lumabas ng bahay para lasapin ang hangin. Pagkatapos ng mga isang oras ay tinawag ni Mike si Acelle para kumain ng hapunan.
"Mike anong niluto mo??" tanong ni Acelle na gutom na gutom na. "Tinolang manok" sabi ni Mike. "Bukas mamasyal tayo sa park gusto ko kasi gumala ehh" sabi ni Mike. "Ok" tanging sagot ni Acelle.
"Acelle dun sa may bandang kaliwa ang kwarto mo" sabi ni Mike na inaantok na. "Okay, ikaw san ka matutulog??" tanong ni Acelle."Dun sa may bandang kanan" reply ni Mike.
Mga 2:30 a.m nagising si Mike dahil para may tumutulo na kung anong tubig sa kanyang mukha. Hindi niya ito pinansin dahil antok pa siya. Maya maya ay may narinig siya na mga ungol sa tabi niya at pakiramdam niya na sobrang lamig ng kwarto niya kahit hindi bukas ang electric fan. Palakas ng palakas ang mga iyak nila kaya nagising si Mike, nagulat siya sa mga nakita niya, mga nasa 10-15 sila, mga sunog ang katawan nila, madungis at duguan.Pamilyar ang iba sa kanila. Mayroon isa siyang nakuhang atensyon dahil nakatalikod ang isa habang ang iba ay nakatitig sa kanya. Natakot siya pero hindi siya makasigaw sa sobrang takot kaya pumikit na lamang siya at nagdasal. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya.
Bumangon na sa higaan si Mike para mag-almusal. "7:00 na pala kailangan ko ng magmadali dahil may mamasyal pa kami ni Acelle. Naabutan ni Mike si Acelle sa kusina na naghahanda na ng makakain. "Mike may nangyari ba kagabi??? narinig ko kasing sumisigaw ka ehh" puna ni Acelle. "Ahh wala baka nanaginip lang ako" sabi ni Mike. "Maliligo muna ako ahhh para makapasyal na tayo ng maaga" wika ni Acelle. "Sige"....
Habang kumakain si Mike ng almusal narinig niyang may kumatok sa kanilang pintuan kaya naman pinuntahan niya ito. Pagbukas niya ng pinto wala naman siyang nadatnan na kung ano. "May tao ba dyan??" wika nito. Pero walang sumasagot kaya sinarado niya ang pinto. Nang akmang aalis na siya narinig na naman niyang may kumatok sa pintuan kaya binuksan niya ito. Tumambad sa kanyang ang isang matandang babae at matalim na nakatitig sa kanya. "A-hh an-o po ang kailangan ninyo?" takang tanong ni Mike. "Mukhang sinuswerte ka ahh" sabi ng matanda. "Ano po ang inyong ibig sabihin?" tanong ulit ni Mike. "Basta mag--iingat ka" wika ng matanda at umalis na ito. "Sandali! sandali! ano po ang ibig niyong sabihin?!" sigaw ni Mike pero dire-diretso ang matanda sa paglalakad.
Bumalik siya sa kusina para kumain muli at nadatnan niya si Acelle na katatapos lang maligo. "Mike tapos na ako maligo pwede ka ng maligo" wika ni Acelle. "O sige tatapusin ko lang tong kinakain ko".
Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na siya sa banyo para maligo. Nasa kalagitnaan siya ng paliligo nang mayron siya naramdaman na malamig na dumampi sa kanyang batok. Ipinagsawalang-bahala na lamang iyon para matapos siya ng maaga. Maya-maya, ay nagulat siya sa kanyang nakita sa salamin. Sa repleksyon nakita niya ang mga kaluluwa na sa tantiya niya na hindi lalampas sa 15 ang nakikita sa repleksiyon. Ang mas nakakagulat doon yan din yung nakita niya kaninang madaling araw at mayroon na naman siyang napansin may isang babae na nakatalikod at kung titignan siya din ang nakatalikod kaninang madaling araw.
"Tulungan mo kami" sabay sabay nilang sabi. Tuloy tuloy pa rin ang pagwika nila. "Tigilan nyo na ako!! Layuan nyo na ako!!" sigaw ni Mike. Nagbuhos siya ng ilang tabo at umalis na siya.
Nasa kwarto na siya at nagbibihis para makapamasyal na sila.
Nasa park na sila at masayang namamasyal. Malapit nang maggabi kaya kumain na sila sa isang restaurant. "Ahh ano nga pala Mike bago tayo umuwi mamaya may sasabihin lang ako sa iyo" ani ni Acelle. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na rin ang kanilang order. Natapos na silang kumain kaya naman napag-desisyunan na pumunta sa isang upuan malapit sa puno dahil meron pang sasabihin si Acelle.
"Mike may sasabihin lang ako sa iyo wag kang masyadong mabibigla ah" wika ni Acelle na may halong pag-aalala. "Ano ba ang sasabihin mo?" kinakabahan na tanong ni Mike. "Mike? natatandaan mo pa ba ang nangyari sa Bacolod? di ba may nangyari doon sunog? wika ni Acelle. "Oo naman bakit?" tanong ni Mike. "Mike wag kang mabibigla ahh sa sasabihin ko. Mike isa ako sa kanilang nasunog at namatay ako" wika ni Acelle. "haha binibiro mo naman ako ehh" wika ni Mike. "Hindi ako nagbibiro Mike" sabi ni Acelle. At ilang segundo pa at umihip ang malakas na hangin at medyo may nararamdaman na si Mike na kakaiba. Pagtingin ni Mike kay Acelle unti unting nagbabago ang hitsura ni Acelle. Ang itsura ng anyo ni Acelle ay sunog ang mga balat niya at meron ding siya mga sugat sa ibang katawan. Natakot si Mike at nawalan na siya ng malay.
Flashback sa panaginip ni Mike.............
Nakita niya si Acelle na humihingi ng tulong s nasusunog na lugar. Tinulungan kasi niya ang ibang tao roon para makaalis sa lugar na yon. Sa kasamaang palad siya naman ang natrap sa nasusunog na lugar. "Tulong tulungan ninyo ako!!!!!!!!!' sigaw ni Acelle. Gustong tulungan ni Mike pero hindi niya magawa. May iba ring tao na natrap sa lugar na iyon. Isa lang ang sinasabi nila kundi ang salitang "TULONG".
Bigla na lang siyang nagising at nakita niyang wala si Acelle. Psstt! . Kaya naman napalingon si Mike sa likod para malaman kung ano, at bigla siyang nagulat sa nakita. Nakita niya si Acelle na nakangiti at unti unting naglaho. "Acelle mahal na mahal kita" bulong sa sarili ni Mike.
wakas.
BINABASA MO ANG
Ang mga Misteryo at mga kababalaghan
HorrorGinawa ko po librong ito para sa short horror story. Hindi po ito natatapos kahit kailan. Habang buhay itong nag-uupdate itong story na ito. Sana po basahin ninyo. Ang ibang istorya dito ay hindi akin. Im not a professional writer but expect the une...