My Plan

1.2K 75 2
                                    

...
Ana POV

So ayun nagising ako kanina ng 7:00 am, grabe ang bilis ng araw Sabado na agad ngayon..about nga pala doon sa magiging section 18 nako ay napaliwanag na ni maam kahapon sa kanila, syempre yung iba natuwa kasi may tutor na sila, kita nyo yun masaya sila kasi may magtuturo sa kanila ng free, so pano ako? Pano !!! Hustisya bess..ahahaha ang oa ko,....bigla ko nalang tuloy naalala yung sinabi sa akin ni Liam na magan- ..hindi ko n natapos yung sasabihin ko ng pinitik ni kuya yung noo ko..

"Ano bayan kuya" hay nako nakakainis talaga, kahit kelan panira ng moment eh

"Pano kase kanina pa kita tinatawag dyan kung sasama kaba sakin mag jogging sa labas" ay ganon bahindi ko ata napansin yon kaka-isip sa sinabi ni Liam.

"Eto na nga po kuya oh" tumakbo ako papunta sa labas at iniwanan ko na si kuya..

"Hoy manang hintay" hahaha buti nga sayo kuya, manigas ka dyan..

"Oh ano uunahan mo pa ako manang ah, kala mo mauunahan mo ko, pwes dimopa ako kilala sa larangan ng pagtakbo, ako yata ang pinaka mabilis na poging tumatakbo"  bat kaya si kuya ang bilis tumakbo, oo tama yung sinabi nya na mabilis nga sya tumakbo, pero pogi? Sus nanaginip ng gising ata kuya ko haha, asa sya sabihan ko sya ng gwapo sa harap nya eh never nya nga ko sinabihan ng maganda..
Pabalik na kami ni kuya ngayon sa bahay..

"Kuya akyat muna ako sa kwarto ko ah" grabe nakakapagod tumakbo..

"Manang wala akong paki" sama talaga ni kuya, grabe, magsama kayo ng tropa mong bulok..pwe, mga gangster na pogi? Yak.

Humiga ako ngayon sa kama ko at kinuha ko yung cp ko para mag log in ng fb, syempre madami nanamn akong nakitang magaganda..

Ay grabe oh ang ganda ni ate nag t-tutorial sya kung pano mag make-up..ayan tuloy nak ka interest ako..huhu..bukas kaya mag make-over ako..choss..sige na nga ganto kapag inaya ako ni mama mag-mall bukas mag papa make over ako..
At tinuluyan na akong nag log out sa fb account ko..

Yung una kong problema ay ang buhok kong buhaghag grabe talaga sya kala mo walis tambo eh..alam ko may pwedeng gawin dito eh..rebond ata yun..ah basta.
Pangalawa yung makapal kong salamin, alam ko na, pwede akong mag contact lense..
Pangatlo yung ipin ko ..arrrg andami kong problema sa mukha..Sa susunod na linggo na nga lang ako mag m-make over nakakatamad..may mga leson pala ang section 18 na dipa nila masyadong alam..kaya sa susunod nalng na liggo talaga ako mag m-make over nayan...ahahahha..hintayin mo ko joshua, mapapanganga ka sa ganda ko..choss..

"Hoy manang kain na, gabi na oh" hala gabi na pala diko na napansin,  gabi na pala..

"Oo kuya, eto na, nililigpit ko lang yung gamit ko"

"Sige manang baba ka nalang" kuya kailan mo ba ako tatawagin bilang kapatid o kaya Ana nalng, bakit kailangan manang pa..

"Kuya nga pala asan si mama? Umuwi naba siya?" Na m-miss ko na agad si mama..

"Ay oo nga pala Ana, nag extend si mama ng isang buwan sa korea para sa business natin don"  huhu isang buwan, ang tagal naman non, lagi nalng wala si mama, pero hindi ako magtatampo o ano kasi alam kong ginagawa nya yon para samin..

"Sige kuya"

Bumaba na si kuya at bumaba narin ako nung naligpit ko na yung gamit ko..

"Nga papa kuya, asan na si yaya?" Diko sya nakita ngayon ah..

"Ah umuwi muna sa kanila, babalikdin daw siya sa friday" so solo mode kami ni kuya ngayon..

Tapos na kami ni kuya kumain..at bumalik na ako sa kwarto ko..
Sumilip ako sa bintina habang naka tingin sa langit..hindi ko muna sinuot yung salamin ko kaya malabo yung paningin ko..
Tumingin ako sa baba at may nakita akong lalaking naka hood na naka tingin sakin, nung napansin nyang nakita ko sya bigla nalang syang umalis..Sinara ko na yung bintana, baka kung ano pa gawin nung lalaking yun..Humiga na ako sa kama para matulog na..
Ilang minuto na ako naka pikit pero hindi parin ako nakakatulog, arrg nakakanis kasi yung lalaking yun, nakakatakot tuloy..
Dahil sa hindi ako makatulog naisip ko nanaman yung sinabi ni Liam..

Maganda ka naman pala eh..
Maganda ka naman pala eh..
Maganda ka naman pala eh..

Arrrg Liam dahil sayo kaya hindi ako maka tulog..ahahah..enebe kinikilig ako..

Pano nalaman nya siguro na classmate nya ako kaya nag papaganda, kaso ngalang pangit paden..
Pano nalaman nya siguro na classmate nya ako kaya nag papaganda, kaso ngalang pangit paden..
Pano nalaman nya siguro na classmate nya ako kaya nag papaganda, kaso ngalang pangit paden..

Arrrg ang epal naman ng sinabi ni Joshua, bakit ba kailangan ko pang paulit ulitin sa utak ko yon..maka panget ka, kala mo kung sino...oo pogi ka nga, masama namn ugali..wala rin..

Naalala ko nanaman tuloy yung lalaki kanina, ano kaya ang tinitignan nya dito..
Pumikit nlang ako dahilan kaya nakatulog na ako

Itutuloy...

...
...
Author:

Hi guys,  vote nyo po yung story salamat <3

My Boyfriend is a Campus Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon