Friday, July 28, 2017 nagising ako ng maramdaman kong may taong nakatitig at papalapit sakin habang ako'y mahimbing na natutulog sa aking bahay, pagmulat ko'y isang lalakeng may maamong mukha ang tumambad sa aking paningin. Ang lalake'y umupo sa gilid ng aking higaan, hindi ko mawari kung bakit hindi ako nakaramdam ng takot sa katotohanang may lalakeng sa gilid ng aking higaan, matamang nakatitig sa akin, at ni hindi ko man lang ito kilala.Dahan-dahan ay inilapit nya ang kanyang kamay at ihinaplos sa aking pisngi na punong-puno ng pag-iingat. Hindi ko maintindihan, pero maramdaman ko ang pagmamahal at pagkamiss sa titig at haplos nya. At ako'y nagulat ng banggitin niya ang aking pangalan, ngunit mas nagulat ako sa salita ng lumabas mula sa aking bibig...
... "John"... At naramdaman kong tumulo ang mga luha sa aking mga mata... Ngunit Biglang...
"MARGO! MARGO! Gumising ka, Huwag kang lalabas, dyan ka lang sa loob ng bahay. Huwag mong bubuksan ang mga kurtina!!. " . (ako'y nagising ng nagsisisigaw ang lola ko, ako'y naguguluhan, anong nangyayare sa labas? Bakit nagkakagulo sa aming lugar.. At ano yung naririnig kong kalabog sa kalsada, pagsilip ko sa bintana. Nagulat ako ng matanaw ko ang isang napakalaking tao, isang higanteng tao, isang... Titan.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Based on my dreams, and wild imagination.
started : 07.28.17
xxartemis14xx
![](https://img.wattpad.com/cover/117635221-288-k223240.jpg)
BINABASA MO ANG
A Titan named John
FantasyDreams of mine, written in here. I just decided that I can't keep to myself all those dreams, and imagination going on in my mind.