Chapter 1

127 29 27
                                    

Alright reserved 2017.
©

-
Ganadong ganado akong bumangon upang magbihis at pumasok ulit sa eskwelahan. Makikita ko ulit siya, ang rason kung bakit nagiging masaya ang high school life ko sa araw-araw.

Kahit sa malayo ko lang siya tinatanaw, hindi pa rin nababawasan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Alam ko hindi niya alam ang presensya ko dahil hamak naman na napakalayo ang agwat namin. Langit siya at lupa ako. Pero ayos lang, makita ko lang siya ayos na.

Handang handa na akong gumayak patungong paaralan ng makalimutan ko yung panyo ko sa kwarto. Hindi ko yun pwedeng iwan dahil lucky charm ko yun. Yun ang nag-iisang bagay na pinanghahawakan ko na may koneksyon sa kanya. Hindi ko yun ninakaw.

Binigay niya sakin yun nung minsan niya akong nakitang umiiyak sa likod ng library dahil may problema ako. Hindi ko alam kung natatandaan niya yung mukha ko dahil first year palang kami noon at ngayon ay nasa fourth year na kami.

"Alam mo bang kapag tumapak ka na sa high school, hindi ka na pwedeng maging iyakin? Sige ka, papangit ka niyan. Mas lalong walang makikipagkaibigan sayo."

Binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti na para bang iyon ang pinamakagandang bagay na pwedeng ibigay sa isang batang iyakin na tulad ko. Kasabay nun ang pag-abot niya ng isang puting panyo.

"S-salamat hah..P-pasensya na wala kasi akong ibang mapuntahan eh."

Nakayuko akong sumagot sa kanya dahil nahihiya ako. First time na may kumausap sa akin na gwapong nilalang at ang bait bait pa.

Hindi ko namalayan na naiangat ko na pala ang ulo ko para titigan ang maamo niyang mukha.

Ang haba ng pilik mata niya. Yung mga mata niyang mapupungay na ang sarap titigan at parang nangungusap. Hindi siya katangkaran tsaka medyo payatot din siya. Napansin ko ring may hawak pala siyang bola at may nakasabit na bimpo sa kanang balikat niya. Member siguro siya ng varsity.

"Nakakatuwa ka naman." sabi niya na nangingiti at tumitingin sa akin.

"H-hah?" Hindi ko alam kung anong nakakatuwa at mas lalong hindi ko alam ang irereak ko sa kanya.

"Wala. Ang sabi ko, wag ka ng umiyak. Tsaka wag ka na dito. Sabi kasi nila may mga multo daw dito eh. Baka kunin ka nila." Hindi pa rin maalis yung ngiti niya sa labi at medyo lumapit pa siya ng kaunti para tingnan ako.

"Ahh..hehehe..o-oo nga eh." ayan nauutal na naman ako.

"I'm Ian by the way. Ian Del Valle." pakilala niya at naglahad siya ng kamay sa harap ko.

"Im Re-"

"Ian hinahanap ka na ni Coach!"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinawag na siya ng kasama niya.

Nagmadali naman siyang tumakbo at ngumiti pa bago umalis sa harapan ko. Sayang naman hindi ko nasabi ang pangalan ko sa kanya. Pero ayos lang. Nakuha ko naman yung pangalan niya.

Tsaka yung panyo niya nakalimutan niyang kunin. Ibabalik ko na lang kapag nagkita kami ulit. Lalabhan ko na rin para naman hindi nakakahiya.

Araw araw ko siyang inaabangan noon para sana ibalik yung panyo niya pero halos ang dami ng araw ang nagdaan at hindi pa rin niya ako napapansin tsaka nakakahiya din namang lumapit sa kanya kasi kasama niya yung mga kaibigan niya na sikat na sikat din sa school.

Baka mamaya pagdiskitahan pa ako nung mga babaeng tagahanga nila kaya wag na lang. Itinago ko na lang 'tong panyo at dala dala ko araw araw dahil ito na yung ginawa kong lucky charm mula sa kanya.

Faded (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon