Chapter 6:
TIFFANY SAM's POV.
Naguusap parin kami ni drake . Syempre siya, napaka saya niya habang ako, bumabaha na dito sa kwarto ko kakaiyak. Ang sakin kaya!!
"Eh ikaw? Bakit wala ka pang lovelife bestfriend?" sabi sakin ni drake.
Kasi may iba ka. :( Dapat pala una palang sinabi ko na. Kaso ayoko lang talaga masira pagkakaibigan natin dahil lang sa nararamdaman ko sayo.
"Ha? Eh bata pa naman ako, di ko pa iniisip yan," sabi ko sakanya.
"Sus! Ikaw? Eh bakit pag nakikita mo si Carl Reyes para kang kinikiliting ewan jan?" pangaasar niya.
"Crush lang yun. sige na inaantok na ko."
Crush and Being inlove. Big Difference..~
@@@@@@@@@@@@@@@@
Chapter 7:
DRAKE's POV.
Ayun na si Sam! Hay sa wakas, pumasok rin tong babaeng toh.
"Uy, sam! Ano nangyari sayo? Bakit di ka pumasok kahapon?" tanong ko sakanya.
"Trip lang." Matipid niyang sagot.
"Hahahaha baliw ka talaga! Hahahaha"
"Ganyan ka naman eh, akala mo lahat ng bagay biro."*bumulong siya.*
"May sinasabi ka boss?" tanong ko sakanya.
"Wala."
Halos buong araw na akong sinusungitan nito ah. Balik sa dati lang? Gantong ganto siya dati sakin nung kakakilala palang namin eh.
Sinubukan ko siyang puntahan sa tambayan namin.
Tama ako, nandun siya. Pero bakit parang malungkot siya? Ano bang problema ne'to?
Nilapitan ko siya,
"Uy, okay ka lang?" tanong ko sakanya.
Pero di niya ko pinansin.
"Ano bang problema mo?! Bakit ka ba nagkakaganyan?!" Medyo nasigawan ko siya..
Eh kasi naman eh, bigla nalang nagagalit ng walang dahilan!!!
"DRAKE?! HINDI BA DAPAT AKO ANG NAGTATANONG SAYO NIYAN?!" naiiyak na sabi nya.
"Huh? Hindi kita main.." Hindi na natuloy yung sinasabi ko kasi bigla siyang sumingit..
"IKAW ANG BIGLANG NAWALA DRAKE!! MINEMESSAGE KITA SA FACEBOOK HINDI KA NAGREREPLY. SABI MO SAKIN NUNG LAST MONDAY MAGKITA TAYO DITO, NAGHINTAY AKO SA WALA!! HALOS DALAWANG LINGGO AKONG WALANG KASAMA UMUWI. KAYA AKO 3 ARAW ABSENT KASI NAGKASAKIT AKO, NAKALIMUTAN MO NA BA?! NAKAKALIMUTAN KO NGA LAGI PAYONG KO DIBA? WAG MONG SABIHING SARILI KO YUNG KATANGAHAN, DAHIL SINANAY MO AKONG LAGI KITA KASAMA! SINUNDAN KITA NUNG MONDAY NAKITA KITA ANG DAMI MONG KASAMA, MAY IBA KA NA PALANG BARKADA. KAYA HINAYAAN NALANG KITA. KUNG SAAN KA MASAYA DUN AKO! HINDI MO BA NAIINTINDIHAN?!?! MAHA..."
hindi niya na natuloy yung sinasabi niya kasi biglang tumawag yung driver niya.
Nagtaka naman ako, ano yung "MAHA" niyang sinasabi? hmm.
@@@@@@@@@@@@@@@@@@
FOLLOW ME ON IG/TWITTER: _ptrcxsamxv
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 8:
DRAKE's POV.
1 week nang absent si Sam. Nagaalala na ko.
Kaya pumunta na ko sa bahay nila. Kilala naman na ko ng mommy at daddy niya kaya okay lang naman na siguro na pumunta ako don.
Pagkarating ko dun, maid lang nila ang nandun. Kaya tinanong ko kung nasan sila?
"Nasan po sila Sam?" tanong ko sa maid nila.
"Nasa hospital po sila, na confine po si Ma'am Tiffany kasi po sobrang taas ng lagnat. Kaya natakot na po sila Ma'am at Sir, sinugod na po nila sa hospital."
"Ah sige, thank you."
Hindi na ako umuwi. Dumiretso na ako sa hospital. Pagka dating ko dun, nakita ko ang mommy ni sam.
"Kamusta po si sam?" tanong ko sa mama niya.
"Nandun sa room 238 puntahan mo nalang, bibili lang ako ng makakain."
Agad ko naman siyang pinuntahan dun sa room na sinabi ni tita. Pagkadating ko, tulog pa si Sam.
Sabi ko dun sa daddy niya, ako na muna ang magbabantay kay sam. Mukha kasing puyat na puyat na sila eh.
Kaya umuwi muna sila. Mga 2am nakatulog narin ako nun. Hawak ko ang kamay ni Sam.
Narinig ko siyang tinawag ang pangalan ko.
"D-drake?"
"Sam? Gising ka na!" sabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Binabantayan ka ano pa nga ba? Pero teka? Ano bang nagyari sayo?" Tanong ko sakanya.
"May dengue ako. Nung hinintay kita dun sa tambayan natin, malamok na nun."
Ako pala may kasalanan kung bakit siya naghihirap.
"Anong Stage na daw?" Naiiyak na sabi ko.
"Stage 2 palang naman daw. Malapit ng mag stage 3 buti nalang naisugod na ko agad sa hospital."
Buti nalang hindi pa critical ang lagay ni Sam nun. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala siya.
@@@@@@@@@
Chapter 9:
TIFFANY SAM's POV
Sobrang saya ko nung nakita ko si drake na nagbabantay sakin nung araw na yun. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako oh ano. Sana pag galing ko, okay na ang lahat. Sana bumalik na sakin si drake. Mahal ko siya ayoko lang masira pagkakaibigan namin kaya di ko sinasabi sakanya. Pero sa totoo lang, pag nakikita ko siyang may ibang babaeng kasama, kumikirot ang puso ko.
@@@@@@@@@@@@@@@
Habang ginagawa ko itong part na toh, may milagrong nangyari! hahahaha
To be continued...
BINABASA MO ANG
Bestfriends(turned lovers?)
Teen FictionHope you enjoy/enjoyed reading it! :))) Mas maganda kung naka relate kayo. ;) Hihi. Joke lang. Don't Forget to leave your Comments :)) First Story ko po na ginawa soooo, no mean comments po muna. Huhu :( FOLLOW ME =))) Instagram: _ptrcxsamxv Twit...