Sabi kanina, ang love daw ay nakakapaghintay. Tama nga. Hindi mo naman kailangang magmadali eh. Hindi ka naman siguro mamamatay after 2 days agad agd karaka karaka di ba? Hmmm. Pwera na lang kung nakikiuso ka lang sa mga barkada mo. Meron din namang hindi mo alam kung siya talaga para sa’yo kaya mahirap pag binigay mo ang buong-buong pagmamahal. Dapat sakto lang.
Hindi mo din naman kailangan isakripisyo ang kaibigan mo para lang sa crush mo na nainlove at nalamang may crush din sa’yo. Siguro mas isipin mo muna yung majority na consequences bago magdesisyon.
Mas lalong hindi naman required magkaroon ng girlfriend o boyfriend eh. Kasi ang LOVE hindi lang yan sa dalawang taong nilalanggam. Para din yan sa magkakaibigang walang ilangan, walang pataasan, walang paligsahan, walang kinikilingan, serbosyong totoo lamang…. ay mali! hahaha! Ah bale para din yun sa magkakaibigan, pamilya, sa mga pinsan, apo, kasambahay, mga kasamahan sa trabaho, maging sa teachers, o kapitbahay. At syempre kay God. Lahat applicable yan.
Kaya utoy, ineng. Hindi mo kailangan magmadali. Dadating ang time. True love waits. Trust me. Trust GOD. Promise! Honesto!