Apat na araw na rin ang nakakalipas simula nung 'incident' na nakakaloka...
Aaminin ko, oo, medyo nahihirapan loob ko tanggapin ang nangyari. Nasaktan kasi ako sa nangyari.
Ni hindi man lang nila inisip yung mararamdaman ko.
Buti na nga lang, nandoon si Kyle na nakiramay sa akin. Tulad ngayon. Sa bahay muna nila ako pinapatuloy.
Kahapon ko kinuha yung mga gamit ko at inilipat sa guest room ng bahay nila.
Nakatulala lang ako ngayon, nag iisip kung papano na mabubuhay.
Sila mama at papa kasi, parehong naulila sa magulang nila. Lumaki sila sa bahay ampunan at doon sila nagkakilala. Kaunti lang mga naging kaibigan nila doon. Pero may nag ampon kay mama kaya ubod ng lungkot dinanas ni papa.
Nung lumaki na sila, nagkita sila muli at doon nagmahalan.
Dumating din sila sa punto na nagkaanak sila at nag asawa. Pagkatapos nun, wala na silang nabalitaan tungkol sa mga kaibigan, at mga nag alaga sa kanila sa bahay ampunan.
Pero bago ipanganak una nilang baby, naaksidente sila mama kasama yung bagong pamilya niya at doon, nakunan siya.
Siya lang ang nabuhay sa aksidenteng iyon. Pero sobra pa rin siyang nalungkot dahil nawalan siya ng pamilya at anak.
Dahil doon, mas naging close sila ni papa at hindi ganun katagal, nabuhay ako.
Nung mga apat na taong gulang pa lamang ako, kitang kita ko kung gaano nila kamahal ang isat isa. Pero sabay ng pagtanda ko, nakikita ko silang madalas mag away.
Dahil doon sa lahat ng nangyari sa magulang ko, sa lahat ng away nila, umabot sila sa punto ng patayan at naging saksi ako noon.
Kaya dito ako kila Kyle tumuloy, dahil walang kukupkop sa akin dahil walang kilala sila mama't papa.
"Anne?" sabi ni Kyle. "Anne, tulala ka na naman. Alam mo bang alalang alala na ako sa iyo." sabi niya.
"Sorry Kyle. Sorry." sabi ko na lang.
"Hmmm... alam mo, libangin mo na lang sarili mo." sabi niya
"Ano?"
"Ahm...magbasa ka. O di kaya matulog. Maligo. Anything to make your mind forget what happened. Kahit sa maiksing panahoon lang." sabi niya tapos umalis na
"Mamamalengke kami ni mama." sabi niya bago tuluyan umalis ng kwarto. "Gusto mo sumama?"
Umiling ako. "Dito na lang muna ako sa bahay."
Tumango na lang siya saka umalis.
Matutulog na sana ako dahil di rin ako nakatulog these days kaya susubukan kong bumawi, pero may naalala ako.
Yung notebook.
Agad kong hinalungkat yung mga gamit ko hanggang sa nakita ko ito.
Kahit luma pala yung notebook, maganda din siya.
Umupo ako sa gilid ng kama at doon ko binuksan ito.
Isa ako sa mga mayayaman na bata na wala masyadong kaibigan. Mayaman nga ako pero lumaki ako ng mahirap ang buhay.
Sa totoo lang ay wala akong pakielam sa mga nangyayari, pero dumating ang araw na nagiba yun.
Dito sa kwadernong ito, nakasulat ang aking kwento.
Eh? Para san yun? Storya ng tao nakasulat dito? Eh bakit sa akin binigay ito?
Naguluhan ako.
Siguro inakala ko na ordinaryong notebook lang to na may sulat. Mga notes sa klase. Scrapbook na ginawa para sakin ng stalker ko...