Chapter 2

107 6 2
                                    

    

CHAPTER 2

Nakababad ang katawan ni Regina sa napakalaking bathtub sa kanyang napakalaking banyo. Kasya ang 3-4 persons sa sobrang laki nito, tila isang kiddie pool. Nakikinig siya ng music sa kanyang IPOD touch habang nakatampisaw sa bumubulang tubig. Para siyang nasa alapaap habang idinadampi ang sabon sa kanyang mga braso.

Araw ng Linggo ngayon. Araw ng pagsamba. Walang araw ng Linggo na hindi siya nagsisimba. Nakaugalian na niyang magsimba tuwing sasapit ang Linggo. Nasanay na rin siguro dahil noong bata pa lamang siya ay lagi silang nagsisimba ng kanyang pamilya. Aminin natin na sa panahon ngayon madalang na lamang ang nakakakumpleto ng pagsisimba, lalo na sa mga taong busy tulad niya. Not for Regina, she always make a way not to miss one. 25 years old na siya, maganda ang posisyon sa trabaho. Lumaking mayaman at kailanma’y hindi nakaranas ng kahirapan. Kaya naman inilalaan niya ang araw ng Linggo sa pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng blessings na natatamasa niya at patuloy na matatamasa.

Nakadress ng pula si Regina, 2 inches above the knee. Suot din niya ang paborito niyang black stiletto na regalo ng nanay niya on her last birthday. Halatang mamahalin ang suot niyang sapatos. Binili kasi ito from Paris nang magtour ang parents niya sa Europe last year. Binagayan din niya ng black na shoulder bag ang outfit at pearl na accessories. Naglagay ng konting make-up. Bihis na bihis ang dalaga. Nasa prinsipyo niya na dapat presentable siya tuwing papasok sa tahanan ng Diyos.

Bumaba ang dalaga mula sa isang silver na kotse. Meron pang 10 minutes bago magstart ang misa. Nagsign of the cross ito pagtuntung na pagtuntong niya sa simbahan. Lahat ng tao ay napapatingin sa kanya. Parang naglalakad na modelo habang naghahanap ng mauupuan. Medyo puno na ang simbahan, buti na lamang at may naupuan pa siya. Mahirap ang nakatayo, hindi ka makakapagconcentrate sa misa. Marami kang maririnig na kung anu-ano lalo na kung nasa likuran ka pa o di kaya ay nasa labas ng simbahan. Makikita mo ang mga magsyota na sa simbahan pa nakuhang magdate at maglampungan.

“Tingnan mo yung babae, ang ganda-ganda at ang tangkad pa. Para siyang model. Pero hindi kaya siya naiinitan sa suot niya?”, ang tanong ng isang babae sa katabi niya.

“Oo nga eh. Nakakalimutan niya siguro na nasa Pilipinas siya at summer pa.” ang tugon ito sa kausap na halos isigaw niya upang marinig mismo ni Regina.  

 

Napansin kasi nilang mukang mainit nga ang suot na dress ng dalaga. Sa panahon kasi ngayon, bihira na lang sa atin ang magdamit ng maayos sa simbahan. Karamihan ay nakashorts, nakaspagetti o sleeveless at nakatsinelas na lang. Katulad na lamang ng mga nang-ookray sa kanya ngayon. Taliwas naman ito sa paniniwala ni Regina. Naniniwala kasi siya sa kasabihan ng matatanda noon na dapat mong isuot ang pinakamaganda mong damit sa tahanan ng Diyos. Wala siyang pakialam kung anuman ang sasabihin ng tao, naglipana lang talaga ang mga inggitera.

Pinipigilan lamang niya ang sarili kahit halatang-halata naman na siya ang pinariringgan. Kung wala lang siya sa simbahan ay napatulan na niya ang mga pakialamerang nasa likuran niya.

Lord, patawarin Niyo po ako sa iniisip kong gawin sa mga taong ito. Patawarin Niyo po sila sa patuloy na paggawa ng kasalanan kahit nasa loob ng Inyong tahanan. ang tahimik nitong dasal.

Ikaw ang Liwanag sa Gabi't Araw by MistyLeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon