CHAPTER 1

36 1 0
                                    


CHAPTER I

"What is love?"

Napailing na lang si Lilja habang nag mumunimuni. Due na ngayong araw na 'to ang assignment niya para sa Psychology pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naita-type ni isang letra.

Bakit nga ba wala akong mailagay? Samantalang makapal pa sa thesis 'yong mga assignment ng classmates ko. Life is so unfair, ah?

"Lord, bakit po gaanon? Sino bang nakakaalam kung ano talaga ang love? There are so many uri of love pero sino ba kami para i-define ito? Sino bang makakapag sabi na ang nararamdaman nila ay love at hindi attraction? O kaya adoration? O passion? O baka naman init lang yun ng katawan. Lord, what is love? Paki-sagot na kasi para naman po para may mailagay ako sa assignment ko."

Malalim na lang siyang napabuntong hininga at mariing pumikit.

"Paano ba ang mag mahal?" Iyak niya.

"Paano nga ba?"

Biglang napatalon ang dalaga sa kaniyang kinauupuan nang biglang may sumagot sa kaniyang likuran. Dali-dali itong lumingon sa likod at nakita ang isang lalakeng naka-leather jacket na may suot na black jeje cap. Joke lang, black baseball cap talaga suot nya.

"Ako ba kausap mo?" Tanong niya rito habang pasimpleng sinisilip ang mukha ng lalake. Hindi niya ito gaanong maaninag dahil na rin sa sombrerong suot, idagdag pa na nakayuko ito kaya talaga namang wala siyang makita kahit man lang baba nito. "Sagot sagot din pag may time."

"Wala ka bang klase?" Ika nang estrangherong nakaitim na tila ba pangarap maging grim reaper.

"Ikaw, wala?" Hindi ito sumagot na talaga namang kinainis ni Lilja, "Wala akong klase!"

"Huwag kang sumigaw. Nasa chapel tayo."

"Walang tayo. Tayo agad? 'Di nga kita kilala."

"Ano?" Biglang natawa ang lalake at tiningala siya nito. "Anong sabi mo?"

May kahabaan ang kayumangging buhok ng lalake at medyo magulo. Kahit malayo sa kanya ay batid ni Lilja na mahaba at makapal din ang malalantik nitong pilik mata na nakapalibot sa bilugan mga mata. Matangos din ang ilong nito at mapupula ang mga labi. Malapad ang ngiti nito at halos pati gilagid ay kita na niya.

Joke lang. Ipin lang nyang pang toothpaste commercial ang nakikita ko.

"Wala kang sense of humor," Balik ni Lilja sa kanya.

"Tingin ko maganda 'yung sinabi mo kanina tungkol sa love. Kung 'yon ang isusulat mo assignment mo-"

"''Di ko hinihingi opinyon mo." Iyon lang at tumayo na siya upang umalis.

Sukbit ang gray Jansport sa kaliwang balikat ay nag mamadali siyang tumakbo patungo sa main building at matapang na inakyat ang hagdan patungong kabilang buhay. Ilang beses nang nasisira ang elevator sa building ng kanilang unibersidad at ayaw niyang ipag sapalaran ang kaniyang sarili. Minsan kasi ay kahit na hindi pinipindot ang button para sa lower ground ay bumababa ito doon at doon pa talaga naii-stuck. Mula nang maranasan iyon ng best friend niyang si Natalia ay hindi na siya muli pang nag elevator. Para sa kaniya ay 'di bale nang gumapang siya makaakyat lang sa 6th floor huwag lang sumakay sa elevator.

Dalhin pa ako noon sa hometown ko sa impyerno.

Nang makarating sa 4th floor ay halos mawalan na siya ng hininga at pakiramdam niya ay bibigay na ang kaniyang mga binti. Mabigat kasi ang bag niya gawa ng mga libro na nalimutan niyang ilagay sa locker. Mabuti na lang at hindi niya dala ang laptop niya at baka 3rd floor palang ay nag hihingalo't nag aagaw buhay na siya. Pero dahil na rin sa hindi niya dala ang kaniyang laptop ay kinakaylangan niyang umakyat ng 6th floor para gumamit ng computer sa lab.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling For My ProfessorWhere stories live. Discover now