Ako nga pala si Gaille Erwan, 23 years old.12 years old ako ng mamatay sa sunog ang aking mga magulang, pati na din ang dapat sana'y magiging bunso namin.
Nasa bahay kaming lahat noon, habang nagluluto si mommy ng dinner namin. Si daddy naman ay na kasama kong nanonood nang biglang mangamoy ang nasusunog na luto ni mommy kaya pinuntahan sya ni daddy para tulungan. Ako naman ay lumabas para kunin ang hose at pagharap ko ay sumabog na ang buong bahay namin.
Nawalan ako ng malay noon at nagkaron ng mga pasa sa aking katawan.
Paggising ko ay nasa ambulansya na ako at ginagamot ng mga nurse.
mga ilang linggo lang ang nakalipas ay dinala na ako sa orphanage.
Doon ay may naging kaibigan ako, si Alice.
magka edad kami kaya magkasundo kami sa lahat ng bagay, ngunit pagkatapos ng ika-14ng kaarawan nya ay inampon sya ng matandang lalaking mayaman.
Pumayag naman ang mga madre dahil malaki ang binigay nitong pera.
Naghintay ako sa kanya hanggang sa inampon na din ako ng mag asawang foreigner nang magtungtong ako ng 16.
Nakaupo ako ngayon sa parke ng ospital na aking pinapasukan. Isa na akong licenced doctor sa sikat na ospital. At ang aking step mom at dad ang may ari nito.
"Gaille!" tawag sa akin ni Ludwig, boyfriend ko.
"Oh, tapos na surgery mo? How was it?" tanong ko. Isa din syang doctor.
"Syempre success ako pa, pa-kiss nga " Sabay halik nya sa pisngi ko.
"Sus mas magaling pa din ako sayo"
"Oo naman, kaya nga love na love kita eh"
"Eto na naman po sila" si Amber, bestfriend ko.
"Oh" inabutan nya ko ng favorite kong delight.
"thanks"
"Asan na si Brad saka si Kim?" tanong ni Ludwig.
"Ewan, hindi pa lumalabas eh lunch time na ah" sabi ni Amber.
"Ambs, samahan mo nga ako mamaya, mag shashopping ako bibilhan ko ng gift si mommy eh uuwi daw kasi sya bukas." yaya ko.
"Sure, bibili din ako nung new arrival na bag ng Gucci"
"alright" sagot ko.
"Naku! nagkasundo nanaman ang dalawa." singit naman ni Ludwig.
"Di ka ba sasama?" tanong ko sa kanya.
"Hindi babe, may tatapusin pa ko mamaya eh.Next time na lang"
"Sige"
"Hi guys" bati ni Kim
"Asan si Brad?" tanong ni Ambs.
"Here" sagot nya na nasa likod pala namin.
"Hi, baby labs ko" sabi ni Ambs kay Brad. Naku pero kung makapag reklamo samin kanina eh sya sin naman pala.
"Ooops... O.P" sabi ni Kim.
"HAHAHA maghanap ka na kase."pang aasar ko sa kanya.
"Walang nagtatagal eh"
"Come on guys gutom na ko" yaya ni Brad.
"Sige" sabay tayo ko, hinawakan naman ni Ludwig ang kamay ko.
Pagpasok namin sa canteen ng hospital ay naghanap ng mauupuan sina Kim at Amber.
Ako naman ay umorder na.
Naalala ko non kapag lunch time namen sa orphanage, pareho kami lagi ng kinakain ni Alice.
Sabay kaming kakain at pagkatapos ay magkukwentuhan.
"Babe, are you okay?"tanong ni Ludwig.
Saka ko lang na realize na ako na pala ang nasa harap ng counter.
"Ah sorry"
________
Pumasok na ako sa office, para kunin ang bag at laptop ko.
Tinawagan ko si Amber.
"Hello Ambby daanan ba kita?"
"Papunta nako sa office mo wait lang"
" Osige"
Napaka swerte ko sa mga kaibigan ko ngayon, lalo na sa boyfriend ko pati na din sa step mom and dad ko. Nawalan man ako ng mga magulang noon, pero pinalitan naman ni God lahat ng yon at dinoble nya pa ang mga nagmamahal sa akin.
Bumukas ang pinto ng office ko at iniluwa nito si Amber.
"Halika na"
Habang naglalakad lakad kami ni Ambby, nadaanan namin ang isang tindahan ng mga gitara.
Naalala ko non, yung gitara ni Alice. Yun ang paboritong bagay nya. Ayaw kasi niya sa mga madre, kase pag may ginawa silang mali ay nilalatigo sila. Maliban lang sa akin, hindi ko alam kung bakit pero hindi nila ako sinasaktan.
Ako lang ang naging kakampi ni Alice doon, pati na din ang pagtugtog nya ng gitara.
Gusto ko din sana matuto non kaso nahihirapan ako kaya sya na lang ang tutugtog para sa akin.
"Di mo sinabi saken may hilig ka pala sa instruments" pabirong saad ni Amber.
"Date, dahil dun sa kaibigan ko"
"Halika na"
Binilhan ko si mommy ng pandora na bracelet na may ibig sabihin na HOPE.
Dahil na rin siguro na sila ang naging pag asa ko.
Pag-uwi ko ay sinalubong ako ni yaya. Si Ate Kath, sya ang pinaka close sa sa mga yaya namen sa bahay. Dahil siguro sya din ang pinaka bata.
"Kamusta naman po ang araw nyo, ma'am" pagbati nya sa akin pagpasok ko ng bahay.
Ganun pa din ito, parang walang kalaman laman, dahil ako lang naman ang nakatira dito pa wala sina mommy at daddy maliban sa mga yaya.
"Okay naman ate" sabay ngiti sa kanya.
"Anong gusto mong kainin?Dadalhin ko na lang sa kwarto mo"
"cookies na lang saka pineapple juice"
"osige day"
Sya lagi ang kinukwentuhan ko dati nung nililigawan pa lang ako ni Ludwig. 3 years ago, bago ako mag birthday saka ko sya sinagot. kalahating taon din sya nanligaw sa akin.
Pag may minsang tampuhan, sa kay ate Kath din ako lumalapit dahil sya lang ang makakaintindi sa akin kapag wala si mommy.
Kung buhay siguro sina mommy at daddy pati na ang dapat magiging bunso namin, napaka perfect na siguro na buhay ko.
Pag naiisip ko ang mga bagay na yon ay naaalala ko noong nasa orphanage pa ako, wala akong kinakausap na iba dahil ang gusto ko ay ibalik ang mommy at daddy ko. Pero si Alice lang ang laging nandyan. Kahit tinataboy ko sya non dahil ayokong may kausap,nanjan lang sya sa tabi ko at pinapatahan ako pag umiiyak.
Traumatized ako ng mga panahong yon dahil nga sa sinapit ng pamilya ko, pero unti unting bumalik ang sigla ko dahil sa kanya, kay Alice.
BINABASA MO ANG
Phobia
Mystery / ThrillerAno na nga kayang nangyari sa kanya? Kamusta na kaya sya? Naaalala nya pa kaya ako? Almost 9 years na kaming hindi nagkikita simula nung inampon sya. kamusta ka na, Alice.