Chapter 1

48 7 6
                                    

ARRIA'S POV

"Pero bakit po?"

Malungkot kong tanong sa manager, Andito ako ngayon sa coffee shop na pinag aapplyan ko.

"Puno na kami ng empleyado sa iba ka nalang mag apply miss pasensya na"

"Sige po salamat nalang"

*sigh* palabas nako ng coffee shop.

ilang linggo nakong nag aapply, wala parin akong trabaho, Natanggal kasi ako sa dati kog pinag tatrabahuan na coffee shop.

Wait... Bago ko ituloy ang ang story ko mag papakilala muna ko!🙂

Hi! Ako po pala si arria ellis, simpleng babae lang naman ako syempre may pangarap sa buhay ,21 years old nako.

Sa pamilya naman ako ang bunso 2 lang kaming mag kapatid Ako at si kuya arrison, syempre meron akong nanay at tatay! 😊 simple lang ang pamumuhay namin, si Papa tricycle driver si Mama naman nag sasari-sari store.

Di nako nakapag tapos ng kolehiyo  dahil sa kapos din kami sa pera at mas pinapriority ng magulang ko ang pag papaaral ni kuya masyadong magastos ang engineering course lalo na ang matrikula isang taon nalang din naman at gagraduate na si kuya pag tapos nya siya na daw mag papaaral sakin.

Habang hindi pako nag aaral syempre gusto ko padin tumulong sa gastusin sa bahay 18 years old ako ng mag simulang mag trabaho, marami nakong napasukan naging crew din ako sa mga fast food chains, naging dishwasher, naging janitress etc. Pero syempre kapos padin dahil hindi regular ang pag tatrabaho ko sa mga iyon at hindi din ako nakakaipon sakto lang sa pang araw-araw na gastos ang sinusweldo ko dun.

May isa naman akong inapplayan,
Isang coffee shop, ewan koba nung bata pako gustong gusto ko na mag trabaho sa coffee shop
Balak ko din mag patayo ng coffee shop kaso mukhang malabong mangyari yun sigurado malaking puhunan ang kakailanganin para dun pero malay mo naman diba? Hehehe

At ayun nga sobrang saya ko ang swerte ko nung araw na yun natanggap ako bilang isa sa empleyado ng coffee shop at eto pa naextend ako ng 6 na buwan sa coffee shop na yun, dahil sa ganda ng performance ko at lagi akong on time sa trabaho nag tagal ako ng isang taon pero nag laho nalang bigla ng dahil sa kapalpakan ko, yung taga timpla ng kape ng isa sa regular customer namin ay nag resign dahilan ng uuwi siya sa probinsya, ako ang nautusang mag timpla ng kape nya, "espresso capri blend coffee"

Nag simula akong ipagtimpla sya ng kape ako din ang nag hatid sa table niya.

"Enjoy your coffee sir" sabay ngiti

Matanda na sya nasa 40's
Babalik na sana ko sa trabaho ng bigla siyang nya kong tinawag..

"Miss!! Ano bato?! Kape bato!? Hindi naman ganito ang lasa ng inoorder ko ah!!!?

"Ha? Ano po bang lasa? papalitan ko nalang po kung di nyo nagustuhan pasensya na"

"Masyadong mapait!! Sino ba ang nag timpla nito? Ikaw?!"

"O-opo sir pe-pero magtitimpla nalang po ako ulit sir pasensya napo ulit"
nauutal kong sabi , nakayuko ako sa harap niya hiyang hiya ako pinagtitinginan nako ng ibang mga customer.

"No need!! Asan ba yung manager mo?!"
Sabay tayo nya sa kinauupuan nya

Napatingin ako sa kanya,
Irereklami niya bako? Dahil lang sa simpleng pag kakamali lang? Pwede ko namang palitan ang coffee niya ah.

"P-po? Eh si-"
Napatigil ako ng biglang lumabas ang manager ko

"Anong pong problema dito mr. Hidalgo?" Manager.

"Ano bayang empleyado nyo?! Mag titimpla nalang ng kape hindi pa inayos!!" Mataas na talaga boses niya

Bumaling sakin ang manager ko,
"miss arria ano bang ginawa mo"

Dreaming Of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon