ARRIA'S POV
6:00 am ng magising ako,
Nag alarm talaga ako ng maaga syempre ayokong malate sa first day ko no.
Naligo at nagasikaso nako.
Pag katapos kong mag asikaso bumaba nako at dumiretso sa kusina.Naabutan ko sila kuya at papa kumakain binati nila ko,
"Oh nak! Gising kana pala, kain na"
Bati sakin ni papa,
"Aga mo ah! Halatang excited sa bagong trabaho hahahaha"
Pabiro ni kuya.
"Syempre naman kuyang! Ayokong malate no nakakahiya naman sa boss ko"
Sagot ko kay kuya.
"Mabait naman ba yung magiging boss mo?"
Tanong ni kuya habang nakain.
"Mabait naman kuya"
Ngiting sagot ko.Pagkatapos ng mahabang kwentuhan nagpaalam na kaming tatlo kay mama, isasabay na daw ako ni papa sa paghatid kay kuya ihahatid nya sa sakayan ng bus,
"Ingat ka nak ah"
Ibinaba nako ni papa sa kanto.
"Opo pa, ingat ka din!"
Nginitian ako ni papa bago umalis.
Nakasakay nako ng bus papunta ng coffee shop.
Matapos ang ilang minuto nakarating nako.
Nakita ko wala pang tao sa coffee shop.
Sobrang aga ko ba? 7:40 na ah.
Kumatok ako.Pagkatapos ng ilang katok ay pinagbuksan nako..
Ni Kiel,
"Oh arria, good, you've come early."
Kiel."Goodmorning"
bati ko sa kanya bago pinapasok"Now since you're gonna work here, i need to see how good you are."
Walang emosyong sabi niya,
Bigla akong kinabahan."A-ah o-okay po ano pong gusto nyong gawin ko?"
Nauutal kong sagot, bakit bako kinakabahan ng ganito? Hindi naman bago sakin ang pagtatrabaho sa coffee shop dahil nagtrabaho nako dati.
Tiningnan nya lang ako mula taas hanggang baba
" ahm, hindi ka pwedeng magtrabaho ng ganyan ang suot mo"
Sabi nya...
wait! Nag tagalog siya.Tiningnan ko ang sarili ko.
Maayos naman ang shirt at pants ko ah?"Ehh ano po ang susuotin ko?"
Tanon ko,
Huminga siya ng malalim bago umalis sa harap ko at pumunta sa opisina niya,
Hindi ko na sya sinundan.
Pagkatapos ng dalawang minuto
Lumabas na si kiel na may dalang damit."Here"
Inabot niya sa sakin ang dala niyang damit
"Now go, and put these one and see if they fit"
Walang emosyon nyang sinabi. Wow ang cold ah.
Tumango nalang ako at pumunta sa Banyo.
Pag katapos kong magpalit tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Longsleeve stripes na polong puti, slacks na itim at apron na brown.
Lumabas na ako ng banyo at pumunta sa kinaroroonan niya. Napatingin siya sakin."Okay na po ba?"
Tiningnan niya lang ako mula taas hanggang baba.
"Much better, and i want you to wear that everyday"
BINABASA MO ANG
Dreaming Of you
RomanceSi Arria ellis isang simpleng babae na may pangarap sa buhay. Masaya siyang nag tatatrabaho sa isang coffee shop, Ngunit hindi niya inaasahan na matatanggal siya sa trabaho dahil lang sa isang simpleng kapalpakan na ginawa niya. simula pa nung bata...