“Shet!, anu ba tong ginawa ko!” Hindi ako makalabas ng kwarto, hindi ko alam kung panu haharapin si Kenneth! Ilang minuto lang ang nakalipas, lumabas na ako ng kwarto. Nakakandado ang kwarto ni Kenneth. Tahimik ang bahay, “Hay, ito na nga ba ang sinasabi ko.” Buong araw kong hindi nakita si Kenneth umalis siya habang tulog ako. Kinabukasan pagpasok ko sa eskwela. 1st subject, wala si Kenneth. Hanggang sa matapos ang klase ngayong araw, walang Kenneth na nagpakita. Umuwi ako sa apartment na matamlay. Pagdating ko sa apartment, diretso agad sa kwarto. Nagpahinga ako ng malalim, nag isip isip at may halong pag sisisi. Sana hindi ko na lang ginawa yun. Nakatulog na ako sa kakaisip sa nangyari, hindi na ako nakakain ng dinner. Kinabukasan may klase ulit. Pagpasok ko ng room, late ako ng 15 minutes. Andun si Kenneth! Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. After class lumapit si Kenneth. “Raymond, pasensya na pala kung umalis ako last day ng hindi nagpapaalam sayo. Tumawag kasi si Mama pinapauwi ako.” Sabi ko: Okay lang yun Sabi nya: MCDO tayo. My treat!!! Nagulat ako, hindi ko expect na magiging ganito pa ang pakikitungo niya sa akin after ng nangyari. Siguro nga sobrang lasing siya nun kaya hindi niya naalala. Pagkatapos ng last Subject, nagpunta na kami ni Kenneth sa MCDO. “Hindi ka ba uuwi ng apartment ngayon Kenneth?” Sabi nya: Uuwi pero my practice pa ako ng basketball. Sabi ko: Ah sige una na lang ako umuwi. Pagkatapos naming kumain, pumunta na siya sa practice niya. Ako naman umuwi na papuntang apartment. Nakangiti na ako, kasi wala nang problema. Mukhang hindi talaga naaalala ni Kenneth yung nangyari!. Pagkadating ko ng apartment, nanood muna ako ng T.V habang gumagawa ng homework. Ilang sandali lang, dumating na si Kenneth. Umakyat na siya at nagbihis. Then bumaba siya sabay gumawa ng homework. Tumunog ang cepllphone ko. Si khaye nagtext. “Mond, samahan mo ako bukas sa SM Manila after ng class ha, may bibilihin ako.” Habang nag ta-type ako ng message, nagtanong si Kenneth. “Raymond, yung about nga pala sa nangyari satin nung isang gabi?” Sabi ko: Ha? Bkit? Anu ba nangyari last night? “Kabado kong sagot kay Kenneth” Sabi nya: Yung sa kwarto ko? Bkit mo ginawa yun? Sabi ko: yung anu? Hmmmm.. alam mo na yun! Wag ka nang mag maang maangan, kotongan kita eh! Sabi ko: Ahh.. “Natahimik ako bigla, pinagpapawisan at napahinga ng malalim.” Yung tingin ni Kenneth, parang may halong pang aasar! “Ah yun ba? Lasing ako nun!” Sabay ngiti. Sabi nya: Talaga lang ha? “Sabay ngiti na may halong pang-aasar.” Sabi ko: Bakit ka ganyan ka makangiti? Parang nang aasar ka ah. Tusukin kita ng ballpen gusto mo? Sabi nya: Oh bat ka napipikon? “Sabay tawa” kuha lang ako ng tubig. Habang naglalakad papuntang kitchen, bahagyang nagparinig si Kenneth. “Hindi alam ha, kunwari ka pa!” naglukot ako ng papel tsaka ko ibinato kay Kenneth. Pagbalik ni Kenneth, tahimik ang paligid. “Tulog na ako Raymond, maaga pa pasok natin.” Sabi ko: Sige, tapusin ko lang to tapos tuog narin ako. Umakyat na si Kenneth at natulog na. Ako naman patapos na sa ginagawa ko. Antok narin ako, kaya natulog na din ako. Kinabukasan, may kumakatok sa kwarto ko. “Sino yan?” Tanong ko habang pipikit pikit pa ang mata ko, malelate na tayo bumangon ka na! Nagulat ako, Si Kenneth ginising ako? Para sumabay pumasok? Kinilig naman ako dun, “teka sandali.” Pagbaba ko, nakaready na ang breakfast. Nagulat ako! “Wow! May sakit ka ba Kenneth?” Sabi nya: Niluto ko na lahat, tska tayo na nga lang dalawa magkasama sa bahay tapos magkakanya kanya pa tayo! Tara kain na! Habang kumakain, “magaling ka pala magluto!” Sabi nya: Talaga? Okay lang ba yung pagkakaluto? Sabi ko: Oo, itlog lang naman kasi to, tsaka hotdog! Wlang kahirap hirap iluto. “Sabay tawa”. Sabi nya: Yan lang ang meron sa Ref eh! Kumain ka na nga lang jan. Pagkatapos kumain, naligo na siya habang nag aayos ako ng gamit. After nya, ako naman ang naligo! Pagkatapos ay pumasok na kami. Kaye: Raymond, samahan mo ako mamaya ha! Sabi ko: Sige. Kenneth: San kayo pupunta? Kaye: Sm Manila, Magpapasama ako kay Mond, may bibilihinkasi ako. Kenneth: Pasabay na! Pupunta rin ako dun maya, magkikita kami ng girlfriend ko. Sa Letran siya nag aaral eh. “Natahimik ako bigla” after ng class. Pumunta na kami sa SM! Pagdating namin dun, naghihintay na ang GF ni Kenneth. “Bhe, si Kaye at Raymond nga pala. Mga kablockmates ko, Si Jane GF ko.” “Ang ganda ng GFni Kenneth. Bagay sila, kaya pala tumagal sila ng two years, hay.” Umalis na si Kenneth kasama GF nya. Habang kasama si Kaye. Kaye: Ikaw Mond? Bakit wala ka pang GF? Sabi ko: Gusto mo ikaw? “Pabiro kong sabi kay Kaye” Sabi nya: Ha? Sira ka talaga!” “Ramdam ko na matagal na akong gusto ni kaye, kung ligawan ko kaya siya. Tutal mukhang wala akong pag-asa kay Kenneth”. Pagkatapos ng nakakpagod na araw, umuwi na ako sa apartment. Wala pa si Kenneth. Mukhang hindi nanaman siya makakauwi.. Pagkahiga ko sa kama.. “Im Homeee!”! Teka, si Kenneth yun ah? Tumayo ako sa pagkakahiga at sabay bumaba. “Oh pasalubong ko PIZZA HOT! Para sayo! ” Ampft!! Pota!, kinikilig ako. Si Kenneth pinasalubungan ako? Anu ba tong nararamdaman ko, parang naiinlove ako bigla sa crush ko! “Ang bait mo naman, nag abala kapa! Tara kainin na natin tong binili mo” Sabi nya: Sige, Actually binili ko yan para sakin kasi hindi pa ako nag didinner. Bigla akong napasimangot. “Ahh.. Ganun ba? Akala ko naman…” Sabi nya: To naman niloloko ka lang para sayo talaga yan! Sabi ko: Gago ka talaga! “Sabay ngiti”. Tara kainin na natin to. “Hayyy… hindi ko alam gagawin ko, may gf na siya pero lately nagiging sweet siya sakin, unti unti na akong naiinlove sa kanya pero hindi tama to.” Tahimik kaming kumakain. Biglang nagsalita si Kenneth, “Gusto kita”. Napatigil ako sa pagkagat ng pizza. “Hhhhh hhaaah?” pautal utal kong sabi. Sabi niya: Sabi ko gusto kita! Sabi ko: What do you mean? Sabi niya: Basta gusto kita, yun na lang muna. Pagkatapos ng nangyaring iyon, mas lalo pa kaming nagging close sa isat isa ni Kenneth, everyday bago pumasok pinagluluto niya ako ng breakfast. Minsan kumakain kami sa labas, minsan naman sa bahay lang ako, nag mumukmok pag may date sila ng GF niya. Pero lagi naman may pasalubong kapag umuuwi. Habang lumilipas ang araw mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko sakanya. Hanggang sa isang gabi, tabi kaming matulog ni Kenneth sa kwarto ko dahil nawala ang susi ng kwarto niya. Gabi na kayahindi na nya mapuntahan ang may-ari ng bahay para mahiram yung duplicate ng susi para magamit. Habang magkatabi kami, tahimik! Nagpapakiramdaman kaming pareho. “Kenneth, pano kung sabihin ko sayong mahal na kita?” Sabi nya: Bakit mo naman natanong yan? Sabi ko: Hmmm.. yun kasi ang nararamdaman ko sayo. Sabi nya: Talaga? Bakla ka kasi. “sabay tawa” Hmmmm.. panu kung sabihin ko sayo na nahuhulog na rin ang loob ko sau? Teka, pano ka ba nagsimulang mainlove sakin? “Biglang tanong ni Kenneth” Sabi ko: First year pa lang tayo, una kitang nakita crush na kita! Ewan ko ba, dati pa lang kasi nagkakagusto na ako sa lalake pero hindi ko na lang pinapansin. Tapos lately nagging sweet at caring ka pa sakin kaya na fall ako sayo. Sabi nya: Taga san ka ba talaga? Sabi ko: Jan lang sa Vicente Cruz. Sabi nya: Malapit ka lang pala bakit kapa nag apartment? Sabi ko: Maingay kasi sa bahay, 5 kaming magkakapatid, hindi ako makapag aral ng mabuti kaya naisipan kong humiwalay muna. Tapos naisip kita, kung hindi kita mapapapayag na makahati sa upa, hindi ko na itutuloy. Kasi gusto talaga kita makasama, kaso dinededma mo lang ako. Eh ikaw? Bakit moko nagustuhan? Diba may GF ka? Bkit ka ngkakagusto sa lalake? Sabi niya: Hindi ko rin maipaliwanag, pag nakikita kita sa eskwela iba nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag. Kaya nga nung tinanong mo ko bout dito sa apartment, kinausap ko kagad si mama para payagan ako. Remember the night na nag inuman tayo? Alam ko lahat ng nangyari, hindi lang kita pinigilan kasi gusto ko rin naman. Sabi ko: Talaga? Hmmm… gusto mo bang makipag relasyon sakin? Sabi nya: My GF ako eh, tama na siguro na ganito na lang muna tayo. Pero gusto ko may tawagan tayong dalawa. Sabi ko: Okay sige, ano gusto mo? Honey kaya? Sweetie or baby? Sabi nya: masyadong nang common. Teka isip ako. Hmmm.. “MCDO” nalang. Sabi nga ni Sharon Cuneta sa Commercial “Love ko to!” Sabi ko: Ayos yun ah, simula ngaun ikaw na MCDO ko ha. Hanggang sa nakatulog na kaming dalawa. Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Kenneth. Pagtawid naming, hinila niya ako. Yun pala may dadaan pang sasakyan! Napayakap ako kay Kenneth. Nakakahiya, ang dami pa naman naming kasabay sa pagtawid. “salamat ha, nakakahiya, nayakap pa kita” Sabi niya: Okay lang mcdo, wag mong pansinin mga tao sa paligid. Nagstart na ang klase at mabilis na natapos ewan ko ba pagkasama ko si Kenneth parang ang bilis ng oras. Tuesday, walang pasok, nag Gym si Kenneth kaya naiwan ako mag isa sa bahay. Hapon ng nakauwi si Kenneth, naligo siya pagkatapos nagpalit ng damit. “Kamusta ang pag ggym?” Sabi nya: Ayun nakakapagod, kiss mo si mcdo mo para mawala ang pagod. Sabi ko: Lumapit ako sabay kiss sa lips! Mwah! Sabi nya: Sarap! (Nagriring Cellfone ni Kenneth) “Teka lang tumatawag sakin si mama” Hello ma? Ha? Bakit? Cgurado ka? Ma, hindi pwdeng mangyari yun, sige na po pauwi na.” Pagkatapos nila mag usap, napansin kong natulala siya. Ano ba sabi ng mama mo? Bakit parang problemado ka?” Biglang umakyat si Kenneth, nagmamadali. Nagpalit siya ng damit. “Mcdo, uwi muna ako sa cavite, may aausin lang ako ha.” Sabi ko:Anu ba kasi yun? Sabihin mo na. Nag aalala ako. Sabi niya: Basta lagi mong tatandaan kahit ano mangyari, mahal kita! “Kitang kita ko sa mga mata ni Kenneth na may mabigat siyang problema na haharapin sakanila, hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko.” Sige na, alis na ako, bbabalik ako agad pag ok na. Itetext na lang kita ha. Ingatan mo sarili mo.” Dali daling lumabas si Kenneth ng pintuan at tuluyan nang umalis, hindi ko alam kung ano ang nangyari pero alam ko maaayos din kung anu man un. “Bakit kaya hindi pa nag tetext si Kenneth? 5 hours na ang nakalipas ah.” Mcdo bakit hindi kapa nag tetext! Ingat ka jan ha, mahal na mahal kita. Lumipas ang isang araw, dalawa, tatlo hanggang isang lingo, wala pa ring text si Kenneth. Hanggang sa isang araw, my kumakatok sa pinto! Dali dali kong binuksan ang pinto pero hindi si Kenneth ang nakita ko, Sino po sila? “dito ba ang apartment na tinutuluyan ni Kenneth?” Sabi ko: Opo dito nga po. Sabi niya: Ikaw ba si Raymond? Sabi ko: Ako nga po Sabi niya: Pwde ba kita makausap? Sabi ko: pasok po kayo. “ Ako pala ang nanay ni Kenneth, hiningi ko yung address sakanya para personal kang madalaw” Sabi ko: May nangyari po ba sakanya? Hindi na po kasi siya nag text mula ng umuwi siya sa inyo. Sabi nya: He’s ok. Pumunta lang ako dito para makausap ka. Sabi ko: Bakit po? “Nag iisa kong anak si Kenneth, at ako may hawak ng cellphone niya kaya ako rin ang nakakabasa ng mga text mo, kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa sana tapusin mo na, alam mo naman siguro na may girlfriend siya?” Nagulat ako sa sinabi ng nanay ni Kenneth. “ Alam natin na mali ang relasyon nyong dalawa, kaisa isa kong anak yan. Ayokong mabalewala lang ang mga pinaghirapan ko at gusto ko mag kaapo.” At isa pa, mga bata pa kayo. Hindi nyo pa alam ang ginagawa nyo. Sabi ko: wala pong namamagitan samin ni Kenneth, magkaibigan lang po kami. Sabi niya: Wag mo nang ikaila, inamin narin sakin ni Kenneth ang tungkol sa inyo. “Hmmmmm.. kaya ko pala siya pinauwi noon dahil sumugod ang nanay ng GF niya sa amin, 3 months nang buntis si Jane. Magiging tatay sa si Kenneth. Mahirap man tanggapin kasi ang bata pa ng anak ko pero anjan na, kaya ang pakiusap ko lang sana sayo, wag mo na siyang guluhin. Wag ka na sana dumagdag pa sa mga problema ko at ng pamilya ko.” Nangingilid na ang luha ko pero pinipigilan ko, “ Sige po gagawin kop o ang gusto nyo” Sabi niya: Yun lang sana nag pakiusap ko sayo. Sige aalis na ako. Sabi ko: Sige po ingat kayo sa byahe. Pagkaalis ng nanay ni Kenneth, dahan dahang umagos ang luha ko sa aking pisngi! Hindi ko na mapigilan, sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Walang tigil sa pagluha ang mga mata ko, Hagulgol ako sa pag iyak! “Bkit ganito ang nangyari sa amin ni Kenneth? Bkit? Kamakaylan lang Masaya kaming dalawa, nag kwekwentuhan, nag aasaran! Pinagluluto ng breakfast sa umaga, pag gising ko siya ang unang nag papangiti sa akin, bakit ganito” Natapos ang araw ng wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak, namumugto na ang aking mga mata. Nawalan ako ng gana sa pag-aaral, hanggang sa nabalitaan ko na lng na drop na si Kenneth, cguro nga dapat kalimutan ko na siya, magiging ama na siya, Normal na buhay, hindi tulad sakin pag kami nagkatuluyan, masakit at mahirap man tanggapin pero kailangan kong magpatuloy! Lumipas ang halos dalawang bwan, hindi ko parin ganun katanggap ang nalaman ko. Umiiyak parin ako gabi gabi! Lalo na pag nakakakita ako ng Mcdonald’s bumabalik ang mga alaalang noong magkasama pa kami ni Kenneth. Isang gabi naglalakad ako pauwi, may humarang sa aking tatlong lalaki! “Akin na Cellphone mo! Pati bag at wallet kung ayaw mong masaktan! “ Tumakbo ako, pero naabutan nila ako. Pinag bubugbog ako ng tatlong lalake. “HOY ITIGIL NYO YAN” Biglang may sumigaw sa hindi kalayuan, tumatakbo ito papalapit, 5’9 ang taas maputi at matipuno ang pangangatawan. Pinag sasapak niya ang tatlong lalake na bumugbog sakin, nakatakbo ang tatlong lalake pagkatapos niya itong pag sususuntukin. “Ayos ka lang ba? Wala bang nakuha sayo?” Teka, ang boses na yon, parang narinig ko na dati, mejo nahilo hilo ako kaya hindi ko namukaan, at ng mahimasmasan ako, “Kenneth??” totoo ba tong nakikita ko? Si Kenneth nga! “Mcdo ok ka lang ba? Wala bang nakuha sayo?” Unti unting pumatak ang luha ko habang kinakausap ako ni Kenneth. “Ang tagal kitang hinintay, hindi mo lang alam kung ano nangyari sa buhay ko simula nung iniwan moko, gabi gabi umiiyak ako.” Niyakap ko siya ng mahigpit “Miss na miss na kita” pabulong kong sinabi habang humahagulgol sa pag iyak. Tumayo ka na jan, para kang bata! Iyak ka ng iyak! Tara, uwi na tayo. Karga karga ako ni Kenneth pauwi ng apartment. Pagdating sa bahay, “Anung nangyari? Bakit ka bumalik dito?” Sabi niya: Kukunin sana kitang ninong sa anak ko. Sabi ko: ahh.. ganun ba. “Malungkot kong tugon kay Kenneth” ilang minuto ding tumahimik. Bigla akong hinampas ni Kenneth sa balikat! “Biro lang, ito naman!” Sabi ko: Hindi magandang biro yun. Sabi niya: Oh sige hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Inamin sakin ni Jane na hindi sa akin ang ipinagbubuntis niya, may nakatalik siya habang kami, ayaw siyang panagutan kaya naisip daw niya na sa akin ipaako ang responsibilidad, hindi ako pumayag. Ayokong maging ama agad sa batang hindi naman sakin nanggaling. Kaya naghiwalay kami ni Jane, ilang lingo din ang nakalipas, ibinalita sakin ni Jane na pinanagutan na siya ng lalake. Kaya ito ako ngayon, binalikan ko na ang pinakamamahal at iyakin kong si Mcdo! Sabi ko: Hmp! Pano ang nanay mo? Pumunta siya dito para sabihan ako na iwasan ka na. Sabi niya: Ahhh un ba, alam ko yun. Sinabi sakin ni mama, nag away nga kami ni mama dahil dun, pero ok na. Natagalan lang yung pagbalik ko dito kasi hindi niya agad natanggap yung relasyon natin, pero hindi din nag tagal pumayag din siya. Sabi ko: Hindi mo alam kung gano ako kasaya ngayong andito ka na ulit. Akala ko hindi na kita makakasama. Sabi niya: Ngayon, handa na akong makipag relasyon sayo. Naghalikan kaming dalawa na parang sabik sa isa’t isa! Napuno nang nag aalab na romansa ang gabing iyon! Sabi ko: Gusto mo ipasok yan sa ano ko? Sabi niya: Sigurado ka? Sabi ko: Mahal kita kaya kakayanin. Sabi niya: Wag mong pilitin kung hindi mo kaya, kuntento na ako sa ganito. Tska ayoko ng nasasaktan ka. “Sabay turo sa alaga niya” Tingnan mo kakayanin mo ba yan? “Pabirong banat ni Kenneth” “Sabay turo sa alaga niya” Tingnan mo kakayanin mo ba yan? “Pabirong banat ni Kenneth” Sabi ko: Sabi ko nga hindi! Sabay ngiti. At nagsimula na nga ang magandang pagsasama naming ni Kenneth. Lumipas ang ilang taon, sabay kaming gumraduate ni Kenneth sa kursong nursing sa Arellano University. At tulad ng inaasahan, pareho kaming nakapasa sa exam at ngayon R.N na kaming pareho, Pagkagising ko kinabukasan, wala si Kenneth. Pero nagtext siya. “Mcdo, kita tayo maya 3pm sa Mcdonalds tabi ng U.E.” Reply ko: Bkit? Reply niya: Basta pumunta ka na lang. Naligo ako at nag handa para pumunta sa Mcdo. Isa, dalawang oras na ang lumipas wala pa siya. Habang hinihintay ko siya sa loob ng Mcdonald’s, napansin kong may pinagkakaguluhan ang mga studyante sa labas. Nakiisyoso ako papalapit! Unti unti kong naaninag kung anu ang pinag kakaguluhan nila, biglang bumilis ang tibok ng puso ko! “Tumawag kayo ng ambulansya!! Kenneth gumising ka!” Punong puno ng dugo ang buong katawan ni Kenneth. Nasa labas ako ng E.R, hindi mapakali, kabado at pawis na pawis. Tinawagan ko agad ang nanay ni Kenneth! “Ma, si Kenneth po” nangangatog na sabi ko sa nanay ni Kenneth. Sabi niya: Bakit? Anu nangyari?” “Naaksidente po siya, nabangga siya ng isang kotse, nasa E.R po siya ngayon dito sa UERM hospital. Pumunta napo kayo” Ilang oras na ang nakalipas, wala pa ring resulta. Dumating na ang nanay ni Kenneth. Sabi niya: Asan na ang anak ko? Saktong labas ng doctor. “Doc, ano na pong nangyari sa anak ko?” Doc: Kayo po ba ang ina ng pasyente? Hindi nagging maganda ang resulta. “Ha? Doc iligtas nyo po ang anak ko!” Doc. Misis huminahon po muna kayo. Sabi ko: Doc, ano po bang findings? Doc: Malakas ang pagkakatama ng ulo niya, dahil don may mga namuong dugo sa utak ng pasyente. At basag ang lower part ng spinal column niya. Comatose na ang pasyente, unconscious na ang katawan niya ngayon. Dumaloy ng mabilis ang luha ko, hindi ko napigilang umiyak. “Doc, may pag-asa pa siyang maka recover diba?” Doc: Sa case ng pasyente maliit lang ang chansa. Kung maka recover man siya, magiging gulay na siya. Imomonitor naming siya ng 24 hours, pag walang pagbabago, pwdeng hindi na magising ang pasyente ng tuluyan. Naging malungkot ang sitwasyon, iyak ng iyak ang nanay ni Kenneth, habang ako tinatatagan ko ang aking sarili. Lumipas ang oras, wala pa ring nangyari. “Raymond, uwi muna ako sa bahay, babalik ako kagad, bantayan mo ang anak ko ha.” Pagkaalis ng nanay ni Kenneth, dinala si Kenneth sa ICU. Pumasok ako, hindi ko napigilang umiyak. May pumasok na Nurse. “Pamilya po ba kayo ng pasyente? May nakuha po kasi kami sakanya, isang sobre at maliit na kahon. Pag mamay-ari po ata ito ng pasyente. Pagkakuha ko ng sobre at maliit na kahon, binasa ko agad ang laman ng sobre. “Mcdo,Happy 3rd year anniversary! Patuloy kitang aalagaan at hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita, ikaw na ang nag silbi kong mata, puso at lungs ko. Kaya wag mo akong iiwan kasi mamamatay ako. Hindi natin alam kung kelan hihinto ang oras na nakalaan sa atin. Maigsi lang ang buhay, mas magandang matapos ng masaya kaysa puno nag pagdurusa… WAKAS.” Dalawang singsing ang laman ng kahon. Sa ibabaw ng singsing may nakaukit na “Mcdo” at sa ilalim naman ay pangalan naming dalawa. Napatingin ako bigla kay Kenneth. “Mcdo, gumising ka na! alam kong naririnig moko!, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka please! Gumising kana! Marami pa tayong pangarap diba? (Walang tigil ako sa pag-iyak) Kinuha ko ang kamay ni Kenneth, “Ito ang simbulo ng pagmamahalan natin, ang daya mo, ikaw dapat ang mag susuot nito sakin, nakakainis ka” Isinuot ko ang singsing sakanya ganun din sakin. “Mcdo, hihintayin ko ang paggising mo ha, habang natutulog kapa, ako naman ang mag aalaga sayo. Ilang beses mo na akong iniligtas, hindi mo ko pinabayaan at hinayaang masaktan, ngayon ako naman ang mag aalaga sayo, hindi kita iiwan! Salamat sa singsing salamat sa importansya na pinakita mo palagi sakin hihintayin ko ang pag gising mo.” Dumating na ang nanay ni Kenneth. “Anu daw ang balita sa anak ko?” Sabi ko: Wala pa rin po. Pero mga 30 mins babalik ang Doctor dito para malaman kung ano na po ang kalagayan niya. “Ma, uwi muna ako babalik din ako kagad. Malapit lang naman po yung apartment dito.” Sabi niya: Sige mag ingat ha. Mabilis akong umuwi, nagpalit lang ako ng damit kasi puro dugo at dali dali na akong bumalik sa hospital, mejo traffic pero nakarating din. Pagpasok ko ng ICU, “Ma, ano na daw po ang lagay ni Kenneth? Nakatalukbong ng puting kumot si Kenneth, nabitawan ko ang mga dala ko sa mga nakita ko, “Wala na ang anak ko” sabi ng nanay ni Kenneth habang walang tigil sa pagiyak. Muling dumaloy ang luha ko, hindi ko na alam kung kaya ko pang magpatuloy sa buhay ko ngayong wala na siya. Dumaan ang maraming taon at iniwan ko na ang apartment, nagpatuloy ako, tinatagan ko ang loob ko, sigurado akong ayaw ni Kenneth na nakikita akong nag kakaganito. Maraming taon ang nagdaan,marami nang nagbago. Sariwa pa rin sakin ang mga nangyari. Walong taon na ang nakalipas mula ng mamatay ka. Ngayon, kaharap ko ang iyong lapida. “Kamusta ka na? Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob dumalaw sa puntod mo, marami ng nagbago, hindi ko akalaing magkakaroon ako ng asawa at anak. Dalawang taon na kaming kasal ni Kaye, nagkaroon kami ng isang anak, Kenneth ang pangalan niya. Alam ni Kaye ang tungkol satin, tanggap naman niya ako. Hindi ko pa din hinuhubad yung singsing na binigay mo. Itatago ko to habang nabubuhay ako.. Miss na miss na kita Mcdo..” END.
BINABASA MO ANG
McDo (A Short Love Story That Will Make You Cry)
Romance(A BI LOVE STORY) Si Raymond ay isang 3r year Nurse student sa Arellano University. Matagal na syang may gusto kay Kenneth simula pa lang nung unang kita nya dito nung 1st year college pa lang sila. Nagsama sila sa isang Apartment at hanggang sa nag...