May isang magandang babae na ang pangarap ay maging isang guro, siya ay nag-aaral sa ikatlong sekondarya. Ang pangalan niya ay Rose. Ang kaniyang tiyohing lamang ang nagpapaaral sa kaniya dahil walang kaya ang kanyang magulang na pagpapaaralin siya. Habang si Rose ay pauwi galing sa eskwela, niyaya siya ng kaniyang mga kaibigan na magsiyahan dahil kaarawan ito ng kanyang kaibigan. Natulala at nabighani si Rose nang nakita niya ang suwabeng security guard na nagngangalang Jeron, malapit sa kanilang pinaglilibangan. Parang isang yelong natutunaw ang kanilang pagtitinginan. Lumapit si Jeron kay Rose at nakikipagkilala ito sa isa't isa. Ilang araw at taon ang nakalipas, unti-unting shumiklab ang pagmamahalin nilang dalawa, hanggang sa halos araw-araw bumisita si Rose kay Jeron sa pinagtatrabahoan. Dahil sa matamis nilang pagmamahalan, hindi nila sinasadyang magtalik sa isa't isa.
Ilang buwan ang lumipas, nabuntis si Rose at labis ang takot at kaba niya dahil siguradong mapapagalitan siya ng kaniyang tiyohing at pamilya.
Napahinto sa pag-aaral si Rose. Mahal na mahal ni Jeron si Rose kaya pinandigan niya ito at nagtuluyan sila. Dahil sa kakulangan ng pero. Sila ay nagtayo ng isang maliit na kubo sa gitna ng pribado at publikong sementeryo. Tuwing gabi, takot na takot si Rose dahil mayroon siyang maririhig na tahol ng aso. Labis ang lungkot at pagdadalamhati ni Rose, pero hindi ito nag rereklamo at hinding hindi siya nagsisisi sa nangyari.
Umuwi si Rose sa kanilang probinsya dahil doon raw siya manganganak. Sa pagpasok ni Rose kaniyang magulang ang pangyayari dahil mahal na mahal nila ito at dahil iyon na talaga ang kapalaran ni Rose.
Ipinanganak niya ang kaniyang sanggol. Labis ang pag-alala at pagsubok nanararanasan dahil simula palang sa oras na nanganak siya, walang kahit anhong tawag o test man lang.
Nagparamdam ang kaniyang asawa sa pamamagitang ng pagtawag at kaya pala hindi nakapunta dahil may malaking gyerang naganap malapit sa pinagtataguan ni Jeron. Na kong saan maraming mga taong nadadamay
Natuwa si Rose dahil alam niya na ok ang kalagayan ng kanyang asawa at isa pa ay malapit na itong makaabot sa kanilang lugar.
Ilang buwan ang nakalipas, ay nagdesisyong manirahan sa Iligan city uli sina Jeron. Lalong mas naghihirap ang kanilang buhay sa Iligan dahil matagal natanggap ang sahod ng kanyang asawa. Tatlong buwan silang kumain ng "Balanghoy" may bigas silang isang kilo pero para lang iyon sa kanilang mga anak.
Nang nakatanggap ng sahod si Jeron, dinala niya ang kanyang pamilya sa Jollibee at kumain sila ng tudong-tudo.
Pinasyal ni Jeron ang kaiyang pamilya at bumili ito ng maraming pagkain at isa siya sa mga piakamagandang halimbawa ng isang ama sa kaniyang pamilya.
2 years later. Nag-desisyon silang lumipat na naman ng tirahan. Ito'y malapit sa bahay o probinsya ni Jeron.
Gumaan ang buhay nila dahil habang nagtatrabaho si Jeron, nagbebenta naman ng isda si Rose sa pslengke. Hindi na masyadong magastos dahil lumaki na ang kanilang isang anak at nag-ipon sila ng pera at sa bandang huli, nakapag-patayo ng sariling bahay si Jeron and Rose. Namumuhay silang masagana, mapayapa at matiwasay. Ngunit sa isang iglap ay nainggit ang kanilang kapitbahay kaya sinumpa o "gidaot" si Jeron na magkaroon ng malubhang sakit at ito ay ang Hepatitis B, na kung saan halos singkwenta-singkwenta na ang buhay ni Jeron.
Lalong humirap ang buhay ng mag-asawa dahil tumigil sila sa pagtatrabaho para alagaan si Jeron.Naubos lahat ng pera sa kakabili ng gamut, pero wala paring epekto ang gamut. May naisip na paraan ang Ina ni Jeron na ang pangalan ay Bebe. Pinuntahan ni Bebe ang isang manghuhula at totoo na sinumpa o "gidaot" ang kaniyang anak sa kanilang kapitbahay.
Pumunta ang manghuhula at ang ina ni Jeron sa sementeryo at mayroon silang hinukay na bagay at doon nila nakuha na mayroong nakalibing na pangalan ni Jeron sa isang lapida na binalot ng itim na tela at kasama na rin ang asawa at anak ni Jeron kaya unti-unting humina at nilalagnat ang anak at asawa niya na si Rose.
Walang balak na maghiganti si Jeron sa kaniyang kapitbahay dahil para sa kaniya, masama ito at handa rin siyang magpatawad sa isang tao dahil ang Panginoon lamang ang may alam kung ano ang mangyayari sa ating buhay kahit kailan.
Muli silang namumuhay ng masagana pero nawalan na ng trabaho si Jeron dahil pumayat ito at hindi na kaya ng kaniyang sarili o katawan ang pagtatrabaho. Si Rose na lamang muna ang nagtatrabaho at sumusuporta sa pangangailangan nila at kasama din ni Rose ang kaniyang anak sa pagbebenta ng isda.
Isda! Isda! Sigaw ni Jason – ang nag-iisang anak ni Jeron at Rose. Mabait, masayahin at matulungin si Jason sa kaniyang magulang lalo na sa paghahanapbuhay. Siya ay nag-aaral sa anim na baiting sa elementarya.
Habang nilalakad nina Rose at Jason ang malayong-malayong kilometro ay nagpapasaya ito sa kaniyang ina para kahit matindi ang init ay masaya pa rin sila. Lahat ng mga suki o bumibili ay kakantahan ni Jason para mas lalo pang bumili na kung sa gayon ay madaling maubos ang kanilang paninda. Kasing bigat ng kalahati ng isang sako ng bigas ang bigat na dadalhin nila at ang paninda nila ay "uyap". Porsegido si Jason sa pag-aaral at gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral dahil gusto niyang tuparin ang mga pangarap ng kaniyang magulang.
Lahat ng mga aktibidades ay sasalihan ni Jason mapa-storytelling, quiz bee, declamation at iba pa dahil para may pangbaon ito sa paaralan dahil minsan walang baon si Jason dahil katumbas lamang ang kita ng kanilang paninda sa kanilang pangangailangan. Nagbebenta ng mga kendi o mga iba't ibang klaseng pagkain sa paaralan si Jason at ang mga produktong ito ay pagmamay-ari naman ng kanyang guro, dahil ang sabi ng kaniyang guro sa kaniya ay masmabuti pa ito dahil makakatulong ito sa iyo dahil bibigyan din kita ng pera para pambaon mo.
Malayo ang paaralan ni Jason sa kanilang bahay at uuwi pa ito ng malayong kilometyro para mananghalian at babalik naman para sa susunod na klase. Kahit gaano kasakit ang init na dumadapo sa balat ni Jason ay mataas parin ang pangarap nitong makapag-aral at makapagtapos. Kahit na pag-uwi nito ay wala itong ulam na kakainin kundi "bahaw" o "dukot" ng kanin at kapag wala nang mantika at toyo na ilalagay sa ibabaw ng kanin ay asin nalang ang kaniyang ipapares sa kanin.Kung naubos naman ang lahat, ang gagawin ni Jason ay buksan niya iyong telebesyon at tuwing dadaan ang advertisement ng Crispy Fry ay i-feel niya ang pagkain ng kanin kasabay ang pagkagat ng manok. Masarap naman para sa kaniya ang pagkaing ito dahil hindi siya tulad ng ibang tao na magpaka-meron pero walang-wala.
Mapait na buhay ang nararanasan nina Rose at Jeron kasama ang kanilang anak na si Jason pero walang makakatumbas sa tamis ng pag-ibig sa kanilang pamilya. Marami mang pagsubok ang nararanasan sa kanilang pamilya pero sama-sama parin nilang harapin ang mga ito dahil hindi sila basta-basta susuko sa laban sahil hanggat buhay, may kaya pa.
Pinangako ni Jason sa sarili niya na kahit ano man ang mangyayari, gagawa siya ng paraan para makapagtapos ng pag-aaral dahil gusto niyang tayu-an ng malaking bahay ang kaniyang pamilya at mamahalin niya ito singtamis ng tsokolate.
Mahirap man ang buhay ng isang pamilya, pero masagana parin ang kanilang puso na punong-puno ng pagmamahalan, kaligayahan at pagkakaisa. Gaano man kahirap mabigo sa bawat laban na hinaharap ng pamilyang Jeron, nananalaytay parin ang pusong palaban.
Ilang taon ang nakalipas.
Nakapagtapos ng pag-aaral si Jason bilang isang comlaude sa kursong Engeneer. Nagsisimula na siya sa kaniyang pagtatrabaho sa isang kompanya at unti-unti na niyang sisikapin at tutuparin ang pangarap ng kaniyang magulang at pangarap sa buhay.