*What is Love?
-Love is in the Air
===========
Tsk, ang sakit na ng braso ko kakakamot. Halos galisin na ko dito. Bwiset na mga Tungaw yan oh.
Onga pala ako si Creselda. Dito talaga ako nakatira sa ibayong lugar. Malayo to sa kabihasnan. Tsaka so very far ng mga kabit-bahay mo. Imbis na mga building ang mataas dito, puro mga naglalakihang Buko. Grabe kahit sumigaw ka walang magbabawal sayo. Ang saya nga eh.
Alas kwatro ng hapon nakabanatay na ko sa labas ng bahay o di kaya minsan nakadungaw sa bintana. Basta pag pumatak na ang 4pm kailangan nasa labas na ko. Baket? Secret. Hahahahahaha ;)))))
"Creselde, hija pakiabot mo nga yung pangbayo ko." sigaw na sabi ni Mama habang nasa kusina sya.
"Ihhhhhhhhhh, kayo na po." ayaw kong umalis dito sa kinauupuan ko. Dahil pag umalis ako mamimiss ko ang kalahati ng buhay ko.
"Nakung bata ka talaga." walang nagawa si Mama, siya na lang kumuha ng pinapakuha nya sakin.
Alam nya kasi pakay ko dito ee. =)
Tiis tiis lang kahit kinakagat na ko ng mga insekto dito. Ayan na sya O,o My gahd. Kailangan kong umayos ng upo.
"Magandang hapon Creselda." Bati nya sakin. Okay pwede na kong himatayin dito, grabe lang. Ang gwapo talaga nya. Shet na tae (Ovo)
"Magandang hapon din sayo." kailangan umayos ako. Dapat hindi nya mahalata na kinikilig ako. Waaaaaaaaaa!!!
Si Rocky ay isang pilot. Yea, though hindi ka nakapag aral as long as dito ka sa probinsya namin tumira magiging instant Pilot ka. Yung mga umaakyat sa Buko to check their Tuba (Alak mula sa Buko) . Ang gwapo talaga nya.
Araw araw tuwing hapon ganito ang routine ko. Andito lang ako sa labas pag alas kwatro na ng hapon kasi ganitong oras sya umaakyat sa tapat ng bahay namin. Ang saya ko lagi. Pero one time naghihintay ako sa labas, wala parin sya. Hmmmp, siguro naTraffic. Haha ;)
"Pumasok ka na dito, magdidilim na." sabi ni Mama.
Haynakow, napano kaya yon? Tsk, hindi kumpleto araw ko na hindi ko sya nakita T.T ;( ;( Nakakalungkot. Ahuhuhuhu!
Kinaumagahan, hapon ulit. Yessss! Sana naman ngayon umakyat sya.
"Hi Selds." nakangiting bati nya. FTW!! Nakakalerki to.
"Loww! Bat wala ka kahapon?" fc ako ee. Nope. We're friends talaga. Long long long time crush ko sya since birth. Charot! He's my Elem and H.s Classmate. Sana Meant to be kami. Hihihi.
"Pinuntahan ko kasi si Mae." whaaaaaaaaaaaaat???? Hindi sya umakyat sa Buko kahapon kasi pinuntahan nya yung Bff ko? T.T Oh my godddd!
"Ahh," sabi ko na lang. Pero ansaket nun ha?
Pumasok na lang ako sa loob. Di ko kaya! Y.Y
"Alam mo Selds, lagi kong nakikita si Rocky sa bahay nila Mae. Nanliligaw ba sya?" ano raw? Pekk. Naglalakad kami ngayon ng H.s friend ko papuntang bayan. Napadaan nga kami sakanila. Huhuhu, she's right. Andun pala si Rocky. Bago sya umakyat ng buko samin dumadaan muna sya kila Mae. Wala ng pag-asa ;((((((
"Tigilan mo na kasi kakaantay mo sakanya. Di nya deserve girl."
Pag naaalala ko yung tawanan at ngiti nila Rocky habang kasama si Mae nadudurog yung puso ko. Ang sakit talaga. Alam naman kasi ng bff ko na super severe crush ko si Rocky. Tapos ano? Susulutin nya? Rawr!
"My God. Anong nagyari?" andito kami ngayon sa hospital. Sinundo kasi ako ni Mae. May emergency daw. And Cheese and Fries, nahulog daw si Rocky mula sa inakyat nyang buko T.T
"I'm sorry." sa sinabi ng doktor na yon alam ko na kung anong ibig sabihin nya. Kaya kaagad na kong tumakbo papasok sa loob.
"Rocks?" humahagulgol na ko. Shit, naabutan ko pa syang nag aagaw buhay. Lumuluha sya.
"Selds, mamimiss kita. Yung pag antay mo sakin tuwing alas kwatro."
"Ano ka ba! Mas mamimiss kita. Kasi wala ng aakyat don na Rocky na aabangan ko. Kaya please, lumaban ka. Please."
"Sorry ha? Kung puro bati lang ako sayo. Nahihiya kasi ako sayo ee."
"Please, love kaya kita. Wag mo kong iwan."
"Mahal na mahal din kita selds." pagkatapos nyang sabihin yon. Wala na, tuluyang binawian na si Rocky ng buhay Y.Y nakakalungkot lang kasi parehas pala kami ng nararamdaman. Pero nag kakahiyaan lang kami.
"Alam mo Friends, nagpapatulong si Rocky sakin na ligawan ka. Kaso nahihiya talaga sya na sabihin yon sayo."
"Huh? Kaya ba lagi syang nasainyo?"
"Oo. Ang torpe kasi nun ee."
huhuhuhuhu! Awwwww, Maga na mga mata ko. Di ko tanggap na wala na kong aabangan tuwing 4pm na babati sakin na may matamis na ngiti T.T.T.T.T.T.T