Ito ang unang beses kong magpunta sa ganitong lugar. Wala namang ganito sa isla namin sa Cebu. Dumagundong ang malakas na tugtog mula sa bar na iyon. Marami ang nagsasayawan, ang iba naman ay umiinom lang sa couch.
"Tara na, Tiana." Tawag sa akin ni Hollister. Iginaya kami ng isang lalaking nakauniporme papunta sa aming table.
Marami na rin akong nakikitang lasing na mga nadaanan namin.
Sinilip ni Holly ang kanyang orasan. "11 palang, ah? May lasing na?"
What does she mean by that? Ibig sabihin, maaga pa ang 11 para sa ganitong lugar?
Puro mga magkakaibigan o kaya naman ay mga couple ang mga naroroon. Samantalang kami ni Holly, dalawa lang. Niyaya niya ako dito nang malaman niyang hindi pa ako nakakapag-try.
Mayroon pa kasing photoshoot si Margo sa Batangas kaya mamaya pa ang uwi nito. Baka ay susunod nalang ito kapag nakauwi nang maaga.
"Here, ma'am..." Nakangiting itinuro nito ang isang table na may couch. Kaming dalawa lang dito?
"Tara na, Tiana." Excited na sabi ni Holly. Umupo kami at inabot ng lalaki ang menu.
Tinignan ko ang paligid, habang si Holly naman ay nag-oorder ng kung ano na hindi ko naman maintindihan.
"Dito ka ba palagi, kapag weekends?" Tanong ko kay Holly na ngayon ay sumasayaw na sa aking tabi.
"Yup!" Sagot niya.
"Tayo lang ba dito?" Tanong ko.
"Pupunta sila Silas ngayon. Ipapakilala kita sa friends niya." Nakangiting sabi nito. Si Silas ay ang kanyang nobyo. "Pero ito, okay. Men will be men. 'Wag kang sasama kahit na kanino sa kanila. Okay? Kahit alam kong mababait sila. Even the guys in here. Iisa lang ang mga gusto niyan."
"Ano lang ang gusto nila?" Nakakunot noo kong tanong.
"Sex." Halos isigaw niya iyon. Napanganga ako. The thought that people here only want that is crazy!
Nilingon ko ang paligid at naalalang wala naman palang makakarinig sa amin, dahil bukod sa malakas na music, preoccupied din ang mga tao dito.
"Ano ba yan!" Reklamo ko.
Tumawa si Holly. "Some go here for fun, para makalimot, or what. But mostly, it's sex."
"Eh tayo? What are we here for?" Tanong ko.
"Sex." She answered with a straight face. Pinanlakihan ko siya ng mata. What!
"What?! Kung ganoon, Holly. Uuwi na ak-" I said, nagbabantang tatayo na. I'm not here for that! I may be a wanderess, but I never tried to explore sex! Explore love, marriage, and then sex. Dapat ganun ang pagkakasunod-sunod nun.
"I'm just kidding, Tiana! You think I would let you?" Natatawang sabi nito at hinila ako pabalik sa upuan. "Don't get out of my sight. Margo will kill me!"
Now I'm thankful for Margo and Holly. Kung wala siguro sila ay masyado na akong mangmang. I would be so lost.
Dumating na ang inorder ni Holly na drinks. Inabot niya sa akin ang isang basong aniya'y hindi naman malakas ang tama. I took it and I tried to drink from it.
"Oh my God!" Sigaw niya at agad hinila sa akin ang baso. "Namumula ka kaagad, Tiana. Baka malasing ka!"
Ito ang unang beses kong uminom. I don't know yet if I get drunk easily. Nararamdaman ko din na medyo umiinit ang sikmura ko, pati ang mukha ko.
Tumawag si Holly ng waiter at umorder ng tubig. Binigay niya iyon sa akin at pinainom.
"Wag ka munang uminom. Hindi pa kita natatatantsa sa inuman." Sabi nito habang hinahawakan ang likod ko. "Margo will get mad at me."
BINABASA MO ANG
Code Blue (Isla Reina Series)
RomanceGentiana Verna Agabos was born and raised in a small island in Cebu. She had no idea what life was outside the island... and she wanted to know. Hindi siya kagaya ng magulang niya na kuntento na sa maliit nilang bayan. Gentiana, unlike her sisters...