Sorry (one shot)
"Ang gwapo niya talaga. Hayyy." sabi ko habang nakatingin sa picture ni Andre sa may cellphone ko.
"Alam kong gwapo ako pero hindi mo na kailangan ilagay pa sa cellphone mo yang picture ko." sabi ni.
Ni.. O__________________________O
OHMYGOSH. >//////////<
Tumayo ako sa upuan ko at tinago ko yung cellphone ko sa bulsa ko. "Ahh,hehe. H-hindi naman ikaw yun eh. S-si.." naghahanap ako ng pwedeng ituro ko na lalaking classmate ko. "S-si. Ah, si Angelo yon!" sabi ko.
"T-talaga?" sabi niya habang nakatingin siya sakin ng masama.
"O-oo naman noh! Haha."
"Malabo akong magkacrush sayo. Tandaan mo yan." sabi ni Andre sakin tapos ay u-umalis na siya.
Gusto kong umiyak kaya lang bakit naman ako iiyak? Hindi naman masamang umasa diba? Diba? Hindi naman? Masaya naman ako ng tinitingnan ko lang siya eh.
Ngumiti ako ng parang walang nangyari, ng parang walang narinig. "Hayy. Okay lang yon. Cheer up!" sabi ko sa sarili ko.
Eto na naman ako, nakatingin na naman sa may picture niya sa may cellphone ko. Ang gwapo niya talaga kahit kailan. Tsk.
"Amy! Amy!" sabi ni Yvette sakin, ang bestfriend ko.
"Oh? Bakit? Anong nangyari?" tanong ko.
"S-si.. Si, Andre!"
"Bakit?! Anong nangyari kay Andre?!"
"S-si Andre!" ulit niya.
"Ano ba kasi yun? Ano bang nangyari?"
"M-ma-" hindi niya maituloy tuloy yung sasabihin niya kasi naman sobrang hingal na hingal siya.
"Anong ma? Umupo ka nga muna at magrelax ka." sabi ko kaya naman pinaupo ko na siya dito sa may tabi ng upuan ko.
After 3 minutes bumalik na siya sa dati.
"Oh ano na yun?" tanong ko.
"Si Andre-" hindi niya natapos yung sasabihin niya kasi may sumingit na epal.
Ay mali! Hindi pala epal. Isang gwapong nilalang na galing sa langit at bumaba sa lupa para mahalin ako. >/////< Si Andre.
"May gagawin tayong project sa Physics." panimula niya habang nakatingin ng malamig sa aming lahat, ganyan na talaga ata siya eh. Pero okay lang, mahal ko padin siya. ^__^
"Pair activity to." ohmygosh, sana siya ang makapair ko. "At ako ang magpapair sating lahat."
From <333333333 to </////////////////3
Malabo ng kami ang magkapair. Asa pa ako. Tsk. Ayaw niya nga sakin eh.
Haha. Diba nga sabi niya malabo siyang magkacrush sakin.
Tumayo ako. "CR lang po ako." pagpapaalam ko kay Andre, ayoko ng mga ganitong scene. Yung tipong, hindi ka pipiliin ng taong mahal mo pag mga ganitong pagkakataon.
"May isang tao na mawawalan ng partner." sabi niya ulit, hindi man lang pinansin yung paalam ko kaya naman huminto ako.
Nakakainis. Naiiyak na ako. Oh ano ka ngayon, Amy? Maniniwala ka pa ba na hindi masakit ang umasa? Ano ka ngayon? Alam mong ayaw niya sayo bakit kailangan mo pang ipagpilitan ang sarili mo sakanya? Tanga mo, grabe!
"CR lang po ako, Mr. President." sabi ko ulit kay Andre.
"Any volunteer kung sino ang gustong magisa nalang?" tanong niya ulit sa klase.
Hindi na naman ako pinansin. Pahiyang pahiya na ako. Naiiyak ako sa sakit ng
ginagawa niya sakin. Ano bang nagawa ko at sobrang ayaw niya sakin?
"Ako nalang!" sigaw ko na ikinagulat ng buong klase pati nadin ni Andre.
Inis na kasi ako eh at the same time nasasaktan ako.
Tiningnan ako ni Andre. "Except for you, Ms. Yazon." sabi niya.
"Bakit? Bakit hindi ako pwedeng magvolunteer na magisa nalang ako?
Ang unfair naman non, Andre. Ako na nga lang yung-" hindi niya ako pinatapos.
"Dahil partner mo na ako." sabi niya.
"What?!" tanong ko, partner ko na siya? Ibig sabihin ba non crush din niya ako? O dahil top 1 lang ako dito sa room namin? Ano ba talaga, Andre?!
Mahirap magassume.
"Partner mo na ako." ulit niya ulit sakin.
"Anong ibig sabihin non, Andre?" tanong ko sakanya na naluluha na ako. Naiinis ako kasi, sobra ko siyang mahal pero parang wala lang sakanya.
"Hah?" tanong niya sakin.
Tuloy tuloy lang ang luha ko. Bakit? Kasi feeling ko ang tanga tanga ko. Feeling ko, sobra akong umasa sa wala. "Andre, mahal kita." diretso kong sabi sakanya, wala akong pakeelam kung malaman na ng buong klase namin kahit na nasa akin na lahat ng atensyon nila.
Ang mahalaga malaman niya ang nararamdaman ko.
"Sorry, Amy." sagot niya sakin.
BOOM! Hindi talaga magbabago ang sagot niya. Kahit kailan, kahit saan. Oh, ano ka ngayon Amy? Aasa asa ka tapos ngayon iiyak iyak ka.
Pinilit kong ngumiti kahit na sunud sunod ang patak ng mga luha ko. "It's okay.
I understand you, Andre." sabi ko tapos ay nagsimula na akong maglakad palabas sa room namin dahil sobra na akong nakakahiya.
"You don't understand, Amy." pahabol na sabi niya, hindi ako humarap sakanya kasi ayaw padin tumigil ng mga luha ko. Tumigil ako sandali at sinabi kong. "Naiintindihan kita Andre. You don't have to worry."
Bago pa ako makalabas ng tuluyan sa room namin ay nagsalita na naman siya.
"Sorry, Amy." ulit niya.
Hindi na ako sumagot at tuluyan na sana akong lalabas kaso ay nagsalita na naman siya.
"Sorry Amy...
pero mas mahal kita."
*************************************************************
A/N: Hahahaha! Wala lang kasi akong magawa eh. Hahahaha! Sana nagustuhan niyo! Mwah!
--yanareid <3
************************************************************
Dedications:
AnimeOtaku22 ItsMehAngie blingblingnoona515 mrsbeabean AlexandraDanielleCa8
************************************************************************************************************
Mwah! Leave a comment and vote! :*