Chapter 3

Nasa impyerno ba ako? Bakit ang daming halimaw. Bakit ba sya nandito sa building namen.

"Amber Lee saan ang daddy mo?" May authority nyang tanong.

"Kala ko ba magkakasama kayo sa impyerno, bakit ako ang tinatanong nyo?"

Bigla nalang nya akong binunggo. G*go yun ah! Aray ang sakit. Yun?Yung mokong na yun? Sya si Eugene . May ari ng KaFamily Entertainment. At ang KaFamily ent.ang pinakamalupit na kalaban ng KaFamily pagdating sa music industry.

"Amber! Oh ano? nag eenjoy ka bang maging girlfriend ko? "

"Ikaw na alipunga ka, wala ka ba talagang magawa sa buhay mo? Wag mo nga akong idamay dyan sa mga katarantaduhan mo! Magsalita ka sa media, sabihin mo ikaw may kasalanan kaya tayo napicturan!"

"Anong sinasabi mong kasalanan ko? Ikaw nga tong nakalunok ng fake braces !"

"Eh kung di mo ako tinulungan edi sana hindi tayo mahuhuling magkasama!"

"Alam mo kung nagpasalamat ka na lang edi tapos ang usapan!"

"EDI SALAMAT!"

"BAKIT KA SUMISIGAW?!"

"WALA! TRIP KO LANG!"

Tinulak ko sya. Nakakainis. NakakaBV. Una,dahil rumors about sa AMIN ni DECEM. Pangalawa, nasermonan nanaman ako ni tanda. At pangatlo, nakita ko ang hinayupak na si Decem. Wala naman akong balat sa pwet pero kung lumapit sa akin ang malas parang close kami.

 Papasok na sa na ako sa eleveator. Aish. Naasiwa ako sa presensya ng ulupong na to. Lakad Amber. Nagwalk out nalang ako. Baka makasapak ako ng kapre.

Lalakad na sana ako ng may humila.

"ANO BA?!" ako.

"Bakit ikaw ang magwowalk out? " nakaisang hakbang palang sya ay inabot ko ang tenga nya at piningot.

"Hep.Hep. "

"Aray. Bakit ba?"

"Daanin natin sa matino at matalinong pag uusap. Sa matalinong pag uusap naten idepende kung sino ang dapat mauna mag walk out." ako at nagcross arms.

"Sige. Matino at Matalinong pag uusap."

Nagkatinginan kaming dalawa at...

"BATO BATO PIK!!" sabay pa kami. At ang resulta..

Amber  Paper  vs. 4 fingers Decem

"OY! ANO YAN?! BAKIT GANYAN?!"

"Eto? Tss. Bago toh. D-dinagdag to ng imbentor sa laro. Tawag dito...uhm PAMAYPAY!Oo..tama .Pamaypay. Talo ka!"

" At pano ako natalo aber?!"

"Papel sayo ,pamaypay sakin. Ginamitan kita ng pamaypay lilipad yung papel. OH! BOOM VANESS. Panalo ako!"

"Ooopss. Hindi pwede hindi ko alam yung pamaypay na yan na nadagdag. Ulit!"

"Alam mo buwisit ka. Malinaw naman na panalo ako uulitin pa."

"Akala ko ba matinong usapan."

Nagsukatan kami ng tingin...

"BATO BATO PIK!"

Amber : pinky finger ang nakalabas vs. forming zero fist ni Decem

"Ano yan?! Bakit ganyan nanaman ?!"ako

"eh yan ano yan?!"sya at tinuro turo yung kamay ko.

"teka? ako una nagtanong ha!" ako

"Eto lobo as in balloon ,eh yan?!"

On-screen Lovers [Yoona-Siwon Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon