Part 2

11 0 0
                                    

Patrick's POV

2 years ng  nakalipat dito si Jinnie  sa Manila, at 2 years na rin kaming ganito.  Lagi kaming magkasama, lagi ko siyang hinahatid at sinusundo from school. Kilala na rin niya ang family ko pati kilala na rin ako ng family niya. Hindi naman sila humahadlang sa amin at masaya kami pareho pero lagi sila nagsasabing wag kalimutan ang pag-aaral at alam na rin naman nila na boyfriend ako ni Jinnie.

Kasama ko ngayon ang bestfriend kong si Angela, babaeng-babae name niya pero boyish siya. Lagi nga kami nun naglalaro ng basketball eh, pero ang totoo may boyfriend na yun XD. Pareho kasi yung schedule namin ngayon kaya nagpasya kaming sabay na maglunch. Kumakain ako ng favorite kong pesto ng biglang may humalik sa pisngi ko.

" Hi babe. Kamusta araw mo?.. Oh Hi ate Angela!" Hmm si Jinnie pala, buo na araw ko! Haha! Naamoy ko na naman yung scent niya, bango bango. Tumabi siya sa tabi ko at may dala na rin siyang lunch.

" Ayos lang naman! Wala ka ng klase?" tanong ni Angela kay Jinnie. Halos magkaclose na rin yang dalawang yan eh. Minsan pa nga, sila lagi ang magkasama, nakakselos tuloy! haha biro lang. Nakakapagtaka rin dahil sumabay sa amin ngayon si Jinnie, usually kasi, nauuna kaming maglunch.

" Haaay nako! Absent si Prof Mel, may sakit daw sabi eh. Kaya nag-early lunch na ako" sagot nito habang binubuksan ang sandwich niya. Wag kayo, may kanin pa yang kakainin! Matakaw talaga si Jinnie kahit kailan! Haha! Wala naman kaso sa akin yun, saya nga eh, nakikipagsabayan siya sa katakawan ko. Pero hindi naman siya tumataba kaya ayos lang sa kanya.

Nagkwentuhan pa kami halos at nauna na si Angela kasama yung boyfriend niya. Since kaming dalawa nalang ni Jinnie, nagpapasyahan namin na maggala muna, wala na kasi siyang klase, ako mamaya pang 6.

" Lika, may pupuntahan tayo. Mag-diditch muna ako ng class. haha" sabi ko at hinila na siya papunta sa kotse ko.

" Saan ba tayo pupunta? Medyo malayo layo na tayo sa Manila ha!" sabi naman nito. Nasa dakong express way na kasi kami. Ngayon ko na naisipan ipakita sa kanya yung suprise ko.

" Basta. Matulog ka na lang diyan. Gigisingin na lang kita pag nandoon na tayo" sabi ko naman sa kanya.

" Okay fine. Baka kidnappin mo ako ha" bumungisngis siya pagkatapos. Tumawa na lang ako at natulog na rin siya sa tabi ko.

Nakarating na kami sa La Union, Pangasinan. May rest house kasi kami doon, mismong tapat lang nung dagat.

" Jinnie, Jinnie, wake up! Andito na tayo" tinatapik tapik ko pa mukha niya, tulog mantika to eh xD. Napangiti na lang ako sa itsura niya eh.  Ayaw talaga magising oh! Sarap ng tulog. I kissed her nose, cheeks, eyes, and lastly, her sweet lips.

" Ay anak ng kabayo! Tsansing ka ha!" sabi ni Jinnie sa akin at tumawa. Kinilig naman siya, pulang-pula yung mukha eh.

" Asus! Gusto mo naman. Lika na, Andito na tayo. Baba ka na" sabi ko naman. At bumaba na kami pareho.

"Woooow!!! Ang ganda dito! Asan tayo babe?" tanong nito habang nag-iistretch ng katawan.

" La Union to be exact. Tara dun sa may bahay, rest house namin." Hinatak ko naman siya papunta doon sa house. Pumasok na kami sa loob ng bahay at tinawag si Manang Lusing, nagtext na kasi ako sa kanya na pupunta kami.

" Ang ganda naman dito. Patrick naman,, kung balak mo ako pikutin, di na kailangan! Sasama naman ako sayo ih" sabi nito, binunggo pa yung bewang niya sa akin. Kiniss ko na lang yung forehead niya at ngumiti sa kanya. Tumawa naman siya at hinampas ako sa braso. Sadista talaga oh.

" Aray naman!" sabi ko habang hinihimas yung braso ko. Ngumiti lang siya sa akin tiningnan yung kabuuan ng bahay.

" Manang Lusing, pakihanda naman po ng kwarto ko pati ung guest room, dito na po kami matutulog." sabi ko kay Manang, sila na kasi yung nagbabantay ng rest house, pumupunta lang kami dito pag vacation.

" Ala'y sige sige. Naghanda ako ng makakain ninyo. Hala'y pumunta na kayo sa hapag-kainan, maraming niluto ang asawa ko. At panigarudo'y mabubusog kayo. Ay siya sigi na" sabi nito.

Dinala ko siya sa dining room, at bumabaha nga ng pagkain. Akala mo may fiesta.

" Wala munang diet diet ngayon ha." sabi ni Jinnie, habang nilalagyan ng pagkain yung plato ko. Dumating naman yung asawa ni Manang Lusing na si Mang Lucio at ang apo nitong si Denver.

" Ay sumalo po kayo sa amin, mas maganda po pag marami ang kasalo. Upo ho kayo" yakag naman ni Jinnie sa kanila. Hindi naman sila tumanggi, at naki-upo na rin sa amin.

" Heto po si Jinnie, Mang Lucio. Tapos siya si Denver, apo nila" Pagpapakilala ko sa dalawa. At sumalo na nga ang mag-asawa at ang apo nito.

Halos 2 days rin kami sa La Union, nagswimming kami, naglaro at marami pang iba, at isa iyon sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Magmamake-up class na lang kami ni Jinnie pagkabalik namin ng Manila.

" Kayo ay mag-iingat ha" bilin sa amin ni Manang Lusing. Babalik na kasi kami sa Manila, dami namin aasikasuhin.

" Oh eto, nagpadala pa ako ng mga pasalubong para sa inyo" sabat naman ni Mang Lucio at binigay sa amin ang isang basket.

" Maraming salamat po " sabi namin ni Jinnie

" Babalik po kami ulit " sabi ko naman sa mag-asawa at ngumiti kay Jinnie.

Nagpaalam na kami sa mag-asawa at nagbiyahe na pauwing Manila.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Haluu!! Please vote and coment :P

xoxo

Pbashy

She was like a WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon