Chapter 4

20 3 0
                                    

STEVEN’S POV

Pagka-hatid k okay Dearly sa unit niya agad akong bumalik sa condo ni Rex para sunduin ang 3 kulokoy dahil alam ko lasing na lasing na ‘yung mga yun.

Tama nga ako.

“pst hoy gising na Arnold tayo dali!” sabay tapik sa ulo nito

‘yung dalawa si Jae Min at John sige parin sa kanta kahit hindi mo na maintindihan ang salita

Si Rex, wala pa ring kupas kahit medyo tipsy na ay hindi pa din nawawala sa kantinuan at hindi pa bumabagsak.

Sinamantala ko ang pagkakataon

“uhm pare?”

“oh pare ano yun?”

“pare, pwede ko bang makuha number ni Dearly?” nahihiya kong sabi

“osige sige pare, no problem. Matagal ko ng sinsabi na reto kita doon eh ikaw lang ang may ayaw” sabay tapik nito sa balikat ko at abot ng cellphone niya sa akin.

“pare, you look good. Halos di kita nakilala” pahabol nito. Shit Rex ang bading mo

“salamat pare, una na kami.. its good to see you”

Palabas na ako ng pinto, nauna na sa labas yung 3 lasing na.

“at pare….. salamat. Alam ko di ka pa lasing, beterano ka kaya sa pag inom haha pero

Thank you kasi ano.. ako nag hatid kay Dear” pahabol ko.

“ahahaha kaibigan nga kita.. ang bading mo pare. Wala yun basta aalagaan mo siya”

Hinatid ko na sa bahay nila Jae Min yung tatlo na kailangan ko pang kastiguhin para lang magising sa kalasingan nila.

Nandito na ako sa unit ko

1am na pala

Nag dadalawang isip pa ako kung tatawagan ko si Dear o hindi

Pero gusto ko siyang makausap, marinig ko yung boses niya bago ako matulog at maaya siyang lumabas.

Ugh naguguluhan ako

I called.

Saglit lang kaming nag usap

And good thing pumayag siyang lumabas kasama ako. Ilang beses ko din pinagpraktisan ang sasabihin ko at balde baldeng confidence ang inipon ko maaya lang siyang lumabas

Nagtataka ba kayo kung bakit bigla bigla ko na lang siyang inaya o nagig interisado ako sa kanya?

Noon pa gusto ko na siya……..highschool pa lang kami

Sinundan ko siya hanggang college, nung nalaman kong sa St.Johnston siya mag aaral

Doon din ako nag enroll. Para akong stalker sa kanya, nahihiya akong lumapit sa kanya

Una sa lahat, sikat siya at sobrang ganda kaya maraming nagkakagusto sa kanya

Pangalawa, wala akong laban sa mga umaaligid sa kanya kung hindi model, varsity o kaya naman anak ng pulitiko.

Last year nalaman kong naging sila nung Charlie na ‘yon, parang nadurog ang puso ko nawalan ako ng pag asa…..lalo

Ilang araw din akong nagpakalasing noon at nag isip-isip

At napag desisyunan na kalimutan na lang siya dahil magugustuhan ba naman niya ang kagaya  ko?

Geek and very old fashioned, shaky at very uncomfortable gumalaw dahil im lacking of confidence.

Simula highschool ganito na ako buti na lang ay naging kaibigan ko pa sila Rex, na noon pa man sikat na at pinagkakaguluhan na ng mga chick.

I changed.

Binago ko ‘yung pananamit ko I even hired a personal shopper para alam kong nasa uso at ayos ang porma ko, ayos ng buhok ko ang dating kachupoy ngayon waxed na.

Tinapon ko na yung glasses ko, I wear contacts now.

Doon nagsimula ang lahat.. girls are starting to notice me

Lalo silang dumami nung napasali ako sa banda ng pinsan ko, ako ang lead guitarist.

Nakalimutan ko na si Dearly. Iba’t ibang babae ang nakakasama ko

Araw-araw iba ang girlfriend ko.

Naguguluhan ba kayo bakit naging masungit ako sakanya nung nagkabangga kami?

Acting lang yon. Dahil noon na lang ulit kami nag kita dahil nga iniiwasan ko na siyang makita sa loob ng isang taon. Pero that day? Hindi ko alam kung bakit ganoon pa ang pag kikita namin.

Sinupladuhan ko siya dahil hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko

Gusto ko na agad makaalis sa sitwasyon na yon.

Akala ko nakalimutan ko na siya, akala ko ayos na ako

Akala ko sabay nang pag babago ng itsura ko,porma ko, buong sarili ko

Sabay na rin yun ng pag kawala ng nararamdaman ko para sa kanya.

LAHAT pala yun ay akala lang.

At kung sinuswerte ka nga naman, dumating si Rex at nagkayakagan na mag inuman sa unit niya

At alam ko, mag kikita kami ni Dearly doon.

Hindi alam nila Jae Min na may gusto ako kay Dearly kaming dalawa lang ni Rex ang nakakaalam non.

Dumating na nga siya, hindi ko magawang pansinin siya

Hindi ko alam ang ikikilos. Nanahimik lang ako sa isang gilid

Lalo siyang gumanda

Haay hanggang kalian ba ako aasa mula sa malayo? Bakit hanggang sulyap na lang ako sayo?

Dadating ba yung panahon na mamahalin mo din ako?

“kailangan mo ng kumilos Steven” yan na lang nasabi ko bago ako makatulog.

A chance in love (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon