para kong t*nga dahil gusto ko siyang patigilin.. nagbago ang isip ko... may part sakin na gusto kong itigil.. pero sa tingin ko.. mas malaki yung part na.. gusto kong ipatuloy sa kaniya.. naguguluhan ako sa sarili ko.. magkahalong takot at lungkot ang nararamdaman ko.. sana mali ang iniisip ko na sabihin niya.. mahina ako sa ganito.. ayaw kong husgahan si Josh.. mahal ko siya.. may tiwala ako sa kaniya.. pero..
"sige.. si Josh kase.. may nililigawan sa isa Varsity ng volleyball ng school natin.. ayokong banggitin ang pangalan niya dahil ayoko ng gulo.. inaasahan ko sa'yo na magiging mahinahon ka lang.."- gusto ko siyang bugbugin dahil sino bang magiging mahinahon kung yan ang malalaman mo!? Abnoy ba siya!?
may nililigawan ang boyfriend mo!? my god!? what the hell right? pero kilala ko si Josh.. loyal siya sakin.. ganun ang pagkakakilala ko sa kaniya simula palang.. kaya ko nga sya nagustuhan ehh.. tumigil ang pangingilid ng luha ko.. dahil sa tingin ko nagjojoke lang 'tong isang 'to.. mabatukan nga..
"Aray!"-angil niya sakin.. "ba't mo ko binatukan!?"-siya...aish! "nagtaka ka pa noh! ba't ka ba nanloloko diyan? inutusan ka ba ni Josh na mag joke sakin kase nakita nya ko dito? dahil sinuway ko ang pagpapauwi niya sakin? pwede ba? paki sabi sa kaniya hindi effective.."-sabi ko sa kaniya.. may halong biro ang pananalita ko para di obvious na hindi ako okay.. nababahala pa din ako.. kahit papano..
"hey girl.. wake up! nagsasabi ako ng totoo.. kaya ka niya siguro pinapauwi na nang maaga dahil ayaw niyang masilayan mo ang moves niya para dun sa babae.. Josh is a popular basketball player.. everyone knows na girlfriend ka niya.. kaya siguro nakarinig din ako ng mga chismis about you na kawawa or something.. and for pete's sake!? magloloko ba ang itsurang 'to!? hah.. sabihin mo nga!"-sigaw niya sakin.. madali lang yan sagutin.. :D da’t di na niya tinanong.. gusto ko isampal sa kaniya na…
"OO!"-diretsahang sagot ko.. napatawa na lang ako .. :D iiwan ko na siya. inayos ko yung gamit ko at nilagay ko na ang cellphone ko sa bag.. aalis na ko.. pupuntahan ko na si Josh sa tambayan nila.. tumayo na ko.. nagulat ako ng ..
"huwag kang umalis.."-hinawakan niya ko sa braso.. masakit pero nung tignan ko siya.. niluwagan niya ang pagkakahawak.. naging seryoso ang lalaki.. sa ngayon..
sa tingin ko nagsasabi siya ng totoo.. pero I need to trust my boyfriend.. siyang mas dapat kong pagkatiwalaan kaysa sa mokong na ‘to.. tsaka imposible naman ang pinaparatang nito.. hindi niya magagawa yun.. hindi magagawa sakin ni Josh yun.. alam ko..
magsasalita palang sana ko eh nagsalita na sya.. naunahan na nya ko..
"im serious girl.. kung ayaw mong maniwala sakin, sumama ka nalang.. want proof? then come with me.."-huh? t-totoo na ba talaga yun? may pruweba na ehh.. pero wala na kong nagawa.. nahatak na niya ko.. go with the flow na lang ang nasa isip ko.. lutang na siguro ako ngayon.. sana naman wala akong makita.. :(
nakatulala akong sumusunod sa mga yapak ng kasama ko.. hindi ko alam kung san kami pupunta.. kinakabahan ako.. ayaw ko ang ganitong klase ng pangyayare sa buhay ko.. dati takot akong magmahal dahil ayaw kong masaktan.. kaya nga mabait ang gusto ko ehh.. duwag ako.. oo..
di ko na namalayan na andoon na kami.. sa tambayan ng mga volleyball player na babae.. yung mga luha ko kanina biglang bumalik sa mga mata ko.. parang niyanig ang buong pagkatao ko… I don't know what am I going to do.. nanginginig ako.. nanlalambot ang tuhod.. eto yung mga naramdaman ko nang magtapat sakin si Josh... pero ngayon iba na ang dahilan..
ang pagtatapat sakin ng kaibigan niya tungkol sa pagkakaroon ni Josh ng babae.. hindi ko inaasahan 'to.. di ko akalain na magagawa niya ang ganitong bagay.. ni minsan hindi sumagi sa isipan koi yon.. eto pala ang dahilan kung bakit hindi niya na ko pinpansin at umiiwas siya sakin.. ang sakit sakit sa dibdib.. parang ang hirap huminga.. T-T
BINABASA MO ANG
Tadhana ( ONE SHOT )
Teen FictionAkala ko nung una, ang tadhana ang daan para magkalapit ang dalawang nagmamahalan. Akala ko, siya ang daan para makamit ang forever na hinahanap ng karamihan. Pero... may broken destiny pala.