Kiss me

119 0 0
                                    

"Hannah!" Nakangiting tawag sa'kin ni Kuya Elgine.

"Kuya Elgine!" Pabalik na bati ko. Si Kuya Elgine ay ang crush ko. Isa siyang accountancy student at walong taon ang agwat namin, 26 years old na siya. Kakakilala lang namin at masasabi kong mabilis ang progress ng friendship namin.

Lumapit siya sa'kin at pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"Aray naman po," masungit na sabi ko. Tuwing magkikita kami ay ginagawa niya 'yun, hindi ko alam kung bakit pero sobra akong sumasaya kapag ginagawa na niya.

Tinawanan niya ako at ginulo ang buhok ko.

"Grabe ka talaga kuya." Inayos ko ang buhok ko na ginulo niya.

"... -lang masyado," pabulong na sabi niya.

"Ano po?" Hindi ko kasi naintindihan yung huling sinabi niya.

"Wala. Uuwi ka na ba?"

"Opo kuya."

"Hatid na kita," nakangiting sabi niya.

"Eh?" Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko inasahang mangyayari 'to. Ni hindi nga ako umasang magkikita kami ngayong araw. Nandito kasi ako sa shop nila, nakikibalita lang dahil halos ilang buwan na simula n'ung tumigil ako sa pagpapart time dahil nagsimula na ang klase. At kahit na pagmamay-ari nila itong shop, hindi naman siya palaging napapadaan dito.

"Tara na." Hinila niya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa nakaparadang motor niya. Binitawan niya lang ang kamay ko n'ung sumakay siya sa motor.

"Sakay ka na rin."

Medyo hindi pa nagsink in sa'kin ang mga nangyayari kaya napatulala pa ako. Natauhan lang ako n'ung tinawag niya na ang pangalan ko.

"Hannah," naghihintay na sabi niya sabay tapik sa upuan sa likod niya.

Lumapit ako sa kanya at humawak sa balikat niya para makasakay sa motor. Pagkaupo ko ay nagdadalawang isip pa ako kung kakapit ba ako sa kaniya o hahawak sa handle na nasa may dulo ng upuan. Naresolba ang maliit na problema ko nang kinuha niya ang dalawang kamay ko at iniyakap ang mga ito sa bewang niya.

"Ayan, d'yan mo ilagay. Kumapit kang mabuti ha?"

Biglang bumilis ang kabog sa dibdib ko. Uminit ang pakiramdam ko, at pinagpapawisan ako. Tinablahan din ako ng self-consciousness.

Ilang minuto ang byahe papunta sa'min at sa mga minutong iyon ay nakangiti ako habang masayang naaamoy ang pabango niya.

Pagkababa ko sa motor ni Kuya Elgine ay bigla akong nanghinayang sa nawalang body heat. Nahihiya ako dahil kung ano-anong bagay ang naiisip ko kanina kaya n'ung nagpasalamat ako ay nakatingin lang ako sa paanan ko.

"Salamat po kuya, ingat ka sa pag-uwi."

Ginulo niya ang magulo ko nang buhok kaya tiningnan ko siya ng masama. Tinawanan niya lang ako bago nagbusina at umalis.

Kinagabihan ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga nangyari.





Pagkagising ko ay malapit nang mag-alas otso kaya nagmamadali akong bumangon para maligo. 8:15 kasi ang simula ng service sa church na pinupuntahan ko, doon din pumupunta si Kuya Elgine at ang pamilya niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FetishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon