Partners in Crime

707 27 2
                                    


Partners in Crime

"Kumusta?"

"Maayos naman,"

"Is it clean?"

"Yes."

"Good." Nakangiti kong sabi at saka tumayo. "Have you eaten?" tanong ko habang naupo naman siya sa sofa.

"Kumain na ako bago ko tinapos ang trabaho," sagot niya habang hinihilot ang sintido.

"Gusto mo bang masahe-in kita?" tanong ko.

"Sure!" natutuwa niyang sagot at saka dumapa sa pahabang sofa.

Kumabayo naman ako sa likod niya at dahan-dahan kong hinaplos ang likod niya. Marahan lang sa una hanggang sa dinidiinan ko ito. Napapaungol siya kapag natatamaan ko ang masakit na parte nang likod niya. Ungol na may halong sakit at sarap.

"Sa baba pa," sabi niya at agad naman akong sumunod.

Nagbaba ang mga kamay ko papunta sa balakang niya. Hinilot-hilot ko ito. Napapansin kong nare-relax na ang katawan niya kaya muli kong inangat ang mga kamay ko papunta sa ulo niya. Marahan kong minasahe ang ulo niya at bahagya kong dinidiinan gamit ang buhok niya.

"Ah! Ang sarap niyan. Sige pa," ungol na naman niya kaya lihim akong napangiti. Sunod kong pinunterya ay ang sintido niya pababa sa batok niya.

"Parang bigla akong nagutom," wika niya nang matapos ako.

"Gusto mo initin ko ang pagkain?" tanong ko.

"Gusto ko sana fresh," sabi niya.

Napabuntong hininga ako at kasabay nito ay ang pagtingin ko sa orasan.

Pasado alas onse na. May pagkain pa kaya lalo na't uso na ang curfew? Marahil ay wala nang tao sa labas.

"Bukas na lang tuloy," sabi niya nang mahalata niya ang pag-aalangan sa mukha ko.

"Hindi. Ayos lang. Ayaw kong nagugutom ka, eh," makahulugan kong sabi sa kanya at agad siyang napangiti.

"Mahal mo talaga ako?" tanong niya.

"Mahal na mahal!" masaya kong sagot.

"Sige, sasamahan kitang maghanap nang pagkain ko. Parners tayo, 'di ba?" wika nang bestfriend ko.

"O-oo naman!" sagot ko. Nakangiti kong sagot kahit sa loob ko ay hindi lang iyon ang gusto ko sa kanya. Hindi lang partner at bestfriend ang gusto ko sa kanya. Mahal ko siya higit pa sa kaibigan.

"Kung ganoon, tara na."

Binuksan ko ang pintuan at kasabay nito ay ang unti-unting paghihiwalay nang pang-itaas niyang katawan sa kanyang pang baba. Umalpas ang kanyang itim na pakpak na nagtatago sa likod niya maging ang matatalim na ngipin niya.

"Sampa ka na sa likod ko para makalipad na tayo," wika niya.

Masayang yumakap ako sa likod niya. Amoy na amoy ko ang mantikang ipinahid niya kanina sa katawan niya. Amoy na amoy ko ang dugo nang buntis sa katawan niya.

Manananggal si Mariya. Pero wala akong magagawa kasi mahal ko siya.

Pero pakshit lang kasi friend-zoned ako nang manananggal.

-THE END-


I first posted this short-story on facebook last year.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Penless inkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon