KPL - Chapter 1

13 0 0
                                    

Naalipungatan ako ng may narining akong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Ma'am kath, gising na po." Tawag ni manang Lucy sa akin.

Napatingin ako sa orasan. 8 am pa ng umaga, eh sabado ngayon walang pasok. -___-

"Manang ang aga-aga pa po wala naman pong pasok ngayon eh." Sabi ko habang nagya-yawn. :O

"Pinapagising po kayo ng daddy niyo at sabay po kayong mag-uumagahan ngayon dahil aalis raw siya ng maaga." Sagot ni manang.

Napabangon ako ng wala sa oras. Naeexcite ako dahil minsan ko lang makasabay kumain si Daddy.

"Okay po. Saglit lang. Pakisabi nalang kay dad baba na ako." Masayang sagot ko kay manang.

Masaya ako dahil kahit man lang sa breakfast makakasama ko si Daddy. Pero nalulungkot ako kasi aalis na naman siya. Kadarating lang niya kagabi tapos aalis agad? Hayys. Simula ng mamatay si Mommy lage nalang subsob sa trabaho si daddy. Okay lang sana kung meron akong kapatid. Eh, ako lang nag-iisang anak. Grabe! Ang saya ng buhay ko. Halata masyado no? :D

Hoy Kath, wag ka ngang mag-eemo diyan di bagay sayo. Magmadali ka na at hinihintay ka ng daddy mo.

Sabi ng isang utak ko.

Oo na! Wag ka nga jan! -__-

Sagot ko naman sa isang utak ko, parang baliw lang? Haha. Nagmadali na akong mag morning rituals at dalidaling bumababa. Nakita ko si dad sa dining table nagbabasa ng news paper. Lumapit ako sa kanya.

"Good morning dad!" Masigla kong sabi sa kanya at kiniss ko sa cheeks.

Umupo ako malapit sa kanya.

"Good morning princess! Namiss ko prinsesa ko ah!" Sabi naman ni Daddy.

Gabi na kasi siya dumating kaya hindi kami nakapagbonding.

"Namiss ko po rin kayo dad, sobra! Aalis ka na naman dad?" Medj malungkot na sabi ko.

"Kailangan kong magtrabaho anak eh, alam mo naman yun dba? Sooner or later magiging sayo rin naman lahat ng ito anak. Kailangan ko lang talagang asikasohin ang kumpanya natin para di tayo malugi at tsaka wag ka ngang nakasimangot diyan. Di bagay sayo, ang panget mong tingnan. Hahaha." Mahabang paliwanag at may nakakalokong dinagdag.

Ang sama nito. -__- pero grabe ang cool pa rin niya despite of his ugly face I mean serious face. Haha. Kahit alam kong hindi maganda ang huling sinabi niya. Hmp! Maganda ako no! Haha

"Eh! Daddy naman. Maganda kaya ako!" Sabay *pout*.

"Sino namang nagsabi na panget ka?"

"Eh, kasasabi niyo lang po kanina! Huhuhu. I hate you dad!" Kunwaring pagtatampo ko.

"Hahaha. Joke lang anak! Ikaw naman di ka naman mabiro. " Lumapit si daddy sa 'kin at kiniliti ako.

"Pftt! HAHAHAHA. Da.. Daddy tama na po! Nakikiliti ako."

Huminto si daddy at hinalikan ako sa noo. Oh how i miss my dad. Ganito kami kasweet ni dad. Inggit kayo no? Strict daddy niyo no? Haha :p

"I love you princess. Ingatan mo palagi sarili mo ha?" Bilin ni dad.

"I love you too dad." And I hugged him tight.

Pagkatapos naming kumain. Nagpaalam si daddy na aakyat dahil aasikasohin niya ang mga dadalhin niya sa France. May company kasi kami dun na kailangan niyang asikasohin. Makalipas ang ilang oras ay bumaba na siya dala mga bagahe niya.

"Manang Lucy, ikaw na bahala kay Kath ha." Bilin niya kay manang.

"Opo sir." Sagot naman ni manang sa kanya.

"Anak, wag pasaway kay manang. Aalis na ako. Dito ka nalang wag mo na ako ihatid sa airport wala ka kasing kasama pabalik. Ingat ka parati." Bilin naman ni dad sa akin.

"Okay po daddy! Kayo rin po! Wag masyadong magpapagod!" Mangiyak ngiyak na sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Matapos magpaalam ni daddy ay naiwan kaming dalawa ni manang Lucy. Sabado ngayon, ano gagawin ko? Movie marathon mag-isa? Nah, para akong tanga pagnagkataon. Hmmm, may naisip ako mag malling nalang kaya kami ni bestfriend? Ah. Tama, maitxt ko nga.

To: Bestfriend <3

Psst! Besy, san ka? Gala tayo sa MOA. La ako magawa sa bahay, kaalis lang ni daddy. Nalulungkot ako grabe. :'((( Chos! Haha :D

After 5 mins. nagreply na si besy ko.

From: Bestfriend <3

Bahay. Okay besy. Mayang 4 pm. Mag-aayos na muna ako ng kwarto ko. Tawagan nalang kita maya kung san tayo magkikita. Okayyyy? Tyl.

To: Bestfriend <3

Okok besy. Gege. Take your time. :)))

Tiningnan ko oras mag-aalas dose pa lang ng tanghali. Manonood nalang ako ng It's Showtime pampalipas oras.

Kung Pwede Lang..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon