"Lakad nanaman , hay naku kung hindi ko lang kailangan talagang mabawasan tong tabang to eh,"
At sa may madilim na eskinita ,
"AWW AWW AWW AWW,AWW"
"Potek , pagtinamaan ka nga naman ng malas ,hala palapit na ang aso ,TAKBO !!!!"
Hindi nyo pa pala kilala ang babaeng tumatakbo.
Ako nga pala si Tiffany E. Mays ang matabang si tiffany , hindi naman matabang mataba medyo chubby , as in maraming fats sa katawan.
Ang babaeng insecure sa katawan pero tamad mag diet , eh bakit ba pakilam nyo kung ayaw kong mag diet eh sarap kayang kumain sabi nga nila walang tumatanggi sa grasya . Pero Isang araw naramdaman ko nalang na parang pabigat ng pabigat ang timbang ko kaya ako ito araw araw naglalakad para kahit papano ay nababawasan yung mga fats ko ,
Pero ito ako ngayon tumamatakbo sa abot ng aking fats power
'Ha.... lumayo kang aso ka , tsupi tsupi, sabing alis ang daming mantika na ang nawawala sa katawan ko alis na " patuloy na sigaw ko habang tumatakbo at nakatingin sa likod .
"Bugggssss!!".
" Ano ba!!! , tanga ka ba " .
" Aray!, ".
"Baboy , kaw ba yan ?" tanong ng lalakeng nasa harapan ko.
" jazel nung ginagawa mo dito, malas malas , patay yung aso palapit na ,, haaaah".
" oh shit!!'.
sabay hawak sa akin ni jazel at sabay na nakitakbo .
" Bakit ayaw tumigil ng aso "
" Aba ewan ko tanong mo sa kanya baka sagutin ka " sabi ko sa kanya
" Potek , laki mo kasing hamon eh kaya hinahabol nyan sarap mo daw kasing kainin "
"Letse , tumahimik ka tumakbo ka na nga lang "
Nakita kong nakatingin sya sa akin at nakatitig sa tyan ko tapos ngumiti ng nakakaloko .
" Ba't , nakangiti ka dyan,".
"Ppiling ko kasi nalindol eh ".
Gusto ko na syang sapakin nung sinabi nya yun kaya lang nasa emergency situation kami .
"Haaaaaaaah".
Narinig ko nalang na sumigaw sya at huminto ,lumapit dun sa aso sabay bato ng hawak nyang bola hanggang sa narinig ko nalang na ngumiwi yung aso banaman sakto sa ulo ng aso yung bola.
"Bakit, ngayon mo lang ginawa yun sana hindi na tayo napagod sa katatakbo hah".
" Ba ngayon ko lang naisip yun kasalanan ba yun ng utak ko , mahirap kayang magrespond ang utak tuwing nasa emergency".
Pinagmasdan nalang namin yung aso na tumatakbo palayo sa amin.
Sobrang hapong hapo talaga ako naubos yata lahat ng fats power ko at halata din kay jazel ang pagod dahil halos maligo na sya sa pawis nya. Dumeretso kami ng lakad para pumunta sa pinakamalapit na park na nandun saka kami umupo at nag pahinga sa isa sa mga bench dun .
" Grabe sobrang napagod ako dun ".
" Ano ba kasi ang ginagawa mo dun?".
BINABASA MO ANG
A ChUbby love
Teen Fiction"baboy" ang pinakakaasaran na salita ni tiffany at lalo na kung sinou ang madalas na nagsasabi sa kanya nito si jazel ang kababata nya , pero behind that word isang malaking sikreto ang nakatago at si jazel lang ang nakakaalam .