Jazel the devil

49 0 0
                                    

Naglalakad ako sa hallway sa school papunta sa school council office actually hindi ako parte school council pupunta ako dun dahil wala lang , gusto ko kasing makita si Miko , si Miko na gwapo , Miko na mabait ,Miko na matalino , Miko na inspirasyon ko ,Miko na mahal ko (ako lang nakakaalam nun, chuzz)

ang Miko my love ko . katitingin ko sa office nila na bukas ang pinto, hindi napansin na may tao pala sa harap ko at ....BOOM nabangga ko

  "Awww"

  "Ay sor...." si miko my love nasa harap ko.

  "Hala sorry , nasaktan ka ba" pagaalala ko.

  "Ahh hindi naman" tapos ngumiti sya sa akin piling tatalon ang puso ko (relax heart wag agad pakamatay kailangan pa kita) nginitian ko din sya

  "Tiffany right"

  "Ou Tiffany nga ang name ko " Wahhhhhh alam nya ang name ko gusto na talaga tumalon ng puso , alam kong namumula na ako kaya yumuko ako wag ipakita sa kanya ang pamumula ko

kaya lang........... nakita ko yung name tag sa id ko na may nakalagay na malaki at bumabalatay na TIFFANY( ayan masyado kasing assuming tanga ka talaga tiffany , laki kaya ng pangalan mo sa id ) kaya nawala ang ngiti ko .Nung itinaas ko ang mukha ko nakita kong hahampasin ako ni miko my love ng notebook sa sobrang bigla ko napasigaw ako.

"Aaahhhhh".

Ng dumilat ako nakita ko na nasa kama ako at nakahiga panaginip lang pala yun pero ..... ramdam na ramdam ko na may humampas sa mukha ko ng igilid ko yung mukha ko nakita ko si jazel na may hawak na notebook hindi agad ako nakapagreact

Loading......

Ibinalik ko sa kisame ang pagkakatitig ko saka ko lang naisip na .......

  "JAZELLLLLLLL" gagong to hinampas ako ng notebook habang tulog ako. Tumayo ako sa pagkakahiga at kumuha ng maiihampas sa kanya at unan ang nakuha ko pero agad din syang nakakuha ng unan na maiihapas din sa akin.

"Kala mo hindi ako makakaganti sayo siraulong baboy ka".

"Bitawan mo ko "  sigaw ako ng sigaw habang hawak nya ang balikat ko at sinubsob habang hinahampas ng unan pero nakahanap ng tyempo at nakatakas sa pagkakahawak nya at inupuan ko  sya sa tyan at dahil sa bigat ko hindi sya nakaalis sa pagkakahiga habang hawak ko yung unan ay hinampas ko ng hinampas ang mukha nya.

  "Tifa , jazel tama na yan !! "sigaw ni tita liezel.

Kaya napatigil Kami sa bugbugan.

"Tifa bumangon kana , alas nuebe na ng umaga magalmusal ka——na,"0________0 napatigil ito ng makita nya itsura naming dalawa, hawak ko parin ang unan sa ere, oh siyete ang panget ng itsura namin nakaupo sa tyan nya habang nakawide ang mga hita ko . Sa sobrang gulat ni jazel napatayo ito bigla kaya ako nahulog sa kama ko.

           ☆ミ ☆彡☆ミ ☆彡

JAZEL POV

"Bwisit talaga, ang sakit ng pagkakabato ng notebook sa mukha ko"

Bukas nga mabwisit yung babaeng yun.

Makakaganti din ako sayo.

Habang nakatingin ako sa picture frame na may larawan namin nung bata pa kami. Saka ko hinagis ang notebook na ginamit sa pagbato sa akin.

♥♡♥♡

A ChUbby loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon