Kailan (One Shot)

69 0 0
                                    

NO PART OF THIS STORY IS REPRODUCED IN ANY FORM, (SUCH AS SOFT COPY) WITHOUT THE PERMISSION FROM THE AUTHOR.

Thank you! :)

P.S. Pasensya na po sa mga typo errors at sa mga wrong grammars.

-Kokey <3

---

"Bakit kaya nangangamba 

Sa tuwing ika'y nakikita 

Sana nama'y magpakilala 

Ilang ulit nang nagkabangga 

Aklat kong dala'y pinulot mo pa 

'Di ka pa rin nagpakilala"

~~

Ako si Lexie Summer Santos, ipinanganak ako bago mag summer, kaya summer ang naging pangalan ko. :)

~

Tuwing nakikita kita, bumilis agad ang tibok ng puso ko. Ang lakas talaga ng epekto mo sa akin makita lang kita halos mamatay na ako sa kilig, para na akong na sa alapaap, ikaw kaya? ganun din ba ang nararamdaman mo. Napangiti ako ng maisip kong ganun din ang nararamdaman mo sa akin pero parang imposibleng mangyari yun,gwapo ka kasi eh kaya ang daming nagkakagusto sayo, at isa na ako dun.

Dumaan ka na sa harap ko, schoolmate tayo since elementary kaso di tayo nagiging classmate, di ka pa rin nagpapakilala? Napa buntong hininga na lang ako. Nagkabangaan pa nga tayo nung high school pa tayo eh natatandaan mo ba? ako kasi tandang tanda ko. Tapos pinulot mo pa yung mga aklat kong ang dami, bookworm kasi ako eh. Nagsalubong ang ating mga mata nun kaso parang wala lang sayo samantalang ako halos mangisay na sa kilig, nginitian mo pa nga ako nun eh. "Sorry" yan ang sabi mo sa akin bago ka umalis sa harapan ko, kung hindi pa ako mabubugo nung nerd naming classmate hindi pa ako babalik sa katinuan ko eh, napatulala kasi ako sayo. Ano ba? Kailan mo ba ako mapapansin? Kailan ka ba magpapakilala?

Stalker mo na nga ata ako eh. Kasi naman araw araw kitang sinusundun minsan nga nakakapag-cutting classes na ako kaka-sunod sayo eh, tapos may araw pang umuulan nabasa tuloy ako hindi man lang kita nasundan nung pauwi ka na, pati yung mga libro ko nabasa. Pina-tuyo ko na nga lang yun sa araw nung kinabukasan eh, binilin ko pa nga sa kapatid ko yung mga libro na yun para masundan ulit kita. Para na akong tanga na sunod ng sunod sayo pero di ko pa rin ako napapansin. Manhid ka ba?

Bakit ka ba umiiwas? wala namang gasgas ang aking mga binti, o sadyang paranoid lang ako. Ikaw kasi eh di ko mawari kung ano yang mga iniisip mo masyado kang misteryoso na laging naka ngiti.

Isang araw lalapit sana ako sayo kaso bigla ka na lang umalis at nagpa alam sa tropa mo na may pupuntahan ka, bakit ka umalis? gusto ko lang naman magpakilala sayo eh. Alam mo dito sa puso ko, naka tanim na ata ang pangalan mo eh. "Mahal kita John" bulong ko sa hangin nang minsan nagpunta ako sa burol, ang ganda dito kita mo ang buong bayan, lalo na tuwing gabi, kita ang mga city lights. Mahal kita John, pwede na ba akong magpakilala? Di ka naman kasi gumagawa ng move, kaya ako na lang ang gagawa.

Kailan ba? kailan mo ba ako mapapansin, lahat ginawa ko na pero wala pa rin sayo, hindi mo man lang ako pinansin. Nakaka asar ka na, pansinin mo naman ako oh. Mukha na akong tanga dito na lalapit sayo pero ikaw todo iwas ka naman, ano bang ginawa ko sayo? mahal lang naman kita eh, ako lang ito si Summer. Si Summer na may gusto sayo, si Summer na baliw sayo, si Summer na ordinaryong babae lang, at si Summer na mahal na mahal ka.

Kailan (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon