One ♥

21 0 1
                                    

Ako si Kels. Ako yata ang pinaka-hopeless romantic sa aming magkakaibigan. Lagi kong nababanggit sa mga kaibigan kong gusto ko ng magkaboyfriend. Feeling ko kasi, ang saya-saya magkaroon ng boyfriend. Hindi ba? Kaso simula nung mabroken-hearted ako noon sa isang lalaking hindi na dapat pangalanan pa, let's say, pinaasa ako, pinaramdam sakin na special ako, pero never umamin ng feelings niya, never na akong nag-stick sa isang crush. Kaya halos hindi nila malaman kung sinong aasarin sa akin. Naniniwala kasi ako na mas maganda pag marami kang crush, kasi, hindi ka nafo-fall. Hindi ka nag-aassume. Hindi ka nasasaktan. Tapos. Kaso binago yun lahat ng isang tao. Si Prince.

Thursday ngayon at isa lang ang subject na papasukan ko. I don't like the subject pero ginaganahan ako kasi doon lang yung subject na classmate ko siya. He caught my attention kasi kamukha niya yung crush ko dati. Although, they have the same physical features, pero mas mabait 'to. And approachable. Medyo maingay nga lang pero ayos na! Sayang lang kasi parang hindi nya ako napapansin. Never parin kaming nagkausap. Magkatabi kaming magkaupo ni Ela. Dalawa lang kasi yung kasya para sa isang table. Sinimulan ko ng gawin yung report namin for this day. Habang itong si Ela, busyng-busy sa phone ko kakalaro ng memory game. Break kasi namin, eh tapos na yung sa kanya kanina pa.

"Ahhhhh!!!!!!!!", bigla nya akong tinulak.

"ARAY! Uy! Napano ka?"

"Wait!!! Natapos ko yung Level 1, Kels!!!", tumawa akong bigla kasi malapit ko ng matapos ang game na 'yan, samantalang siya, Level 1 palang, ang saya-saya na. Bigla nya akong pinisil sa braso saka siniko.

"Huuuy. Nagsusulat a-", pagtaas ko ng ulo ko, dumadaan pala si Prince. Napanganga ako bigla, pero bumalik din ako agad sa pagsusulat. Baka mapansin nya pang tinitingnan ko siya.

"EHEHEHEHEHEHE", ganyan talaga ang tawa ni Ela. Ganyang-ganyan. Tinapik ko siya para tumahimik. Umupo si Prince na katabing table namin kasi kakausapin niya pala yung kaibigan niyang nasa likod na table niya. Well, sya lang mag-isa dun sa table. Tatabihan ko sana. Hehehehehe.

"Class, you should start the meeting with your groupmates para sa details ng report niya. Come on!", sigaw samin ni Mam habang pumapalakpak. Hmp, dapat yung mga groupmates ko ang pumunta dito. Hindi ako aalis. Hindi ako kumibo at patuloy na nagsulat.

"Miss.", mayroong kumalabit sakin sa katabing table. Pagtingin ko, si Prince. Parang hindi yata ako makapaniwalang kakausapin niya ako.

"Um, sino pa kasing mga kagroupmates natin?", ha? Eh, hindi naman tayo magkagroup eh. Nakatulala lang ako sa kanya. Parang may pumipigil saking magsalita.

"H-ha?", ang tangi kong nasabi sa kanya.

"Eh, hindi ba kita kagroup?", napapikit-pikit ako at sinisiguradong totoo yung nangyayari. Napa-iling ako dahil yun lang ang nakayang gawin ng katawan ko. Ginalaw ko ang isa kong kamay at saka tinuro si Ela. Si Ela kasi yung kagroup niya, hindi ako. Bigla niya akong ngitian at nagsorry.

Pagkatapos ng klase namin sa subject na 'yun. Halos hindi ako magkandamayaw sa kakakwento kila Ela at KC. With matching gestures pa at tili! Wala silang ibang ginawa kundi tumawa ng tumawa. Pero wala akong pakielam kasi nung mga oras na yun, pakiramdam ko, ako na yata ang pinakamasayang tao sa araw na 'to. Nalungkot lang ako ulit nang marealize ko na dadaan na naman ang isang linggo bago ko siya makita ulit.

Pagkalipas ng 1 week, Thursday na ulit. Last day na namin sa subject na'to before the sem ends. Sa wakas! Para akong mabubunutan ng malaking tinik sa lalamunan, pagkatapos ng araw na 'to. Oo, nga pala, at siguro, last day na rin na makikita ko siya. Maaga akong dumating sa classroom. Tatlo palang kami nang makapasok ako. Wala pa sila KC at Ela. Wala parin si Prince. Umupo ako sa dati naming upuan ni Ela pero umusog muna ako sa pwesto niya at nilagay ko ang bag ko sa tabi ko. Nagulat ako ng may biglang tumabi sakin. Pagtingin ko, si Prince. Nung una, hindi ako makapaniwala, pero ngitian ko rin siya.

"Hi.", sabi niya sakin. At nag-hello back ako. Bigla siyang may nilabas na folder sa bag niya. At inilapag sa table.

"Um, eto pala yung mga kailangan natin para sa report.", wait. Eto na naman ba tayo?

"H-ha?", hindi ko siya kagroup. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi niya akong napagkakamalang ka group niya. 

"Hindi ba kita kagroup?", hindi ako nakapagsalita. Naulit na naman yung nangyari last week. Iiling sana ako ng bigla siyang ngumiti at napatawa.

"Joke lang.", at sabay kaming tumawa. Akala ko, hanggang ngayon hindi parin siya pamilyar sa mukha ko. At bigla kaming nanahimik. Awkward silence.

"Sayang.", bigla niyang sambit.

"H-ha? Ang alin?", sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Na hindi kita kagroup.", we-wait? Gusto niya akong maging kagroup? Totoo ba 'to?

"Ba-bakit naman?", sabi ko habang tumatawa ng kaunti.

"Para...para lagi kitang nakakatabi. Tulad nito."

Hopia ng Life (3 Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon