Three ♥

16 0 1
                                    

Ako si Ela. A silent one pero kalog pagdating sa friends. Minsan suplada kaya walang nagkakagusto sakin, eh. Kahit yung mga crush ko, sinusungitan ko. Madami narin akong naging crush, pero tanda ko lahat, lahat serious. As in, I almost fell in love to each of them. Feeling ko nga, ex ko silang lahat. Pero itong recent lang, he really broke my heart into pieces. Siguro nga, tuluyan na akong nahulog sa kanyang bitag. But I never made a move. Kahit friendship, never kong tinry na kausapin siya. Parang okay na ako sa secret stare, pero hindi ko narealize na napag-iwanan na ako. Nagkagirlfriend siya. Feeling ko, nahulugan ako ng bola ng Jack's stone. Mga 1,000,000 na bola ng Jack's stone. Pero nakapagmove on din agad with the help of my friends. Janjaran!!! Thanks to them. Sabi nila, dalawa lang daw ang ideal man ko. It's either talented o matalino. End of story.

Napagdesisyunan namin nila KC at Kels na magstay sa isang study table near the gym. Break kasi namin and wala kaming klase sa susunod na 2 subjects. Since, wala kaming magawa, pinag-usapan nalang namin yung gagawin naming project para sa major subject. Di namin narealize na napunta na kung saan-saan yung mga usapan namin at nagsimula kaming magtawanan ng magtawanan. Napansin kong may tao sa likod ko kaya napatingin kami. Si Kuya Jelo. Yung matalino sa course namin. May itsura kaso di kagwapuhan. Ang pagkakaalam ko, graduating na siya this year.

"Pwedeng makishare?", hmm? Nagpalinga-linga ako sa paligid. Ang dami ngang tao. Um-oo agad sina KC at Kels. Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang notebook niyang dala.

"Wala yata kayong klase?", sabi niya habang binubuklat-buklat ang nag-iisa niyang dalang notebook.

"Hmm, oo, Kuya. Dapat nga may dalawa pa kaming klase kaso wala yung mga prof.", sagot ni KC. tumango siya.

"Wait, habang nagkukwentuhan tayo, magsusulat lang ako.", kinuha niya yung ballpen niya sa bulsa. At nagsimulang magsulat. Right-handed kaso kakaiba humawak ng ballpen. Bigla niya akong tinignan kasi napansin niya yatang tinigtignan ko ang bawat galaw niya. Binaling ko bigla ang tingin ko kay KC na nasa harap ko. Naramdaman kong ngumiti siya.

"Nga pala, Ela. Anung sabi ng parents mo doon sa nakuha mong award sa scriptwriting?", natanong na rin ni KC, ikukwento ko na. Sumali kasi ako last month sa scriptwriting contest. Interschool lang pero nagchampion ako at ang daming gustong humiram ng piece ko for their films. Biglang tumaas ang ulo ni Kuya Jelo na parang nagulat sa sinabi ni KC. Bigla siyang napatingin sakin at tinitigan ako mata sa mata.

"Hmm? Ikaw yung nagchampion sa scriptwriting category nung fair?", napangiti ako at biglang tumango.

"Nice! Nice!", iniabot niya yung kamay niya para makipag-highfive. At nakipaghigh-five naman ako. Ang weird niya. Nakita kong sinisilip ni Kels yung sinusulat ni Kuya Jelo sa notebook niya.

"Wow, Kuya. Patingin nga.", iniabot sa kanya yung notebook at parang kinikilig-kilig itong si Kels.

"Para kanino 'to? May nililigawan ka, Kuya, ano?", tumawa siya at um-oo. Binasa ni Kels ang ilang lines nung sinusulat niya. Oo nga, nakakakilig. Siguro, kung crush ko yung magbabasa niyan para sakin, maglulupasay talaga ako sa kilig.

Wala kaming ibang ginawa kundi tumawa ng tumawa sa mga corny niyang jokes. Minsan pinractice niya pa kung paano siya haharap pag tinawag siya ng nililigawan niya. At pinractice niya yun sakin. Nung mga oras na tumama yung mga mata niya sa mata ko, may naramdaman akong kakaiba. Parang gusto kong tumili o ano, pero dapat, keep it cool, Ela. Keep it cool. Infairness, cute pala siya.

Narinig naming tumunog yung phone niya. Pagkabasa niya, nagsimula siyang magpaalam. Parang ayoko pa siyang paalisin. Gusto ko pang pahabain yung usapan namin. Feeling ko hindi ko na siya makakausap ulit pagkatapos nito. Natapos ang lahat ng yun nang umalis siya sa table namin. Nilinga-linga ko pa yung paligid para sundan siya ng tingin pero hindi ko na siya makita. Simula ng araw na yun, I, therefore, conclude, na crush ko na siya.

Ilang araw din bago ako nakatambay ulit sa study table kung saan yun nangyari. Nung time na bumalik ako, mabibilang mo lang sa daliri mo ang tao. Ako lang mag-isa kasi umuwi na sina KC at Kels. Biglang lumapit sakin si manong janitor.

"Ineng, pinapabigay nung lalaki dito kanina.", inabot niya yung isang pirasong sunflower at isang note.

"Bilib ako sa lalaking yan. Araw-araw, nandito. Araw-araw ka yatang inaabangan.", nagulat ako sa sinabi ni Manong. Sinong lalaki yung sinasabi niya? At binuksan ko yung note.

"Hi, Ela.

I'm sorry, I won't be there today. I'll have my defense for my thesis. Once you have read this, you have motivated me again sa gagawin ko. Again, kasi you motivate me everyday. ♥

-Jelo"

Hopia ng Life (3 Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon