March 6 sa taong hindi ko na alam at wala na akong pakialam...
Hay nandito na naman ako paupo ulit ha.. Oh! 'wag kang magreklamo may gusto lang akong sabihin sa'yo. 'Wag kang sasabat ha! As if namang makasagot ka.ha-ha. Under ka kaya sa akin eh!Ok stop na nga seryoso na.
Ok ganito kunyari ngayon lang tayo nagkakilala
"Hi ako nga pala si Camille." Sabay lahad ko ng kamay ko sa ere. Aish! Hindi ka na naman sumagot ganyan ka naman eh!
"Hi I'm Lenard" Sagot ko sa sarili ko. K ako na baliw. he-he-he
*sigh*
Eto na talaga sana hindi ka mapagod kahit paulit-ulit ko nalang tinatanong at sinasabi ito sa'yo ha.
Tanda mo pa ba? Nung grade six tayo nung sinabi mo sa akin na liligawan mo ako sa tamang panahon? Yung pasasayahin mo ako? Yung iingatan mo ako at ituturing na parang prinsesa? Yung sa sobrang saya ko niyakap kita at nasabi ko pa sa'yong gusto kita? Tanda mo pa ba? siguro Oo. Siguro Hindi ano bang malay ko? Pero higit sa lahat tanda mo pa ba nung pagkagraduate natin ng grade six, kung gaano ka kadaya? Na iniwan mo ako? Na pinaasa mo lang pala ako sa wala? Tragis ka Lenard ang sakit kaya! pero kinaya ko kasi ginusto kong paniwalain ang sarili ko. Gusto kasi kita ay mali Mahal kasi kita, dati pa.
***
Tanda mo pa ba? Bumalik ka nung third year na tayo? Grabe sobrang saya ko sabi ko sa sarili ko sa wakas bumalik ka na, sa wakas binalikan mo na rin ako. Pero ang daya mo lang talaga dahil ang sabi mo "Camille, May Girlfriend na ako" Tangna lang! Ang sakit ulit at parang hindi ka pa nakuntento ginawa mo lang naman akong Bestfriend mo! G@go ka eh 'di ko alam kung manhid ka lang ba o tanga ka lang talaga. Pero sinabi ko ayos lang. Ako yung naging takbuhan mo kapag may away kayo. Ayos lang kahit nagkakaroon lang ng TAYO kapag pansamantalang walang KAYO.Kahit gaano kasakit kinaya ko, tinanggap ko, kasi ginusto kong mapalapit ulit sayo kasi gusto pa rin kita ay mali na naman Mahal pa rin kasi kita kahit may girlfriend ka na.
***
Tanda mo pa ba? Nung summer pagkatapos natin grumaduate ng 4th year nagkasalubong tayo sa ospital. Nagpacheck-up ako no'n tinanong kita kung bakit ka nandoon ang sagot mo lang "secret" sabay ngiti. Andaya mo talaga para saan pa at magbestfriend tayo? Kahit anong pilit ko ayaw mong sabihin kaya di na kita pinilit may kasabihan nga tayo" 'wag pilitin ang taong ayaw baka pumayag." hehe ^_^V. Tanda mo pa ba? Nung summer ding 'yon naghiwalay kayo ng girlfriend mo at dahil sa akin kaya nangyari 'yon pero imbis na matuwa ako pinaiyak mo nanaman ako dahil nalaman kong may Alzheimer's ka at lahat ng pananakit na ginawa mo sa akin, yung pagsasabing may girlfriend ka na, yung paulit-ulit na pagkukwento mo ng love story niyo, yung pagpilit mo sa akin na makipag kaibigan sa kanya. At ang pagpapakita sa akin na mahal niyo ang isa't isa ay palabas lang pala. Lahat para sa kapakanan ko. Lahat kasi mahal mo ako.
Tanda ko pa yung mga katagang sinabi mo...
"Camille, I'm sorry mahal kita. Mahal na mahal kita kaya ko nagawa ang mga 'yon. Nung una natakot ako na 'pagnalaman mo kaawaan mo ako o mas lalo iwanan mo lang ako..."
"Pero naisip ko si Camille ka nga pala kaya alam ko sa sarili ko na kahit malaman mo ang tungkol sa sakit ko hindi mo ako iiwan kaya mas nahirapan ako at natakot ako na kapag nalaman mo mapapahirapan lang din kita kaya mas pinili kong saktan nalang kita habang mas maaga pa at sinabi ko sa'yong may mahal na akong iba..."
"Hindi madali 'yon alam mo ba? dahil sa tuwing nagkukwento ako ng tungkol sa kanya. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata mo dahil alam kong mahal mo pa rin ako, hindi naman ako manhid pero kailangan kasi eh..."
BINABASA MO ANG
Tanda Mo Pa Ba...?
Teen Fiction"Ano man ang kahantungan nito isa lang ang panghawakan mo at 'yon ay mahal kita at patuloy kitang mamahalin dito sa puso ko makalimutan ka man ng utak ko" -Lenard