CHAPTER 07

514 22 2
                                    

Truth.






Angelica's POV



Umupo muna ako sa may sofa ni Netisha habang inaantay ko siya na matapos magbihis. May nahagip ang mata na dalawang kahon sa may gilid.

Masyado akong nacucurious at masyado talaga kong pakialamera kaya lumapit ako at binuksan ko yung unang box.

ALARM CLOCK??!!!Wahahahaha Bakit may alarmclock dito? Mukhang pang isang buwang supply, maagap hahahahaha..

Binuksan ko naman ung isa. Unti-unting kumunot ang noo ko dahil sa pamilyar na simbolo na nakita ko sa black and blue na damit na hawak ko. Inilapit ko pa at pinagmasdan ng mabuti ang simbolo, may mga letra akong nakita na lalong nagpadami ng tanong sa utak ko. Bakit meron si Netisha nito?! Impossible! Impossible ang iniisip ko!

Bumaling ako kay Netisha na gulat na nakatingin sa hawak kong damit

"Ahmmm...A-ano- - -"

"Isha!!- -"

Mas lalo akong naguluhan ng makita ko si Master Rech.

Bakit siya nandito? Anong ibig sabihin nito?!



FLASHBACK



Nakilala ko si Master Rech sa isang daan kung saan nakita ko siyang may mga kalaban. Kilala ko ang maskara na suot niya, leader siya ng RDG Rank3 (Red Devils Gang).

Mabilis akong lumapit at tinulungan siya. Pero hindi niya inaasahan ang biglang pag-atake ng kalaban niya na sinadyang tanggalin ang maskarang suot niya. Mabilis niya namang nahawakan ang kamay nito bago pa makalayo, hinigit niya ito at sinalubong ng suntok saka niya hinawakan ang batok nito at tuluyang pinatulog. Tumba na ang lahat ng kalaban niya.

"Fvck!" Saad niya at bumaling sakin.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko at tinanggal din ang maskara ko.

"I'm Greenli leader of Good Evil Gang. Angelica Servidad is the name." Sinabi ko ang codename ko at ang tunay kong pangalan sa kaniya. Isa siya sa mga ini-idolo ko kaya wala akong pag-aalinlangang nagpakilala sa kaniya.

Pinagmasdan niya muna kong mabuti bago siya humakbang palapit sa akin at inangat ang kamay.

In Disguise of Nerd and GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon