Chapter 1

4 0 0
                                    

Beginning.


"Kuya guard sige na po! Ngayon lang naman po eh." Pag pupumilit ko. Pano na naman kasi naiwan ko ung I.D ko dahil sa pag mamadali.
Bwiset kasi si kuya eh! Late ba naman akong gisingin.

"Miss hindi nga pwede, Nakikita mo toh!" Sabay turo dun sa naka paskil na "No I.D, No Entry."

"Kuya guard naman eh! Ngayon lang naman po parang awa niyo na, nagmamadali kasi ako kanina kasi malelate na po ako,sige na po kuya guard papasukin niyo na po ako." Pag mamaka awa ko sakanya. Hayyyst! Bat ba kasi ang sungit ni Kuya eh! Ngayon lang naman eh.

"Naku Miss pasensya ka na talaga ah, Sumusunod lang ako sa patakaran ng school."
Patakaran, Mukha mo! nakuu kuya! pasalamat ka kalbo ka kundi nasabunutan na kita!

"Rhia!" ohhh look who's here! My beautiful bestfriend!

"Cait! Halika nga dito!" Agad naman siyang lumapit sakin na nasa harap padin ng gate ng school.

"Oh Rhia anong ginagawa mo dito? Bat dika pa pumasok hinihintay ka na ng Prof natin ah?" Tanong niya sabay tingin kay kuya guard.

"Cait, help me naman oh naiwan ko kasi ung I.D ko eh ayaw akong papasukin ni Kuya Guard na kalbo eh." Nag puppy eyes na lang ako baka sakaling maawa siya sakin.

"Ano bayan Rhia! Tigilan mo nga yang mga ganyang ganyan mo sakin ah! Di uubra yan."
Pinag patuloy ko lang ito hanggang sa mairita siya at tulungan niya na akong makapasok.

"Aishh! Ok Sige na nga! Kinikilabutan ako sa iyo eh." Yieeeee, Bait niya talaga kaya lab na lab ku yan eh.

Sinimulan na niya kausapin ung Guard at napapayag naman niya ito.

"Thank you Cait ah, di ko talaga alam gagawin ko pag wala ka dito." Ang swerte swerte ko talaga sa kanya.

Nginitian niya lang ako at nagsimula na kaming mag lakad papunta sa Room kung saan nadun na ang prof namin na ubod ng Bait.

Btw, bago ko pa makalimutan, ako nga pla si
Miracle Rhian Gomez but you can call me "Rhia" for short. Im already 18 years old.

Maputi o maitim? Opcourse Maputi.

Matangkad o pandak? Opcourse....... Ok pandak.

Mataba o mapayat?? Sexy malamang...

Single, Taken or Heartbroken?

Definitely........

Heartbroken.......

But anyway! Wag nyu ng tanungin kung bakit kasi wala rin akong balak na ikwento ito....

So ayun na nga nakarating na kami sa Room so as usual pagka dating namin nadun na ung Prof namin at ung iba ko namang mga kabatch mates may kanya kanya ding subject.
ung iba about sa Arts dahil makeup ng makeup kaya ayun muka ng coloring book mga pagmumukha nila.

Ung iba nag chichikahan at ung iba tulog.

"Ms Gomez, bakit late ka? i guess nag pahangin ka pa sa labas ano?" Nag tawanan naman ung mga kaklase ko at pati na rin si maam.

"P-po?" Nagtataka kong tanong sa kanila. Lumipat ang tingin ko kay cait at nakita ko din siyang tumatawa habang takip takip ang bibig niya.

"Cait,bakit? anong meron?" Agad niya namang itinuro ang buhok kaya napatingin na lang ako sa salamin ng cellphone ko.

Oh sht! Para akong bruha! yung itsura ng buhok ko ung parang nakipag sabunutan ako sa kalsada!

Agad ko namang kinuha ang suklay ko sa bag at nagsimulang ayusin ang sarili bago pumasok sa room.

"Oh ano Cait? maayos na ba? ok na ba ko? ano?" Tumango naman si Cait at hinatak na ako papunta sa upuan naming dalawa.

Nagsimula ng mag discuss ung Prof namin. Sa totoo lang, ang boring.

Ughhh! makatulog na nga lang.

Iniyuko ko ang ulo ko at ipinikit ng dahan dahan ang mga mata hanggang sa makatulog na nga ako.....

"I hate you!"

"You jerk!"

"How could you do this to me?!!?"

"Minahal kita! pero anong ginawa mo?"

"Miracle Rhian Gomez, Hindi na kita mahal.

"Tigilan mo na ko di na kita kailangan."

Dito na tuluyang tumulo ang luha ko ng banggitin niya ang mga salitang iyon.

Ang sakit. Ang sakit sakit isipin na yung taong Minahal mo ng sobra sobra siya pa ung kauna unahang mananakit sayo.......

"Ms Miracle Rhian Gomez!" May narinig akong sigaw malapit sa akin.

"Bakit?? kala ko ba ayaw mo na sakin?eh bat ngayon tinatawag tawag mo pa ako ha? kapal din ng mukha mo ah!"

"Miss Gomez? What are you saying?" Nagulat na lang ako ng inangat ko ng dahan dahan ang ulo ko dahil si Maam na pala ung nasa harap ko! Sht!

"Miss Gomez, late ka na nga nagawa mo pang matulog sa Klase ko!" Eh kasi po ang boring ng klase nyo po eh kaya natulog na lang po ako.

"Sorry po maam ang ganda lang po kasi ng Boses niyo eh, parang boses po ng anghel ang sarap po sa tenga eh." Palusot ko naman, sana gumana.
*Cross Finger*

"Alam mo Miss Gomez di uubra sa akin ung mga ganyan mo ha,kaya kung ako sayo makikinig na lang ako ano?"
Ok makikinig na ako kahit boring.

"Opo maam sorry po ulit." Sabay ngiti ko ng pilit kay maam

Dapak?!??? bat ako nanaginip ng ganun??

Author's Note:

Hello my dear readers! sana nagustuhan niyo ung Chapter 1 and i promise na sa bawat chapter na gagawin ko i will do my best.

~ whtbttfy🌹

Destined to be Broken (On-Going)Where stories live. Discover now