-ONE

20 0 0
                                    

CHAPTER ONE (Letter)

“Uyy Jad. Ano na? Kilala mo ba kung kanino galing yan? Nakilala mo ba yung hand writing?” –Sweet

Maya’t-maya nang tinatanong sakin yan ni Sweet. Naiirita na nga ako eh. Kasi naman, hindi ko magawa yung assignments ko at mga projects sa SSC  at Music Club at SLD Journalism dahil iniistorbo ako nang dalawa kong bestfriend! Napakabait talaga nila! Pagpalain sila ni God! Bwisit! >.<

Onga pala. I’m Jadey Love Rivera. 4th year highschool. At yung kasama ko nga pala, ay yung dalawa kong bestfriend. Si Jo Camille Lopez. Sweet ang nickname niya. Kasi yung ‘Jo’ sa pangalan nya ay ‘sweetheart’ kaya Sweet. Tapos yung isa naman, si Maica Anjeline Cruz. Bestfriends kami since Grade 6. Doon ko palang kasi sila nakilala eh.

“Uyy Jaaaaaaaad! Ano na?” –Maica

“For the nth time girls! I said, HINDI KO PA KILALA! Gosh! Andami ko pang ginagawa oh! Kelangan ko pa nang plan sa Music Club at SSC. Tapos kelangan ko pa nang article para sa SLD newspaper. Tapos andami pang assignments! Jusko! Pwede ba?! Mamaya na!” sabi ko tapos nag ayos nang gamit tsaka nag walk out.

Naiistress na ako! Andami kong iniisip! Andami kong gawain! First, yung black paper na nakita naming tatlo na hindi namin malaman kung anong meaning. Wala rin akong time para magtanong, dahil busy pa nga ako. Tapos yung gagawin kong project for this school year para sa SSC. Then yung sa Music Club. Kelangan may maiperfrom kami. Tapos yung sa school newspaper. Wala pa akong article! Wala akong maisip! Tapos yung assignment ko pa na story! Aish! Bakit naman kasi ang sipag kong bata eh! Kainis! >.<

Nagpunta ako nang library. Panigurado. Tahimik dun! Makakapg isip ako nang maayos. Walang mang gugulo. Magagawa ko ang mga dapat kong gawin! Buti nalang walang class! Pumwesto ako sa dulong pwesto. Wala masyadong tao. Inumpisahan ko nang sagutan yung ibang assignments ko. Para bawas gawain mamaya sa bahay. Nang matapos ko, nag isip naman ako nang gagawin kong article para sa news paper. Nakakainis, kasi walang pumapasok sa utak ko! >.<

Nakaka-20 minutes na akong nag iisip nang isusulat ko, pero wala talaga! Nakakaasar! Naooccupy kasi nung black paper na napulot namin eh! Ano kayang meaning nung nakasulat don? Kahit ako nacu-curios ako nang bongga don. Nakakakilabot nga eh. Kainis. Kanino kaya galing yun? Sino kaya nag sulat nun? Ano bang meaning nun? Sheez! Andaming tanong ang tumatakbo sa isip ko! Nasira kasi laptop ko kaya di ko na-search sa internet. Nag isip ako nang pwedeng pagtanungan.. At naalala ko, meron nga!

Pumunta ako sa pinagtatabayan naming kanina. Andun padin yung dalawang bruha. Mukang may kinababaliwan nanaman to. Kay lalantod talaga! Tsk =________=

“Hoy! Kalandian niyo!” sigaw ko sakanila.

“Sshh! Wag ka ngang maingay jan Jadey! Sasakalin kita pag umalis yang si kuyang Mysterious!” pagbabanta ni Maica sakin.

Grabe no? Ang babaet nang bestfriends ko. Mahal na mahal nila ako no? Sobra! -_____________-

Umupo nalang ako at tinignan din si kuyang Mysterious. Alam nyo ba kung bakit kuyang Mysterious ang tawag namin jan? Alam naman naming ang name niya. Ang name niya ay Dark Deyja Cortez. Isa syang gwapong nilalang. Sobrang sikat sya sa school. Classmate namin siya. Pero hindi namin siya ganun kakilala. Ang alam lang namin sakanya, yung pangalan niya. Bukod don, wala na. Wala rin siyang kaibigan. Madalas mag isa lang siya at tahimik. Matalino din siya. Nga-nga ako jan eh. Sobrang galing niya.

“Alam nyo, nahihiwagaan talaga ako jan kay Cortez” sabi ko habang tinititigan sya habang kumakain mag isa.

Ang weird nya kaya” dagdag ko pa. Tumingin naman yung dalawa sakin nang masama. “Oh Baket?” tanong ko sakanila.

La Mort et L'AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon