Chapter 1: Intruding His House

3.4K 35 2
                                    


Malakas na sumaladsad sa daan ang mga gulong ng kotse dahil sa biglaang pagpepreno ng taong nagmamneho dito.

Bumukas ang pinto ng kotse at apat na nagtatawanang magagandang babae ang naglabasan mula dun. Kapwa mga lasing na lasing pero buhay naman ang mga dugo sa kalukuhan.

"Hetoh nah! Hetoh na tayoh! Sole! Dali, lapit ka ditoh!"

Pasuray-suray at mapupungay ang mga matang lumapit naman ang tinawag na Sole. "Hoh? Bah..kit?!" malambing na pagkakatanong niya at ngumiti. Ngiti na kahit sinong lalaki ay kayang-kaya niyang akitin at pasunurin. Asset daw niya ang kanyang pagngiti at ang kanyang sexy at mapang-akit na mga labi ika nga ng mga kaibigan niya. Seductive lips kumbaga. Kahit hindi siya umimik o kahit nakapikit ang kanyang mga mata ay tila daw may sariling buhay ang kanyang mga labi na mang-agaw ng pansin at mang-akit ng isang lalaki upang siya ay halikan.

"Hetong bahay na to ang papasukin mo hehehe." anitong nakaharap sa malaking bahay na saktong tinigilan ng kanilang sinasakyan.

"Huwaaaaw! Gandaaa!"

"Ofcourse. Bahay lang naman yan ni Var Montefalco."

Bumukas ang pagkalito sa magandang mukha ni Sole. "Var -hano? Sino yun?"

"Bhasta! Ok, game na?"

"Game!" malakas na sagot ni Sole na parang batang handang manguha ng kendi sa tindahan ng hindi nahuhuli ng tindera.

"Ganyan nga! Fighting!" cheer naman ng dalawang pilit lang pinasigla ang tono dahil luluray-luray na ang mga katawan nitong nakayakap sa kotse nila at tila pa ay masusuka na ang isa.

Madali niyang naakyat ang pader ng bahay dahil na rin sa pag-alalay ng mga lasing niyang kaibigan.

"hihihi! Var Montefalco, here I come to stole a brief in your closet." humahagikhik na parang sirang ani ni Sole at pilit pinalaki ang nanliliit na mata para hanapin ang pinto papasok ng bahay.

Kung iisipin mo. Kung nasa matinong pag-iisip talaga ang dalaga ay hindi niya maiisip hanapin ang pinto ng bahay para pasukan kong talagang magnanakaw siya sa loob.

Kung wala naman sa tamang pag-iisip ang dalaga. Katangahan naman ang nasa utak niya ngayon para sa may-ari ng bahay na papasukin niya. Imagine, bukas na ang pinto wala pang mga guards sa paligid o kaya asong bantay. Ano yun? Naghihintay ding manakawan ang may-ari ng bahay?

"Hantanga-tanga ng Var na yun! Yaman-yaman walang guards. Di pa naglo-lock ng house. Tsh! Eshtupid!"

Nasa sala na siya ng may marinig siyang magsalita.

"Is this how your service works? Keeping your costumers waiting?" anang iritado at galit na tinig mula sa likod niya. "I knew I shouldn't trust Kalyf about this damn good-fuck service something. This is stupid. Naisahan ako ng gagu."

Humarap ang gulat at lasing na dalaga dahil sa boses na nasa kanyang likuran. "Hello." parang tangang bati niya ditong at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Who's der?" dagdag pa niyang tanong sa namumungay na mga mata at tabinging pagkakatayo na tila ay matutumba na siya anumang oras.

Matagal na napatahimik ang lalaking nagtatalak at ramdam
ng dalaga ang mainit na pagkakatitig nito sa kanya. "Hell! You're drunk."

Napahagikhik siya sa sinabi nitong di naman niya naintindihan. "Yeah. I'm hot and I know it." malayong sagot niya.

"The heck! The send me a fucking drunk woman?!"

Sasagot pa sana siya sa pinagsasabi nito ng tuluyan na siyang mahilo at mapapikit. Nakaramdam na lang siya natutumba na siya at nagdilim na ang lahat.

"Hey.. Fuck!" huling tinig na narinig niya bago tuluyang lamunin ang kanyang malay-tao ng kadiliman.

Halos hindi naman maipinta ang mukha ni Var sa nangyari. Sa laki ng ibinayad niya at sa tagal ng paghihintay niya ito pa ang nangyari. "Damn, Kalyf." mura niya sa kapatid na dahilan para mapapayag siyang magbayad ng malaki para lang sa isang gabing panandaliang aliw gayong kong tutuusin ay marami naman talaga siyang iba pang babaeng makukuha kahit wala ng bayad.

Montefalco Brothers Series #3: Defying Lust Over HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon