Simula

3 0 0
                                    

Simula

Lara Dela Merced

Nagkakilala kami dahil sa pinsan niyang si Kelsey. Naaalala ko pa noong minsa'y hinahanap niya sa akin si Kelsey dahil sa tumakas nanaman ito ng walang pasabi. Tanging iling lang ang nasagot ko nun dahil wala akong masabi. Ay! Di ko tipo si Gavin 'no! Hmph!

Inanyayahan ko siyang pumasok muna ngunit di din daw magtatagal dahil nga malilintikan siya kay Tita Kelly- ang mama ni Kelsey.

Hindi ko malilimutan kung gaano siya kalamya maglakad na akala ko sa una'y bading siya ngunit di naman pala.

Kinaumagahan ay napagpasyahan kong pumasok sa unibersidad dahil minsa'y di ko maiwasang tamarin at humilata nalang sa pinakamamahal kong kama.

Pagkapasok ko sa aming room ay nakita ko si Kelsey na nakatingin lang sa kawalan at nangingitim ang ilalim ng kanyang mata.

"Ganyan na ba ang uso ngayon, Kelsey?" Dahan-dahan siyang tumingin sa gawi ko ng malapitan ko siya. "Ugh! Please not now, Lara!" Ibinagsak ko ang aking bag sa gilid niya at nagulat siya.

"Hoy babae, saan ka gumala kagabi?" Agad naman siyang tumungo at bumulong. "K-kila Yohan." Binatukan ko siya at napadaing siya sa sakit.

"Kila Yohan?! Gosh, Kelsey! Kung alam mo lang na pinuntahan ako ng pinsan mo sa condo at tinadtad ako ng text ng Mommy mo, di sana kita ipinagtanggol!" Alam ko namang may nangyari nanaman sa kanila ng ex niyang si Yohan. Take note, EX! Cannot be! Di na pupuwede! At sex? Put- HINDI LARO ANG PAGGAWA SA BATA! Kaya naman pala nangingitim ang ilalim ng mata niya ay dahil magdamagan ata silang nagbirahan!

"Kelsey..." Seryoso kong tinignan ang tulala kong kaibigan na walang kamalay-malay sa pinaggagagawa niya. "I-I'm sorry bes. Mahal ko kasi siya-" "Puta naman bes! Mahalin mo lang, wag mo namang i-alay pati katawan mo! Maawa ka nga sa sarili mo, Kelsey!" Napahilot ako sa sentido at nakita kong unti-unting dumadami ang mga tao sa room.

"Bes, mahal mo naman ako di ba? Ba't di mo nalang ako hayaan kay Yohan?" Hirap niyang binigkas ito sa akin. Naghintay ako ng ilang minuto bago magsalita.

"Kelsey, kaibigan kita. Wala ako sa posisyon mo para diktahan ka pero please please please lang na sana utak ang paganahin mo dito! Paano kung mabuntis ka ng ex mo? Paano kung katawan kang pala ang habol sayo nun? Mapapanagutan ka ba nun? Kung gusto mo pabayaan kita e sana magtino ka! Kung ayaw mo masira ang pangarap mo, kung ayaw mong itakwil ka ng mga magulang mo, please lang itigil mo na 'yang kahibangan mo! Kaibigan kita kaya ko sinasabi ito pero sa ginagawa mo, mukhang pati ako e mawawala din sayo." Rinig ko ang hikbi niya at di ko maiwasang maawa sa kalagayan niya.

Di na pumasok si Sir sa klase namin kaya naman nag-usap pa kami ni Kelsey ng masinsinan at nangako siyang titigilan niya na ang paghahabol kay Yohan. Napag-desisyonan namin na pumunta sa Ice Cream Parlor para magpalamig ng ulo.

Kinuha ko ang phone ko at pinicturan si Kelsey na masayang kumakain ng ice cream na may mugtong mata. "Hahahahaha mukha kang tanga bessy!" Iniinis ko siya pero tanging tawa lang ang sagot niya. At least e napagaan ko ang loob niya.

"Kels!" Hindi ko nilingon ang tumawag sa kaibigan ko at nakita kong nanlaki ang mata ni Kelsey at namutla. "Shit! Si Gavin!" Di ako agad naka-react ng yakapin ni Gavin ang pinsan niyang si Kelsey. Naalala ko din na tumakas si Kelsey sa bahay nila kaya siguro'y naalarma siya sa biglaang pagsulpot ni Gavin.

"Ba't di ka umuwi-" "Long story." Sabat ko sa tanong ni Gavin.

"Oh andito ka pala, Lara!" Alangan!

"Why are you both here?" Umupo siya sa gilid ni Kelsey at tumingin sa akin. "Cooling our lives." Narinig ko ang mahinang halakhak ni Kelsey. She seems so amused about me reacting to her cousin.

"Oh." Walang masabi na tugon ni Gavin. Luh ba't di pa siya bumili ng ice cream niya?

"So..." Nakita ko ang malisyosang tingin ni Kelsey sa amin ng pinsan niya. "Di ba single kayo pareho?" Tumango kami sa tanong niya. "You should date each other!"

"No way." Sabay namin na sabi ni Gavin. Natawa kami dahil parang imposible na mangyari ang kagustuhan ni Kelsey.

"C'mon guys! It could work out!" Umiling ako sa kahibangan niya.

I just don't like her cousin. I mean he's hot but not in me.

"Uh I just came from relationship, cous." Awkward na sabi ni Gavin. Mukhang hindi pa din kumbinsido si Kelsey kaya naman kinuha niya ang pareho naming kamay at ipinagsalikop. Namula ako at umiwas ng tingin ng magawi ang tingin sa akin ng pinsan ng kaibigan ko.

"Too bad, I like you from each other. Good boys are for good girls. You both deserve each other since tinulungan niyo ako kay Yohan to let him go." Babawiin ko sana ang kamay ko pero humigpit ang hawak ni Gavin.

"Sige. Sana magwork out. Maybe pwede naman di ba? Nothing's impossible if it's okay with you?" Tanong niya.

Nahihiya naman akong pahiyain siya sa harap ni Kelsey kaya naman, "O-oo sige na nga." Napa-yes naman si Kelsey. Alanganin akong napangiti kay Gavin at kita kong natutuwa siya na makitang masaya ang pinsan niya, kahit na sinasakyan lang namin ang kabaliwan niya.

Maghahapunan na ng mapagpasyahan naming umuwi sa condo ko at talagang hinatid pa kami ni Gavin. Namumula ako sa kahihiyan kapag nagkakatinginan kami ni Gavin kaya naman iniiwasan ko siya. Ang awkward kaya!

"So bessy, pogi naman ba si pinsan?" Hinampas ko siya sa braso at napadaing siya. "Gago ka talaga! Sa tingin mo tipo ko yun? Nakakahiya ka!" Tinawanan lang ako ng bruha at humiga sa kama.

"Gavin Marasigan. He's broken and I think only you can mend his heart. Would you please help him?" Napabuntong-hininga ako.

"Hindi ganun kadali yun, bes. Kung sa tingin mo na matutulungan ko siya, e para ko namang tinaya yung feelings ko kahit na wala akong nararamdaman para sa kanya?" Nilingon ko siya at nakapikit ang mga mata niya.

"Alam mo, di naman masama ang sumubok. Wala namang mawawala sayo di ba? You said na wala kang feelings kay Gav but in time, you can kung gugustuhin mo lang. Just go with the flow."

"Sure, you said that. I'll try, bessy. In exchange of your gift certificates from Zalora." Napabangon siya at nanlalaki ang mga mata. "Please no!" Nagmakaawa siya ngunit lakas loob kong pinanindigan ang desisyon ko.

"That's final. No buts!" Kita ko ang panlulumo niya.

Ang hirap nga namang tanggihan si Kelsey Marasigan pero dapat pala,

dapat nung una palang ay matagal ko na silang tinanggihan.

Dapat pala nung una palang ay di na ako tumaya, dahil sa simula't sapul, wala na akong napala.

Araw, isang linggo, ilang buwan- di ko na mabilang kung hanggang kailan ako nagpakahirap na buuin ang puso niyang wasak habang ako naman ay unti-unting nawawasak.

Di ko malilimutan yung panahon na tuluyan na nga akong nahulog sa lalaking iyon.

Tanda ko pa nung bago ako pumasok ay hinatid niya ako sa unibersidad na may kasamang halik sa noo. "Alis na ko. Mag-ingat ka, Lara." Humalik din ako sa pisngi niya bago magpaalam.

Nahulog ako dahil sa mga mata niya.
Nahulog ako dahil sa mga pa-kwela niya.
Nahulog ako hindi dahil sa pinsan siya ng bestfriend ko kundi sa kanyang sinseridad.

Siya ang dahilan kung bakit nahulog ako. Siya ang pag-ibig na hinihintay ko. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tanga pa din ako.

Si Lara ay isang tanga.
Ang sakit lang di ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para kay Lara.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon