Chapter 1

0 0 0
                                    

Chapter 1: Back to School; Back to Hell

Stephen POV

"Nak! Gising na! Diba sabi mo alas siyete (7 am) ka papasok? Anong oras na Stephen! 7:20 na anak!" Rinig kong sigaw ni nanay.

Oo nga pala! Ano ka ba Stephen! "Opo nay! Eto na po ako! Nagbibihis na!" Pero ang totoo mag-totooth brush pa lang ako. Naligo naman ako kagabi at hindi naman ako lumalabas kaya okay lang na pumasok ako ng tooth-brush at hilamos lang.

Natapos na akong magbihis ng may bigla akong naalala "Pasukan; Bullyhan na parang kailan lang." Napangiti na lang ako ng may lungkot sa mata ko. Sanay naman na ako, its almost 2 years simula ng bullyhin nila ako.

7:30 na pala, 5 mins. lang naman ang biyahe sa university na pinapasukan ko at oo scholar ako, nerd at weak. Sanay naman akong matawag na ganun.

Nag-suot ako ng white plain v-neck t shirt pati jeans na medyo fit sakin.. Hay! Eto ba yung binili nila nanay kagabi? Hayaan na kahit di ako masyadong komportable, sinuot ko na rin ang rubber shoes ko pati bicycle helmet.

Hindi na ako kumain at humalik na lang sa noo ni nanay at naintindihan naman niya iyon dahil late na rin ako, pero hindi naman masyadong late kase ang tunay na pasok ay alas otso pero na sanay na rin akong alas siyete ang pasok ko.

Ipa-park ko na sana ang bike ko ng makita ko ang kotse nilang tatlo, napa-ngiti na lang ako. Pero biglang may tumawag sakin na bata.

"Kuya! Kuya! Pwede po bang manghingi kahit limang piso lang? Pang-lugaw lang po naming dalawa ng kapatid ko, nagugutom na po kasi kami saka binubugbog po kami palagi ni tatay tapos wala na pi kaming nanay." Malungkot na sabi sakin ng bata.

Wala akong ibang naramdaman kung hindi awa, at lungkot. Magka-iba kami ng pamilya lalo na sa tatay pero hindi ko pa rin maiwasang tanggihan ang bata.

"Eto sampung piso, tig-isang cup kayo ng lugaw at sigurado ka ba na hindi ka inuutusan ng sindikato?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi po kuya, marami pong tao na nag-uutos po saamin pero sinasabi ko na hindi po kami pababayaan ng Diyos, kasi po ayun yung sabi samin ni nanay bago siya mawala." Sagot niya.

Bumuntong hininga ako pero hindi ko pinakita na kinakaawaan ko siya dahil mas lalo siyang pang-hihinaan ng loob. "May tiyahin ka pa ba? O kamag-anak?" Tanong ko.

"Meron po, kaso wala ho kaming pamasahe papunta sakanila pero alam ko po kung saan." Sabi niya.

"Sa linggo, pumunta ka rito kasama ang kapatid mo, maligo ka at paliguan mo ang kapatid mo, pupunta tayo sa tiyahin mo at doon ka na titira." Sabi ko sakaniya.

"Gusto ko yun kuya para maalagaan si baby pero kailangan kong alagaan din si tatay at gusto kong mag-aral para buhayin ang kapatid ko paglaki ko."

"O sige eto, paaaralin kita at saatin lang ito, kukuha tayo ng sulat sa DSWD na sa tiyahin mo muna ang kapatid mo at kapag may trabaho ka na, pwede mo ng paarali ang kapatid mo o di kaya tulungan ang tatay o kamag-anak mo."

"Salamat po kuya, pero hindi naman po kayo masamang tao?"

"Salamat naman at tinanong mo yan, wag ka mag-alala kase normal lang ako na estudyante sa university na ito, paaaralin kita dahil sa kapatid mo at isa pa, matalino ka at hindi mo yun dapat sayangin."

"Maraming salamat po kuya! Ano pong pangalan niyo?"

"Tawagin mo na lang akong Kuya Stephen at wag mong kakalimutan sa linggo ah?"

"Opo kuya Stephen!"

Napangiti naman ako dahil alam kung sumaya siya. Tumingin ako sa relo ko at 7:40 na pala, nagpaalam na ako sa bata saka nginitian.

Nahalata ko na parang may kanina pa tumitingin saamin pero hindi ko na lang pinansin kase baka nagparking lang at nakinig sa usapan namin.

Pumasok na ako sa room ko at na relieved naman ako na wala pang prof. pero agad napalitan yun ng biglang may bumati sakin..

"WELCOME BACK WEAK NERD! LATE SCHOLAR, HOW HAVE YOU BEEN? MAY GIFT AKO SA LOCKER MO HAHAHA ENJOY IT! WELCOME TO REN FIELD UNIVERSITY! WHERE YOUR HELL LIFE BEGINS" Sabay smirk niya. Napatingin sakin ang mga nandun pero Sanay naman na ako pero kailangan kong magtiis kase isang taon na lang naman.

"Thank you Erinne, maganda ka ngayon" Ayan na lang ang sinabi ko para wala ng away, hindi naman ako sumasagot sakaniya o nagsalita sakaniya pero ginawa ko na lang para iwasan siya at medyo napaisip ako kase hindi niya ako sinigawan pabalik.

Nakita ko namang pumasok ang barkada niyang si Jane Mendoza ang katuwang niyang bumubully saakin pero parang medyo nagalit siya na may lungkot, Ewan ko basta.

Umupo na ako sa tabi ni Mich at nakita kong naka headphone siya habang naglalaro, gusto ko siyang katabi kase wala naman siyang pakialam saakin kahit barkada siya ni Erinne Renfields at ang totoo, crush ko si Mich.

Dumating ang prof. As usual, orientation lang naman, Nag-dissmiss at alam kong eto na ang simula ng bullyhan... Handa naman na ako, Iwas-iwas lang at mahabang pasensya.

Four Where stories live. Discover now