OKAY NA AKO

11 0 0
                                    

Okay na ko

Okay na ko
Yan yung pilit kong sinasabi sa sarili ko mula nung iwan mo ko
Yan yung katagang palagi kong pinapasok sa kukote ko
Dahil yan lang ang pwede kong sabihin ng mawala ka sa buhay ko

Bakit kailangan maging ganito
Bakit kailangan humantong tayo dito
Hindi ba pwede tayo na lang hanggang dulo
Katulad ng pangakong pinagsasabi natin nung nagsisimula tayo

Bakit kailangan mawala ka , ang mawala tayo
Hindi ba pwedeng magpahinga lang kapag pagod na tayo
Hindi ba pwedeng lumaban pa tayo pareho
Para sa ikasasaya ng ikaw at ako , ng tayo

Bakit kailangan matapos to ng ganito
Na parang lahat ng ginawa natin pumutok na parang lobo
Na tumagal nga ang hangin sa loob ngunit hindi rin kinaya neto
Hanggang dito na lang ba tayo at hindi na tutuparin pa ang bawat binitiwan na pangako

Hinangad natin na tumagal na tayo pareho
Pero bakit natapos ito nang hindi natin pinaghandaan pareho
Ano ba ang kulang satin, sakin at sayo
Na parang ang daling mong sabihin sakin na magiging okay na ako kung walang tayo

Ganyan ba kadali sayo ang mawala na parang bula ang relasyong ito
Kung oo , bakit , bakit ganun kadali para sayo
Dahil sakin di ko maiwasang maisip na mawala yung taong pinakamamahal ko
Yung taong binuhusan ko ng buong oras ko

Ganun lang ba kadali sayo
At nasasabi mo ngayon na okay na ko
Na okay ka na kase wala na tayo
Na okay ka na kase wala nang nangungulit sayo

Samantalang ako , heto
Iniisip kung makaya ko ding sabihin na magiging okay din ako
Dahil para sakin ang hirap ng walang tayo
Ang hirap na mawala ang isang tulad mo na mahal na mahal ko

Sana mabawi mo ang sinabi mo at bumalik na ang dating tayo
Dahil namimiss ko na kung anung meron tayo , kung anung meron ng ikaw at ako
Pinagsisisihan ko ang pagaaway na humantong sa hiwalayan na dapat itinama natin pareho
Dahil di ko kayang mawala ka sa piling ko

Gusto kong maging okay tayo
Yung tayo na masaya at parating iniisip ang relasyong to
Yung tayo na pareho ng pinagdadasal na tatagal tayo
Dahil dun ko lang masasabi na okay na ko .

Okay na ko dahil kasama ko ang mahal ko

Unexpected PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon