Baby

7 0 0
                                    

Baby ang tawag natin sa isat isa
Na eto din pala ang magiging sanhi ng paghihiwalay nating dalawa
Baby ang tawag mo sakin , pero baby din pala ang kanya
Baby na tawagan akala ko ako lang at walang iba

Bakit kailangan mong magloko
May ginawa ba kong mali para ganituhin mo ako
Kung meron, ano
Ano yung maling iyon at babaguhin ko

Naging tanga ako sa tawagan nating dalawa
Na akala ko ako lang  pati pala ang iba
Bakit mo sakin ginawa to
Dahil wala akong makitang dahilan para gaguhin ako

Ang sakit ng ginawa mo
Na parang winasak ang aking puso
At hindi ko na alam pano bubuoin ito
Dahil sa tindi nang ginawa mong panloloko

Kapalit palit ba ko?
Para gawin mo ang isang bagay na kinatatakutan ko
Dahil kung oo,
Sana pala hiniwalayan mo muna ako saka ka naghanap ng bago

Maayos naman tayo ng mga nagdaan na araw buwan at taon
Pero bakit naging mapaglaro ang panahon
Para humatong tayo sa ganitong sitwasyon
Dahil hindi ko maintindihan kung bakit naging ganun ang iyong desisyon

Parang wala lang sayo
At parang okay sayo ang lahat na nangyayare ito
Dahil hindi ko matanggap bakit ako
Bakit ako pa ang iyong niloko

Ang sakit sobra ng ginawa mo
Pero hindi ako magpapatalo
Dahil ang nararapat sayo
Hiwalayan ng taong katulad ko

Katulad ko
Na halos ginawa lahat para sayo
Na halos lahat ng oras ginawa makapagkita tayo
Na halos suwayin at pagalitan ng magulang para sayo

Baby ko
Napatawad na kita sa ginawa mo
Na sana wag mo nang ulitin pa sa ibang tao
Kikimkimin ko ng lubos tong sakit na dinulot mo

Asahan mong wala nang babalik pa sayo
Kahit anong habol gawin mo
Dahil natauhan na ako
At ayoko nang bumalik pa sayo

Winasak mo puso ko
Ang aking buong pagkatao
Pero Baby , kahit ganito
Gusto kong sabihin na minahal kita nang buong puso

Paalam baby ko
Iiiyak at itutulog ko ang sakit na ginawa mo
Para kahit papano ay maglihom sugat na ito
Ang sugat na ginawa mo na hindi makatao.

Sa ginawa mong panloloko
Ngayon naging buo na ang isip ko
Na ako na mismo ang lalayo sayo
Para malaman mo ang halaga ko.

Unexpected PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon