Mikay's POV
"Zharmella, sa tingin mo ba masarap mabuhay bilang tao?" naitanong ko lang bigla kay Zharmella. Halata namang nagulat ito.
O_O -> Zharmella
^_^ -> Ako
"Bakit mo naman natanong?" nagtataka niyang sabi sa akin.
"Ah, wala lang. Naisip ko lamang.
Marami kasi akong nakikitang mga tagalupa sa tabing dagat na namamasyal at kung pagmamasdan mo sila, para bang ang saya saya nila." Sa twing ako'y sisilip sa lupa, di ko maiwasang isipin na mabuhay bilang tao. Maaari kaya sa isang sirena na maging tao?
"Nako Mikay, kung anu ano ang pinagiisip mo jan. Tara na, at matulog na tayo." di man lang niya sinagot ang tanong ko sakanya >.<
Pumasok na kami sa aming silid upang matulog. Tinignan ko si Zharmella ngunit mukhang nakatulog agad ito, ang bilis naman nito makatulog -__-
Haayy makatulog na nga rin.....
*pikit*
..............
.................
..........
*dilat*
*pikit*
*dilat*
Ay! Ano ba yan, di ako makatulog >.<
Hmmm lalabas muna ako kahit saglit lang ^_^
Paglabas ko ay nakakita ako ng isang matandang sirena, kahit matanda ay maganda pa rin ito *o*
" Oh, ija ba't gising ka pa?" sabi niya
" Ah eh di po kasi ako makatulog"
" Ganun ba? Gusto mo kwentuhan kita nang makatulog ka?" hmmm bigla ko tuloy naalala si ina :(
"Ah sige po"
"Tungkol san ba gusto mo ija?"
"Ahm.." wala naman akong maisip...
Isip...
Isip....
........
...........
Ah! Alam ko na!
"Maaari po bang maging tao ang isang sirena?"
"H-ha? Ah... Oo naman" OoO talaga?!
"eh pano naman po?"
"Ah eh si Behati lamang ang makakasagot sa tanong na yan"
" Behati? Eh sino naman po yun?"
"Siya ang makapangyarihan dito sa mundo natin, at siya rin ang may kakayahang gawing tao ang isang sirena" Ahhhhh
"Ahh... Alam niyo po ba kung san siya maaaring makita?" interesado talaga ako dito :)
"Sa may kweba, dun mo matatagpuan si Behati" ahh oo alam ko kung saan yun! Tamang tama ^__^
"Ah sige po, salamat po sainyo! Matutulog na po ako" ngumiti lang siya at dali dali na akong pumunta sa silid namin.
Kailangan kong pumunta sa kweba bukas na bukas din. :)
Gino's POV
"Gino, anak! Tara na't aalis na tayo!" sigaw ni mama
"Opo ma! Susunod na po ko" tapos bumaba na ko at sumakay sa kotse namin.
Sarap talaga pagsummer, parelax relax lang. Magbbeach outing kami ngayon ng pamilya ko. On the way na kami ngayon. Antagal nga ng biyahe eh-__- Ge, tulog muna ako.